"Tss, lakas ng hangin. Oh tignan mo 'to" nilabas ko ang maliit kong salamin galing sa bag ko at pinakita ko sakanya.

"Gagawin ko d'yan?" Tanong niya.

"Tumitig kang mabuti nang makita mo ang katotohanan. Pasalamat ka hindi nakakapag-salita ang salamin at hindi nakakatawa sa'yo." Tinaasan niya ako ng kilay sa sinabi ko at ako naman ay tumawa lang.

"Bulag lang ang hindi makakakita ng kagwapuhan ko." Nag-thumbs up nalang ako sa kanya.

"Anong oras kaya uuwi si Archer? 'Di ba siya aware na uuwi ako ngayon?" Pag-iiba ko ng topic.

"Hays, muka ba akong tanungan ng nawawala?" Sagot niya pabalik sa'kin.

"Peu importe." 

"Ano? 'Wag mo ko ma-french french sa sarili nating bansa, Zol, ha." Dinalaan ko lang ulit siya tsaka nag-paalam na kakausap muna ng mga bumisita para sa pag-dating ko.

"Ikaw na ba talaga 'yan, Ija? Napaka ganda mo. Nakuha mo ang mata at labi mo sa Papa mo. Kahit sino ay hindi mag-sasawang titigan ka." Ngumiti ako sa papuri ni Lady Victoria. May maganda itong  Raven Hair at hazel eyes ito, kapansin pansin din ang perpektong hugis ng labi niya. Sana gan'to din ako pag-tanda.

"Maraming salamat po, Lady Victoria. Sigurado po akong mas maganda ang anak niyong si Yanie." Ngumiti ito ng mainam sa'kin at hindi sumagot sa sinabi ko. Nagpaalam ito at parang naging uncomfortable siya sa sinabi ko. May nasabi ba akong hindi maganda?

"Zola! Kamusta ka na Ija?" Napalingon ako kay Lady Samantha. Mas simple ang itsura niya kesa sa kapatid niyang si Lady Victoria pero 'di mo mapagkakaila na anak ang ama nila ang pinaka mayamang aristocrat dito sa bansa.

"Mabuti naman po ako, Lady Samantha. Ikaw po?" Ngumiti ito sa'kin at nilandas ng kanyang kamay ang muka ko.

"Ang ganda ganda mong bata, mabait at sa pag-kakaalam ko ay matalino. Hindi sila nag-kamali ng pinili." Sabi nito tsaka umalis. Ni hindi niya sinagot ang tanong ko. Napakunot ako ng noo sa sinabi nito.

Weird nilang mag-kapatid. Pakiramdam ko ay na su-suffocate ako sa madaming tao. Hindi ako sanay dahil sanay akong magisa.

Pumunta ako sa likod ng mansion nila at tinignan ko kung nando'n pa ang tree-house namin. Umaasa ako na nando'n pa kasi isa 'yon sa mga masasayang lugar ko no'ng bata pa ako--kami.

Kaso, wala na pala. Ngumiti akong nakatingin sa punong mangga kung saan dati nandito pa ang "hideout" namin. Wala na pala.

Umupo ako sa bench kung saan nakatapat 'yon sa isang sculpture, sculpture ni Lord Capello Antonio Tuffin. Great grandfather nila Sailor at Archer.

"I'm finally back but I guess everything has changed and yet, I'm more me than I've ever been." The welcome party is extravagantly beautiful yet I still not feel the comfort and warmth of my comeback. 'Di ko nagilan ang hindi malungkot pero wala din naman akong magagawa. I live to be lonely and I have to get use to it.

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo para bumalik sa loob nang mapansin ko kung sino ang parating, it's him. Napangiti ako ng malawak nang makita ko si Archer.

"Archer?" Tumaas ang dalawang kilay niya ang ngumiti sa'kin. Grabe ang pinag-bago ng muka niya, more manly pati katawan niya ay lumaki at fit.

"Welcome home, Zola!" Lumapit ito sa'kin at ngumiti ng bahagya. Ang lamig ng mata niya at parang walang kabuhay-buhay.

"Ikaw na ba talaga 'yan? Arch?" Tumango-tango siya sa'kin, hindi ako makapaniwala. Hindi sapat ang salitang gwapo para idescribe siya...

"Ang laki nang pinagbago mo, Zol." Sambit nito habang nakatingin sa'kin, ngumiti ako dito.

Love WithinWhere stories live. Discover now