Bukod doon ay wala naman na 'kong ibang napansing pagbabago sa itsura niya. His features are still as god-tier as I can remember.


Maliban doon ay wala naman nang iba. Well.. it seems like he did got taller.


Nang matapos ang ribbon cutting ay panay ang palakpakan ng lahat. Nakangiti ako habang nakikipagbatian, masaya dahil opisyal nang natapos ang event at naging matagumpay naman ito.


"Einj, right? I see you everywhere!" ani ni Mrs. Belviar, isa sa mga guests doon


Napahalakhak ako. "Yes po. I do all kinds of stuff that involves voice talent,"


"I figured! Please secure a business card with me so I can contact you whenever we need to hire an emcee for family occasions,"


"Sure! I'll make sure to give you one later backstage.."


"Oh, Mr. Alvarado!" bati niya bigla sa isang gawi, napaharap iyon samin at ngayo'y patungo na sa direksyon namin.


Kinabahan ako nang makita ang mga kasama nito.


Muli akong binalingan ng kausap. "Have you met Mr. Alvarado? He's the Executive Head of this project,"


Umiling lang ako at medyo hindi na mapakali nang huminto ang grupo sa harap namin. Ipinakilala ako sa mga personalidad at panay lamang ang ngiti ko habang kinakamayan sila. Kinukubli ang pagkabalisa para sa nasa dulo.


"This is Mr. Severo," turo kay Ali. "He's the Engineer for the project, as you may have already know.."


Ngumiti lamang ako at nilahad ang kamay. Ako naman ang minwestra ni Mrs. Belviar upang ipakilala.


"Engr, this is Ei–"


"Einj," tapos ni Ali saka tinanggap ang kamay ko.


Kinilabutan ako.


Literal na nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok.


Hindi ko alam kung dahil ba sa boses niyang ngayon ko na lang muling narinig matapos ang ilang taon. O baka dahil sa pagdikit ng mga kamay namin.


Yun lang naman ang pagpipilian. Wala naman kasing kakaiba sa klase ng mga tingin niya. His gaze was civil. Hindi na nga siya tulad ng dati na madalas ay naka-kunot ang noo. Milli's power, I guess?


"Woah.. you two know each other?" usisa ng kanina pa aktibong guest.


Tumikhim ako. "Uh.. yeah,"


"Friends?" umangat ang kilay ni Mrs. Belviar.


"Exes," Ali just offhandedly said.


Napanganga ko sa walang kalatoy-latoy na sagot niya. He said it like it's nothing. Ni walang something sa ekspresyon niya. May multo lang ng antok sa mata. Tila ikinukubli pa nga upang walang mainsulto.


Kita ko rin ang windang na reaksyon ng iba. Ali might have realize how his laid-off answer left everyone dumbfounded.


Tumikhim siya.


"But.. we ended up in good terms though.." dagdag niya upang makabawi. Halos manigas pa ko nang wala man lang siyang pagdadalawang isip na bumaling sakin. "Right, Einj?"


"Huh? Uh, yes.." lumunok ako. "We're good.."


Pakiramdam ko ay lutang ako habang papunta kaming lahat sa hinanda umanong snacks. Kung pwede lang ay kanina pa ko sumibat. Konti lang ang kinuha ko sa buffet dahil kakain pa kami ni Elcid pagkatapos nito. Para na rin mabilis kong maubos at makaalis.


Kasama ko pa man din sa table si Ali. Nasa tabi siya ng kaharap ko. Don't get me wrong. I don't have anything against him. Hindi ako galit sa kanya. Wala rin akong sama ang loob. In fact, like I said, I'm happy for him and Milli. Hindi ko lang talaga inaasahan ang biglang tagpo namin ngayon.


"Oh, right. Einj, you're gonna document the whole construction, right?" baling sakin ng coordinator.


Natigilan ako nang maalala iyon. Shit, oo nga pala. Why am I realizing this just now? Damn.


"Yes po, I will.."


"That's great.. My colleague told me about it. Tungkol nga raw dito sa museum ang pilot week for your documentary. This is the first in our town so everyone's making a huge fuss about it.." she shrugged. "But I must say... you're really thriving, huh? It hasn't been long since you started your career and yet you already have your own segment on TV." aniya.


Tipid akong napangiti.


Somehow, it's true. It has just been a year since I graduated. Ang bilis ng panahon.


Parang kailan lang ay naghihintay lang ako ng isang buwan. Isang buwan para sa pagbabalik ni Ali. Isang buwan na kalaunan ay naging dalawa, tatlo, apat at higit pa. Hanggang sa ang buwan ay naging taon. At sa tuluyang hindi na ko nagbilang.


Umangat ang tingin ko sa nasa harap.


Bagsak ang tingin nito sa phone na nasa ilalim ng mesa. He wasn't even listening in the conversation. He doesn't care if I'll work with him in the next couple of days. There wasn't any ounce of interest in him.


Why would he? When he's already in a stable relationship. He's happy and contented for what he has right now.


Nanigas ako nang makita ang pagkurba ng labi niya habang nakatitig sa phone. He's smiling. Nakita ko pang bumwelo siya bago magtipa. May ngiti pa rin habang abala sa telepono.


Something twitched inside my chest.


He must be texting Milli. Of course he is! Lumunok ako.


I can't help but wonder what they are talking about. What's making the corner of his lips curve like that? How interesting it is that Milli has been sending him?


May kung anong bumara sa lalamuna ko.


My eyes weakly dropped on my lap.


He's happy. He's genuinely happy. Maybe it's time for me to freely do the same for myself.


My phone beeped.


Elcid:

Be there in 10 mins.




































Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon