"Does it matter though?" singit ni Seya. "Na ni-reject mo na sya at magkaibigan na lang kayo ngayon? Kung ganon pa rin naman kayo kalapit sa isa't isa? I mean... did he even had the chance to get over you and move on?"


Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. I totally get her point because I used to be concern about the same thing.


When I told Elcid that I only see him as a friend after finding out that he liked me, ayun agad ang una kong naisip. Ang bigyan siya ng distansya bilang respeto sa nararamdaman niya.


I don't want to be unfair with him. Hindi ko ipagkakait sa kanya ang paglayo kahit gaano ko pa man kagustong panatilihin ang samahan namin, kung nahihirapan naman sya tuwing magkasama kami. He can take all the time that he needs to heal. I won't take that away from him. He deserves it.


I did attempted to give him space. Yet, he clearly told me that I don't have to. He said he can't afford to lose the friendship as well. He wanna keep what we have atleast. Aniya, he'd like to overcome his feelings on his own. That he would get over it without me having to adjust.


Nakiusap pa sya na sana raw ay hindi ako mailang sa kanya. I knew he'd only feel bad kung mapapansin niyang nag-iba ang pakikitungo ko sa kanya matapos ang nangyari. That's why I made sure nothing changes between us. Kung ano kami noon ay ganun lang din kami ngayon.


Isa lang naman ang nagbago. This time, wala nang nararamdaman sakin si Elcid na higit pa sa pagkakaibigan. I'm positive.


"Edi sana pala sinabi mo na lang ang lahat ng yan kay Ali para kampante na siya," Seya spat while still so engrossed in my narrative.


"Ewan ko ha? Pero kung ako si Ali, walang magbabago kahit malaman ko. Magseselos pa rin ako. Baka nga lumala lang," ani ni Cal. "Hindi yun matatahimik hangga't nandyan si Elcid. Or atleast until the guy is single,"


Bukod sa tingin ko ay hindi naman na importanteng sabihin iyon ay isa rin ang nabanggit ni Cal sa mga rason kung ba't hindi ko na kinwento kay Ali ang tungkol kay Elcid. Baka imbes na makatulong ay makalala pa. Yun ang dahilan kung bakit hindi na ko nag-abala pang ipaalam o sabihin iyon sa kanya. Isa pa, ang tagal na noon at hindi na mahalaga pa.


"Sa susunod na Sabado na ang 4th game," saad ni Adea isang hapon. "Pano na 'yan ngayong wala si Ali?"


Nasa gym kami ngayon para sa practice ng ng team. Dea went straight here right after her volleyball training. Naka-french braid pa ang buhok tulad ng madalas.


"They can still play as five. Two weeks lang namang mawawala si Ali. He'll only miss one game,"


Buo ang paniniwala ko na ganun nga ang mangyayari. Dahil batay sa kaalaman ko ay dalawang linggo lang si Ali sa New york.


Until his sister called me three days before his supposed return.


Natigilan ako nang marinig ang sinasabi ni Elle mula sa kabilang linya.


"Isang buwan lang naman," I can almost imagine her rolling her eyes. "Gusto pa siyang makasama ng Grandparents namin dito. Sayo lang iyon makikinig kaya't ikaw na ang bahalang mag-kumbinsi." utos niya.


Hindi ko alam kung anong ibibigay na reaksyon sa kanya. Hindi ko inaasahan ito. I barely survived the past few days without Alister. Habang tumatagal ay nagiging mahirap ang pagpapanatili ng komunikasyon dahil sa pagkakaiba ng oras.


Ayaw niyang napupuyat ako at ganun din ako sa kanya. We rarely had the chance to FaceTime lately. Pinanghahawakan na lang namin ang pag-asang malapit na siyang umuwi. Na konting tiis na lang makakabalik na sya. But now, this.


Apricity (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now