PROLOGUE

7.6K 105 2
                                    


"Lexi hija hinahanap ka ng Mommy at daddy mo bilisan mo, " Pinag mamadaling sabi sa akin ni manang.

"Po, bakit daw po?"

"Hindi ko alam ang sabi lang sa akin ng mommy mo pag uwi mo raw ay pumunta ka agad sa library, "

Bakit naman kaya nila agad ako pinapatawag?

Tuloy pag akyat ko kinakabahan ako feeling ko sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

Hindi naman kasi nila ako tatawagin kung wala akong ginawa o di kaya may kailangan sila.

Nang maka-punta na ako ay deretso katok at pasok ang ginawa ko.

"Dad, mom pinatatawag nyo raw ako? b-bakit?"

Muntik pa akong ma-utal dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Hija upo ka muna anak"

"A-ano po ba yun? b-bakit nyo ako pinatawag?"

"Hija may dinner tayo bukas kasi may ipapakilala kami sayo"

"Huh? sino po? at bakit biglaan"

"Basta mag handa ka bukas dapat maayos ka, "

"Po? Ano ba talagang meron mommy?"

"Daughter, please just listen to me and your dad." Madiin na sabi ni mommy, halatang napipikon na dahil sa mga tanong ko.

Bakit kasi ayaw nila sagutin ang tanong ko. I just wanna know what i will do on that dinner? and who's the person i will meet there?at bakit kailangan naka-ayos ako.

Wala akong nagawa kung hindi lumabas at pumunta sa kwarto wala naman akong magagwa dahil sila ang nasusunod.

Pagod na nahiga ako sa kama ko, parang ang layo lagi ng narating ko.

Dahil na rin siguro sa pagod ko nakatulog ako.

___

"Hija gumising kana at sabi sa akin ng mommy mo pupunta daw kayo sa mall."

Nagising ako dahil sa tapik at sinabi ni manang.

"Huh? bakit kailangan namin pumuntang mall?"

"Hindi sinabi eh, pero mukang para ma-relax kayong dalawang mag ina."

Wala na akong ginawa kung hindi ang bumangon at pumunta sa C.R para maligo.

"Bilisan mo para sabay kayo ng mommy at daddy mo sa breakfast ngayon, ako na din bahala sa pinag tulugan mo."

Ayun lng at wala na akong narinig na sinabi ni manang.

Mukang pinag mamadali ako ni mommy. Ano kayang gagawin namin sa mall?

Paano ba naman di ako mag tataka eh lahat ng damit meron naman ako pati na rin sapatos, so imposible na bilhan ako ni mommy eh kailangan na namin mag tipid ngayon.

Paano nabalitaan ko ang nangyari sa company namin nalulugi na daw dahil may nangyari na problema.

Hindi ko naman mawari kung ano dahil iniisip ko lagi ang pag-aaral ko, tapos na kasi ako mag-aral nag graduate ako nung naka-raang araw lng.

Kaya nag papahinga at nag e-enjoy muna rin ako bago pumasok sa kumpanya dahil bussiness rin ang kinuha ko dahil alam kong ako ang mag ha-handle din ng company.

Tapos na ako maligo at mag bihis ngayon ang kailangan ko na lng ay kumain dahil mukang na-pag antay ko talaga ng matagal ang aking parents.

Nang pababa na ako sa hindi sinasadya narinig ko ang pinag uusapan nila.

Married to a BillionaireWhere stories live. Discover now