Chapter 2

6 0 0
                                    

"Bonjour le monde!" Nakangiti kong bati kay haring araw habang inaayos ko ang kurtina.

"Miss Zol-- gising ka na po pala." Palingon ako kay Nana Eden tsaka tumango. Maaga talaga ako nagigising, kailangan kasi at nakasanayan na.

"Nana Eden, paki lagay nalang po dito sa kama ko ang mga gagamitin ko po pang-pasok." Sabi ko dito, tumango ito tsaka tumitig ng medyo matagal.

"Bakit po?" Tanong ko dito.

"Hindi ko kasi alam na lalaki kang gan'yan. Dalagang dalaga ka na talaga..." ngumiti ako sakanya tsaka hinawakan ang dalawa niyang kamay.

"Kahit po ayoko pa mag-dalaga, kailangan po eh." Tumango ito sa'kin dahil alam ko na alam niya ang rason.

"Alam ko, Zola. Pero ang batang katulad mo na kinayang mag-isa sa isang dayuhang lupa ay hindi madali pero kinaya mo." Ngumiti ako dito at binitawan ang kamay.

"Wala naman po akong pagpipilian, Nana Eden. Kung meron man po ayon ay ang mamatay sa lungkot o mabuhay ng may pag-asa." Nakita ko ang pumatak na luha sa mata niya at niyakap niya ako, hinayaan ko lang siya at nung natapos siya ay pinunasan ko ang luha niya.

"Napaka tibay mo, Zola." Nakatingin lang ako sakanya at tumango.

"O'sya, maligo ka na at baka mahuli ka pa sa unang araw mo sa klase. Bakit kasi ngayong araw mo agad naisipan pumasok." Mahina akong tumawa at dumeretso sa palikuran para maligo at mag-ayos.

Naisip ko ang sinagot ko kay Nana Eden, talaga bang wala akong pag-pipilian? O sadyang pilit ko tinatago ang pwede kong pag-pilian? Hayst, whatever. Meron o wala, tapos na at nangyari na. Pero sa susunod ay pipiliin ko na kung ano ba ang dapat sa'kin, dapat itrato sa'kin at dapat ko talagang kalagyan. Hindi na nila ako pwedeng diktahan sa gusto nilang gawin sa'kin, not even the Tuffin nor Mama.

Pero kaya ko ba? Hayst! Eto nanaman ako, nag-iisip ng kung ano anong walang kabuluhan.

***

"Kumain ka na, Zol." Anyaya ni Tita Hera, umiling ako dito. 'Di ako kumakain sa umaga.

"Salamat po Tita, babaon ko nalang po?" Sabi ko kasi nakita ko yung itsura niya nung umiling ako pero ngumiti din naman agad siya nang sabihin kong babaunin ko.

Umalis na ba si Archer? O tulog pa? Hays, nahihiya ako mag-tanong.

"Nako, ang payat payat mo na tapos 'di pa kakain. Liliparin ka niyan ng hangin." Pang-aasar ni Sailor, inirapan ko pero siya naman ay tumawa lang.

"Atleast 'di tulad mo, habang buhay na walang kabusugan." Mas lalo siyang tumawa sa sinabi ko. Alam na alam niya talaga kung paano ako aasarin.

"Atleast ako magugutom muna bago mamatay kesa sayo na diretso libing na--"

"Sailor! Napaka walang modo--"

"Tito, ok lang po. Eh, kung mamatay ako sasama kita." Tsaka siya humalagapak ng tawa. Napa-irap ako sa kanya. Kinuha ko ang gatas atsaka ininom.

Nauna na kaya si Archer? Hays, iniiwasan niya ba ako? 'Di ba ako dapat ang nagtatampo? Hindi siya. O tulog pa siya? Gigisingin ko nalang

Tumayo ako sa mesa kaya nakuha ko ang atensyon nila. "Saan ka pupunta, Zola? Aalis ka na ba?" Tanong ni tito. Umiling ako tsaka sumagot.

"May kukuhain lang po sa taas." Pag-sisinungaling ko. Agad akong umakyat sa taas at may nakita akong isang maid.

"Ahm, Nana, nasa'n po dito ang kwarto ni Archer?" Tanong ko dito, ngumiti ito tsaka sumagot.

"Do'n po Miss Zola, kakaliwa ka po tapos diretsuhin mo po yung hallway na 'yan, may malaking pinto po d'yan, do'n po ang kwarto niya." Pag-papaliwanag niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love WithinWhere stories live. Discover now