Nilingon ko ang tinuturo ng hintuturo n'ya. Nanlaki ang mata ko nang makita kung saan s'ya nakaturo.


Mabilis kong ibinaba ang kamay ni Ae. "Stop pointing."


Kumunot ang noo niya. "Why? Kilala mo ba ang ex-fiance ko?" kuryos n'yang tanong.


“Hindi,” sagot ko agad. “Pero kilala ko yang kasama n'ya,” dagdag ko.


Umayos s'ya sa pag upo. “Sino yan? Ex-girlfriend mo?” usisa n'ya sabay sulyap sa dalawang tao na nasa hindi kalayuan kung nasaan kami nakaupo. Kumunot muna ang noo ko dahil kinakain na ni Ae ang dessert na ako ang umorder. Pero hindi ko na pinansin 'yon.


“Yan ang future ex-wife ko.”


Walang segundo ang lumipas at nabulunan si Ae sa sinabi ko. Agad ko syang inabutan ng tissue habang tubig naman ang una n'yang inabot. Umuubo s'yang tumingin sa akin, hindi makapaniwala.


"S-seryoso ka ba, Rael? Gagi! Totoo? E 'di ang ganda ganda pala talaga ng asawa mo." Humaba ang leeg niya para tingnang muli ang dalawang tao.


Hinarangan ko ang mata n'ya gamit ang palad ko. "Alam kong maganda s'ya but stop looking at her. Baka mapansin n'yang may nakatingin, malaman pa nun na andito ako."


Natawa siya sa sinabi ko. "Kunwari ka pa na ayaw mong malaman n'ya. Pero aminin, attracted ka parin sa future ex-wife mo 'no? Sabi mo maganda di ba? Ayaaaan. Huli ka!" tumawa s'ya kahit wala naman akong sinagot sa mga tanong n'ya. May sariling desisyon talaga 'tong si Ae.


Hindi ko na pinatulan ang mga conclusion n'ya dahil ayaw nya rin naman akong paniwalaan. Manunudyo nang manunudyo lang yan hangga't hindi s'ya napapagod.


Bumalik na muna ako sa suite ko para mag handa matapos kong mag dinner kasama si Ae na s'yang kumain naman talaga sa pagkain ko. Magkikita nalang kami ulit ni Ae mamaya kapag malapit nang mag simula 'yong party.


Tungkol sa ex-fiance n'ya at ex-wife ko, pareho na muna naming isinantabi ang pag iisip about sa kanila. Mag e-enjoy muna kami bago mamroblema.


»


Alas dyes na nang lumabas ako sa suite ko para puntahan si Ae sa baba. Kanina n'ya pa pala ako tinatawagan, hindi ko man lang namalayan dahil naka idlip ako.


"You would stay here in Siargao?" I heard a familiar voice bago pa ako maka layo sa kwarto ko.


Natigilan ako nang marinig ang boses na 'yon. Akala ko ako ang tinatanong n'ya but as I look at her, I saw her with the guy na kasama n'ya kanina.


"No. Aalis din ako agad. I just have to talk to my fiancee," sagot ng lalaki kay Amethyst. Ito ang ex-fiance na sinasabi ni Ae akin. Si Ae ba ang tinutukoy niyang fiancee na kakausapin n'ya?


“Hmm okay. Thanks for accompanying me here. Pasok na ako ha?" Pumasok na si Amethyst sa suite n'ya. Hindi n'ya ako napansin . . buti naman.


Naiwan ang lalaki na nakatayo sa harap ng pinto habang ako ay nakatayo rin hindi kalayuan sa kanya. Teka . . bakit ako nakatayo rito? Naghihintay na sa baba si Ae.


Pumihit na ako paalis pero natigilan rin ako agad dahil nagsalita ang lalaki.


"Hindi mo alam?"


Hindi ako sigurado sigurado kung ako ang kinakausap n'ya pero lumingon parin ako sa kan'ya. There I saw that he is indeed talking to me. Diretso s'yang naka tingin sa akin.


"Hindi mo nga alam," mapait syang ngumiti at tumango tango.


Anong hindi ko alam?


"She was in pain for all the years that had passed. I think you didn't know anything about that."


Huh? Sinong tinutukoy niya? Kilala ba ako ng lalaking 'to? Dude, what are you talking about.


"Your wife wants to end your marriage not because she hated you,”


“Si Amethyst?” wala sa sariling naibulalas ko. So, he's talking about Amethyst.


Tumango ang lalaki. “She never hated you, but there's a reason why she wanted to leave you," aniya na seryosong seryoso na naka tingin sa akin. Parang may iba pa s'yang gustong sabihin na hindi n'ya masabi kasi hindi pwede sabihin. Ganu'n ang nakikita ako sa awra n'ya.


Sa sinabi n'ya, imbes na maliwanagan ako kung bakit ako iniwan ni Amethyst mas lalo lang akong na confused at na curious. Nakakalito.


"What are you talking about?" Ang tanging lumabas na taning sa bibig ko.


He shrugged. "It's not my story to tell, but I hope you'll try to find out about that story. Bago pa maging huli ang lahat."


Tinalikuran n'ya ako at bago sya umalis ay may sinabi pa s'ya, ang iba ang hindi ko naintindihan. But I didn't expect I would hear it from him. Ayaw kong paniwalaan pero nakaramdam ako ng kirot sa puso.


"Your marriage? Amethyst tried too. At hindi lang ikaw ang nahirapan nang maghiwalay kayo. Bukod sa divorce n'yo, she suffered more. Maong palihog ko'g paminaw niya, palihog ko'g sabot niya."


She's My Ex-wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon