"Bakit mo 'ko iiwan?"
"Ginamit lang kita,hindi mo ba naramdaman 'yon?"
"Ibig sabihin l-lahat ng sinabi at pinaramdam mo sakin ay h-hindi totoo?"
"G-Ganun na nga,ano pa nga ba? Ang tanga mo naman para maniwala."
"'Yong mga pangako mo,para saan 'yon? Para saan pa't nanumpa tayo sa isa't isa na aabot tayo hanggang dulo?"
"Well, I guess ito na 'yong dulo!"
"Ganun na lang 'yon? Ganun lang kadali para sayo para i-iwan at lisanin lahat ng pinagdaanan at pinagsamahan natin? 'Yong totoo,m-minahal mo ba talaga ako?!"
. . .
"H-hindi!"
***
Nagising na naman ako mula sa paulit-ulit at parehong panaginip na bumabagabag sa pagkatao ko halos dalawang taon na.
O mas mabuting sabihin nating mapait na nakaraan. Magdadalawang taon na pero 'di ko pa rin limot lahat ng mga salitang binitawan namin sa huli naming pag-uusap na nakapagpabago sa takbo ng buhay ko at lalo na sa sarili ko.
As usual,tumayo ako at tiningnan ang sarili sa salamin. May luhang dumadaloy mula sa kaliwa kong mata,senyales ng paghihinagpis.
Sa lahat ng mga bagay na pwedeng-pwede kong kalimutan,'yong bagay na 'yon ang hindi mawala-wala. Parang mas pinamumukha sakin na karapat-dapat akong saktan. Na deserve kong masaktan nang ganito.
Yong utak ko pilit na nililimot ang mapait na nakaraan na 'yon,pero ang puso ko ang nagbabalik. Parang ang sarili ko lang rin ang may kagagawan sa lahat ng sakit na nararamdaman ko sa halos magdadalawang taong pagkulong sa sarili sa nakaraan.
Meron pa ring parte sakin na umaasa na balang araw,ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon ay mapapalitan ng saya,mula sa parehong...tao.
Ang dahilan ng minsang kasiyahan ko at ang kasalukuyang dahilan ng sakit na nararamdaman ko.
~Blissful Misery
* * *
Note:
Kyle above.
Photo from the bl Anime "GIVEN"
source: pinterest
Ps.
The name Kyle is from yours truly,while Carl's from my...should I say unrequited love. I met him in 2017 and we lost communication until now. The sad part was that it happened during Christmas 😔 and many Christmas season has passed yet I am still here holding on to the hope that he'll be back soon😊. TO YOU! WHEREVER YOU ARE,I LOVE YOU FROM AFAR.
YOU ARE READING
Blissful Misery
Teen FictionSome people are meant to meet,but not meant to stay beside each other. Attachment is a great thing that makes everyone feel wanted and comfortable with someone, not long as it breaks under sorrowful instances. In school, we encounter different peop...
