Cronica Bruja: Ang Bisita

29 3 2
                                    

Mil Nueve Siyentos Noventa y Otso

Kwento ito ng aking ina noong anim na buwan siyang buntis sa kuya ko. Tubong Masbate talaga si nanay at medyo sanay na din sa mga kwentong katatakutan...

pero ibang bagay kase...

'pag ikaw na mismo ang bida sa sarili mong istorya ng katatakutan.

Tinanan siya ng tatay ko noong taon ding 'yon at dinala dito sa Laguna, hindi ko na tutukuyin saan eksakto dito, at dito nila nga napag-desisyunan na bumuo ng pamilya.

Napakasarap nga naman ng pakiramdam kapag kasama mo ang taong pinakamamahal mo.

Oo, hindi mayaman ang mga magulang ko pero...

'yung sakripisyo na iiwan mo ang lugar na kinalakihan mo para lang makasama ang lalakeng pinili mong mahalin at maging ama ng iyong magiging supling...

sa palagay ko ay...

daig pa nito ang kahit na anong kayamanan na pwedeng maipagkaloob sa'yo ng buong mundo...

ang makita mo ang mukha ng iyong pinakamamahal, sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

Marahil ay higit pa sa anumang gantimpala, at malamang sa mga oras na iyon ay ito ang nasa utak ng nanay ko.

Pero sa kabila ng matamis na pag-iibigan ay may nakaatang din na responsibilidad, simula nga noong magdalantao si nanay ay napilitan si tatay mamasukan sa isa sa mga pabrika sa Valenzuela at lingguhan na kung ito ay umuwi.

Ang araw-araw na lambingan ay...

napalitan ng araw-araw na panlulumbay dahil isang beses na nga lang sa isang linggo kung sila ay magkita.

Ngunit kelangan gawin ang sakripisyong ito dahil kung hindi'y papaano mabubuhay ang kuya kong nasa sinapupunan pa lamang ng aking ina.

Ang tahanang punong-puno ng harutan at lambingan ay napalitan ng kalungkutan, ngunit pinilit sanayin ni nanay ang sarili sa ganoong lagay, yamang iilang buwan na lamang ay manganganak na siya at magkakaroon na ng kasama sa bahay.

Simulan na natin...

Gaya nga ng naka-gawian ay araw-araw naghahatid si nanay ng nilutong ulam kila lola tuwing hapon para sa hapunan ng mga matatanda.

Hindi naman kalayuan ang bahay nila lola mula sa'min, gaya nga rin ng naka-gawian ay araw-araw sila nagku-kwentuhan sa tuwing naghahatid si nanay ng ulam doon, at gaya ng nakasanayang gawin ay medyo napasarap nga ang kwentuhan nila kayat sinabihan na siya ng lola na umuwi na habang may liwanag pa, dahil mahirap abutan ng dilim sa daan dahil, nasa anim na buwan na ang tiyan niya noon.

Habang binabagtas ang daan pauwi ay, tila ba may napansin ang nanay...

nakakapagtakang beinte minutos na pala siyang naglalakad!

Eh, kung susumahin ay sasampung minuto lang dapat o wala pa ang daan pauwi.

Pinawisan ng malamig si nanay at butil-butil sa noo.

Nagsimulang kutuban ng hindi maganda...

pero, nagpatuloy pa din siya sa paglalakad pauwi.

Hanggang sa may napansin siya...

hindi niya alam kung nasaan siya! hindi

pamilyar ang lugar!

puro matataas na talahib?!

"parang naliligaw ako!"

...turan ng nanay sa sarili.

kutob niya ay pinaglalaruan siya...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cronica Bruja: Ang BisitaWhere stories live. Discover now