"Are you done choosing your eighteen roses?" he asked with his eyes on my laptop's screen.

"Hmm, hindi pa tapos. I have boy cousins, and they already reserved spots... I have a lot of guys friends, too, and they want to be part of it as well."

"I'm your eighteenth, right?" tanong niya habang nakatitig ako sa kanya. The end of my pen is resting on my lips.

"Yup! Ikaw nga ang una kong nilagay..."

I'm sorry, dad! First dance ko naman ang daddy, e.

"Okay." Tumango ako nagpatuloy. "Are you hungry?"

Umiling ako at hindi na siya tinignan kahit ramdam ko ang atensyon niya sa akin. Kanina pa ako kain nang kain dito, paano ako hindi magugutom?

Mom will finalize my plans after. Hindi pa naman ito ang opisyal na plano. These are my only ideals, but the people that would be involved in my event are already official. Plus, my mom will hire an organizer for my debut. My titas promised me they would be responsible for my designers, so I don't have much to worry about anymore.

"Red is my theme. Black and red. What do you think?" ako kay Zoren.

"It's fine. It suits you..." anito habang patuloy sa pagbabasa.

I don't know how he has learned what he's doing but I'm so proud. Iyong ibang ka-age niya ay tambay lang kung saan-saan. I could see that Zoren has a really wide dream and he's already preparing for it. Sana ay kabilang ako roon.

I have a plan, too, but not as concrete as his. I want to marry him. Iyon palang ang konkretong plano ko. As of now.

"Uhm, Zoren..." from a girl. Nauna ang pagbukas ng pinto kaysa sa katok.

Tumaas tuloy ang kilay ko. Nagkatinginan kami ng babae at pamilyar siya.

"Pa finalize na lang daw itong mga folders..." nahihya nitong sabi. She's a bit pretty and she looks so prim and proper. Naalala ko na! Pinsan ni Dimples. Nakita ko sa social media.

"Okay..." si Zoren at kinuha ang mga iyon.

Para akong tangang papalit-palit ng tingin sa ekspresyon nilang dalawa. Nagseselos na naman ako. Pakiramdam ko palaging ganito ang babae kapag wala ako.

"Uh, sige... Una na ako." Paatras itong naglakad pero hindi na pinansin ni Zoren. Ngumisi ako at nahuli iyon ng babae. Kumunot ang kanyang noo at saka umalis na.

"Sino 'yon?" I asked while playing with my pen.

"I don't remember her name..." si Zoren habang ini-isa isa na ang mga folders. Hindi naman marami ang mga iyon.

"Palaging nandito?"

Tumango siya at tinignan ako ng ilang segundo bago bumalik sa ginagawa niya.

"Close mo? I think she likes you..." Humina ang boses ko. "Bakit nagtatrabaho rito? Mukhang mas bata pa sa atin..."

"Summer job, maybe?"

Tumango ako babalik na sana sa pagpaplano kahit sarado na ang isip nang hilahin niya naman ako nang mabagal. I sighed and did what he wanted. Inilapit ko ang upuan ko, dahil iyon ang alam kong gusto niya, pero hindi pala. My brows creased when he placed his hands on my waist and lifted me up. I'm not that heavy so it was easy for him to put me on his lap.

Sa mga ginagawa niyang ganito, mas lalo akong naniniwala na matagal niya na talaga akong gusto.

"How's your plan?"

And now I know he wants to direct the subject so my mood would ease up.

"Maayos naman. Malayo pa kaya ayos lang kahit hindi ko madaliin..."

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon