PROLOGUE

7 0 0
                                        

Prologue

Naglalakad ako sa mall ng may lumapit sa akin nakangiti lang siya habang nakangiti sa akin ewan ko ba may something sa ngiti niya diba dapat kabahan ako? Pero bakit wala akong makapang kaba sa dibdib ko.

" Kamusta iha? " Tanong niya.

" Okay, lang po ako. " Sagot ko ewan ko ba ang gaan ng loob ko sa kanya.

" Hmm, napakaganda mo parin Claire Katalina. " Sabi niya kaya naman kumunot ang noo ko.

" Ah, hindi po ako 'yon. " Sagot ko.

" Magkikita na ulit kayong dalawa at sa pagkakataong ito magkakasama na ulit kayo habang buhay. " Sabi niya kaya naman nagtaka ako.

" Huh? Magkakasama? Ulit? Sino pong makakasama ko? " Tanong ko.

" Mangyayari ulit ang nagyari noon ngunit sa pagkakataong ito maaari mong baguhin ang takbo ng istorya niyo noon. " Sabi niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

" Hindi ko po kayo maintindihan. " Sabi ko.

" Ang taong naghiwalay sa inyo noon ang siyang magdudugtong sa inyo ngayon naway pagpalain kayo ng may kapal at bigyan kayo ng magandang wakas. " Saad naman nito.

" Lola hindi ko po kayo maintindihan. " Sabi ko.

" Hindi pa sa ngayon ngunit malalaman mo rin ito sa takdang panahon, ang inyong anibersaryo ang susi sa pag unawa upang kayo'y magsama ulit ng mapayapa. " Sabi niya.

" Huh? Anibersaryo? Ah, anniversary huh? Eh lola wala naman akong jowa. " Natatawang saan ko.

" Lola Gwada. " Sabi niya.

" Ah, okay po lola Gwada pero sino naman po ang makikita ko ulit? " Tanong ko pero ngumiti lang siya.

" Cathy?! Bakit ka ba nandyan? At sino ang kausap mo? " Tanong ni mama napalingon ako kay mama at ngumiti.

" Ah, ma si lola– " Naputol ang sasabihin ko dahil paglingon ko sa gawi ni lola Gwada ay wala na siya.

" Huh? Sinong lola? " Tanong niya.

" Si lola Gwada po. " Sagot ko at nakita kong natigilan siya saglit pero agad ding ngumiti.

" Mukhang malapit na nga. " Sabi niya.

" Malapit na? Ang alin po? " Tanong ko.

" Wala sige na pumasok na tayo sa boutique diba may gusto kang bilhin? " Tanong niya at tumango naman ako.

Pumasok na kami sa isang boutique ewan ko ba habang namimili ako ang sinabi sa akin ni lola Gwada lang ang naaalala ko hala malala ka na self umiling nalang ako at nagpatuloy sa pamimili.

" Anak, may napili ka na ba? " Tanong ni mama.

" Opo ma. " Sabi ko at nakangiti lang.

" Ma, sa counter lang po ako babayaran ko na po ito. " Sabi ko at tumango lang siya.

" Mukhang ngayon na yata ang tamang panahon. " Sabi ni mama at napakunot ang noo ko.

" Ano po ang nasa tamang panahon na ma? " Tanong ko.

" Secret, basta may ibibigay ako sa'yo dahil birthday mo ngayon may ibibigay akong gift at sigurado akong magugustuhan mo iyon. " Sabi ni mama at tumango tango lang ako.

Naglakad na ako papalapit sa counter tinignan ko ang mga napili ko isang cute na skirt at white na statement t-shirt na may nakalagay na gorgeous malapit na ako sa counter ng may makabungguan ako.

" Aray naman! " Naisigaw ko dahil napaupo ako sa sahig.

" Sorry miss hindi ko sinasadya. " Sabi niya at napatingala ako sa kanya.

" Dapat kasi tumitingin ka sa dinadaanan mo. " Sabi ko pero infairness ang gwapo niya.

" Sorry talaga, by the way I'm Joash Rylle Alvaro. " Sabi niya at inilahad ang kamay niya.

" Wow advance masyado nakikipag kilala agad sa nakabangga. " Sabi ko pero ngumiti lang siya.

" Ahm, ano kasi, ah, ano p-pasensya ka na. " Sabi niya natatawa ako dahil nauutal siya.

" It's okay, I'm Flair Cathalina Pendleton. " Sabi ko at tinanggap ang kamay niya.

Habang nakapila kami sa counter ay nag uusap lang kami hanggang sa hindi ko na malayan na tapos na kaming magbayad at 'yong mga kasunod namin pati na 'yong nasa counter ay parang kinikilig sa aming dalawa hayst.

" Oh, anak halika na. " Sabi ni mama at tumango naman ako nauna na si Joash kasi sabi ko hinihintay ko pa si mama.

" Ma, alam mo ba may nakasalubong or more likely nakabanggang lalaki kanina. " Sabi ko naglalakad kami palabas ng mall.

" Talaga? " Tanong niya.

" Opo ma tapos ang gwapo niya po parang si papa lang. " Napahinto siya sa sinabi ko at nilingon ako.

" What do you mean? " Tanong niya.

" Magkahawig po kasi sila tapos 'yong pangalan niya Joash Rylle diba may ka pangalan lang sila ni papa. " Sabi ko at tumango tango naman siya.

" Hmm, I see sige na sakay ka na. " Sabi ni mama may mga sinabi pa siya pero hindi ko narinig.

Nang makasakay na si mama sa driver seat ay pinaandar niya na at syempre pauwi na kami kasi icecelebrate pa ang birthday day ko.

Someone's POV

Matapos ang celebration ay nasa kwarto na si Cathy kaya naman pinuntahan ko siya doon para ibigay sa kanya ang regalo ko.

" Cathy? " Tawag ko sa kanya nasa labas kasi ako ng kwarto niya.

" Yes po? " Sagot niya at alam kong naglalakad na siya papunta sa door.

" May ibibigay lang ako birthday gift. " Sabi ko at saktong binuksan niya na ang pinto.

" Ma, pasok ka po. " Sabi niya kaya naman pumasok na ako.

" Kamusta masaya ka ba sa celebration mo kanina? " Tanong ko.

" Oo ma super, thank you ma that was the best birthday ever. " Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

" That's good because that's what matters to me. " Sabi ko at hinaplos ang buhok niya.

" Ma, magbihis muna ako. " Sabi niya at tumayo na pero pinigilan ko siya.

" Wait, may ibibigay lang ako. " Sabi ko at ngumiti sa kanya.

" Ano po 'yon? " Tanong niya.

" Here. " Sabi ko at ngumiti sa kanya.

" Oh my! For real?! Ayieee thank you ng marami ma!!! " Sabi niya at nagtatalon talon pa siya.

" Do you like it? " Tanong ko.

" I don't like it, I LOVE IT!!! Thank you so much ma. " Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

" Sige na magbihis ka na. " Sabi ko at lumabas na.

" Salamat talaga sa libro ma you really know that I love books. " Sabi niya at hinalikan ang pisngi ko.

" Your welcome sige na magbihis ka na at matulog good night. " Sabi ko at hinalikan ang noo niya.

" Good night din po. " Sabi niya at lumabas na ako sa kwarto niya.

Nang makalabas ako sa kwarto niya ay huminga ako ng malalim, I guess it's the right time kagaya ng sabi ni aling Gwada I really hope they'll end up together this time and I'll also make sure they will have they're happy ending.

ANNIVERSARYWhere stories live. Discover now