Sa harapan ng bahay nina Fernan ginanap ang maliit na salo-salo. Wala man kakilala si Ysabella sa mga bisita nila ay mainit pa rin ang pagtanggap ng mga ito sa kanya.

At nang sumapit na ang gabi, nang mapag-isa na sila ni Fernan sa kanilang kwarto ay niyakap siya nito sa kanyang likod habang nagpapalit siya ng damit.

"Magpapalit ka pa ng damit? 'Wag na, Ysabella... Huhubarin ko rin naman iyan ngayon, eh." Napangiti si Ysabella sa sinabi ni Fernan na ngayon ay asawa na niya.

Humarap siya dito at ipinatong ang mga kamay sa magkabilang balikat nito. "Ikaw talaga! At bakit mo naman ako huhubaran, ha?"

"Alam mo na. Pa-inosente ka pa talaga."

"Eh 'di, simulan na natin..." ani Ysabella sa nang-aakit na tinig.

Nang sabihin niya iyon ay sinimulan na siyang halikan ni Fernan sa kanyang mga labi. Napakabilis niyang mag-init kapag alam niyang aangkinin na siya ni Fernan. Gumanti siya sa halik nito. Nakipagtagisan ang dila niya sa dila ng lalaki.

Maya maya nga ay inihiga na siya nito sa papag at ilang sandali pa ay maririnig sa apat na sulok ng silid na iyon ang ungol nilang dalawa.

-----***-----

PAG-GISING ni Ysabella kinabukasan ay wala sa tabi niya si Fernan. Kaya naman kahit medyo inaantok pa ay bumangon na siya. Nakita niya sa bintana na maliwanag na.

Awtomatiko na sinulyapan niya ang orasan na nasa dingding at nalaman niya na alas-diyes na pala ng umaga. Ganoon siya katagal nakatulog? Paano ba naman ay parang wala nang bukas na nagtalik sila kagabi ni Fernan. Hindi na nga niya mabilang kung nakailan sila. Kagabi lang din niya nalaman na malakas pala ang resistensiya niya sa pakikipagniig dahil halos umayaw na si Fernan ngunit siya ay gusto pa rin.

Lumabas siya ng silid na iyon at nagtungo sa kusina. Nagmumog at naghilamos siya ng mukha sa lababo.

May nakita siyang pagkain na may takip sa hapag-kainan. Nang alisin niya ang takip ay meron doon na sinangag at kaldereta. Sigurado siya na iyon ay tira sa handa sa kasal nila kahapon.

Dahil sa nagugutom na ay hindi muna inintindi ni Ysabella kung nasaan si Fernan at kumain muna siya. Nagtimpla na rin siya ng kape. Matapos iyon ay hinugasan na niya ang pinagkainan.

Naisip niya na baka lumabas ng bahay si Fernan kaya naman nagtungo siya sa labas. Sumalubong sa kanya ang napakagandang tanawin. Malawak na dalampasigan at asul na dagat.

'Napakagandang mabuhay sa ganitong lugar. Para kang nasa paraiso...' Naisip ni Ysabella habang pinupuno ng sariwang hangin ang kanyang dibdib.

Hindi pa man siya nagtatagal sa labas nang may makita siyang bangka na dumaong sa dalampasigan. At napangiti ang babae nang malaman niya na sina Fernan at Mikael ang sakay niyon. Agad naman siyang sumalubong sa dalawa na pinagtutulungang buhatin ang isang medyo malaking timba.

Sinalubong niya ng mabilis na halik sa labi si Fernan. "Akala ko kung nasaan ka, eh. Iyon pala ay sumama ka kay Mikael na mangisda."

"Pasensiya ka na, Ysabella. Hindi na kita ginising kasi alam kong pagod na pagod ka," kumindat pa ito sa kanya.

Biglang namula ang pisngi ni Ysabella. Medyo napahiya siya dahil naririnig ng kapatid ni Fernan ang usapan nila.

"Tara na nga sa loob." yaya niya.

Inakbayan naman siya nito habang naglalakad sila. "Alam mo ba, Ysabella, ang dami naming nahuling isda ni Mikael! Ikaw 'ata ang swerte sa amin, eh."

"Bakit naman ako?"

"Tama si kuya, Ysabella. Maganda ang huli namin ngayon," sabat naman ni Mikael. Nasa loob na sila ng bahay. "Malaki-laki ang kikitain natin sa mga isdang iyan. May pang-ulam pa tayo mamaya. Ikaw nga yata ang swerte."

My Husband's BrotherWhere stories live. Discover now