"Einj.."


I felt a light nudge on my arm. Nanatiling akong nakapikit pagkat inaantok pa rin ang diwa.


"Hmm?"


"Einj.."


"Hmm,"


He sighed.


"Lagi mo na lang akong tinutulugan," aniya, may hinanakit sa tono.


"Huh?"


Napadilat ang mata ko ngunit hindi pa rin nagbago ng pwesto mula sa couch. Naabutan ko ang nakabusangot na si Ali habang walang ganang nakatingin na muli ngayon sa screen.


"You always fall asleep on me.. Parati ka na lang tulog tuwing magkasama tayo." marahang anas nya. He released a weary breath before turning to me. "Am I boring you?"


"Huh? No!" agad akong napaayos ng upo. "No, no. Puyat lang talaga 'ko. Promise, manonood na 'ko."


Pinilig ko pa ang ulo upang alisin ang antok. I also widened my eyes to stretch my lids.


Ginawa ko ang lahat ng makakaya upang manatiling gising ngunit sa huli ay nakatulog pa rin ako. Hindi ko pa sana mamamalayang bagsak na ulit ang talukap ng mata ko kung hindi lang narinig ang munting pagsinghap ng katabi.


"Shit, sorry—"


"Tss.. Let's just stop watching for now." pinatay niya ang TV. "Magpahinga ka na muna. Sleep if you must. I'll just cook something to eat," aniya saka ako iniwan roon at nagtungo na sa kusina.


Napaawang ang labi ko habang tinatanaw ang likod niya. Kahit ganon lang ang sinabi niya ay alam kong nagtatampo siya.


My shoulders slumped as I stared at the now turned off TV. Binagsak ko ang sarili pahiga sa couch saka tumitig sa kisame.


Now I feel bad. I know he has been making lots of efforts just so we could make the most of our time together but I really keep on dozing off.


He was even thrilled to show me the new series he discovered. Alam kong naghahanap siya ng mga bagong movies na pwede naming panoorin at bagong spots na pwede naming kainan o puntahan. Tapos ganito lang ang laging nangyayari.


Nagkakataon pa kasi na nasasakto ang antok ko tuwing hapon. Kaya tuloy lagi akong nakakaidlip tuwing magkasama kami.


I sighed.


In my defense, totoo naman kasing puyat lang ako. I've been staying up late the past few nights. I was busy planning for something. His birthday.


Kay Milli ko iyon nalaman. She was also thinking of doing somehing for him but she can't because of a family affair on that day. Aniya ay reregaluhan niya na lang ito nang espesyal.


It's on this coming 2nd day of October. Gusto ko siyang surpresahin. Simple lang naman ang nasa isip ko. Everything's almost set. Sa makalawa na rin kasi iyon.


Kahit hindi niya sabihin ay alam kong masama ang loob niya kaya naman siniguro kong makakabawi ako noong sumapit na ang mismong araw ng birthday niya.


"Shit, I'm nervous.." bulong ko habang sinisiguro ang pagkakasabit ng fairy lights na string LED.


Hinihintay ko na lang ang pagdating nila Ali. Maswerte ako dahil nagkataon na may pinuntahan sila ni Cal. Hihingi pa lang sana 'ko ng tulong para mapaalis muna si Ali sa bahay nila habang naghahanda ako pero hindi na pala kailangan. Cal saved my ass.


I don't know when they started being close. Basta't napansin ko na lang na madalas ko nang makita si Cal na malaki ang ngisi habang kausap o kasama siya. To my surprise, Ali seems to be withstanding his presence just fine. Nagdu-duo na nga rin silang dalawa sa digital games.


"This better work, I swear.." I keep on mumbling stuff just so I could calm my nerves.


Ilang minuto na lang at alam kong parating na sila.


Buong araw akong nagpanggap na hindi ko alam na birthday ni Ali. Ang nakapagtataka pa ay parang wala lang din sa kanya na birthday niya. There was no signs of thrill or anything. I bet he's not even thinking of celebrating or something. Thank God I thought of throwing him a mini surprise atleast.


Hindi ko pa nga siya sinabayan mag-lunch kanina para lang mas maging effective ang sense of surprise. I kinda gave him a cold shoulder too. Kahit nagi-guilty ako ay tinatagan ko ang loob para lang maging successful ang plano.


Calcifer:

Lapit na


Napasinghap ako nang iyon ang ireply sakin ni Cal matapos kong tanungin kung nasan na sila. Pumunta na ko sa pwesto at hinanda ang sarili.


Mabilis ang dagundong ng puso ko habang naka-abang. Mas lalo lamang kumalabog ang dibdib nang marinig na ang pagbukas ng gate.


Higit-higit ko ang hininga nang makita ang pagpihit ng door knob. I counted from one to three in my head and the door opened the same time my mouth did.


"Surprise!"


Kitang-kita ko kung paano natigilan si Ali mula sa kinatatayuan niya. Si Cal naman sa likod niya ay agad na bumilog ang bibig.


Bakas ang dahan-dahang pagdaan ng iba't-ibang emosyon sa mata ni Ali. Mula sa pagkabigla, pagkalito, pagtatanong, hanggang sa unti-unting lumambot ang ekspresyon niya.


Matapos ilibot ang tingin sa paligid ay nilipat niya sakin ang titig. Pumungay ang mga mata niya.


"Happy birthday.." I found myself saying softly.


Mahirap hanapin ang boses sapagkat may kung anong humahalukay sa loob ko. His gaze were drowning. Idagdag pa na may nagwawala sa dibdib ko kaya't hindi ako makapag-focus.


I didn't even realize he's right in front of me already. Nakapasok na pala sila sa loob. His eyes were blinking tenderly as it used to.


Nanigas ako nang maramdaman ang marahang pag-angat ng kamay niya. His right palm touched my cheek. Marahan niya iyong hinaplos. Nakakalasing ang klase ng tingin niya.


Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pag-iwas at pagbagsak ng tingin ni Cal kasabay ng maikling sipol.


"Ano to sahig..." mahinang biro niya habang nakatingin na lang sa lapag.


Ali licked his lip.


"Thank you.." his voice came out hoarse. As if it was on the verge of something.


Para kong kinikiliti ng magaang pagkakalapat ng kaliwang kamay niya sa braso ko. Pakiramdam ko'y bumibigat na rin ang talukap ng mata ko dahil para akong nakalutang.


"You're welcome.." mahinang wika ko.


Something in the corner of his eyes shone. Kumurba ang labi niya sa pinakatapat na ngiting nakita ko buong buhay ko. It was warm and embracing.


Akala ko'y iyon na 'yun ngunit mas lalo ko lamang naramdaman ang init nang ikulong niya ko sa gitna ng kanyang mga bisig para sa isang mahigpit na yakap. The most rewarding one I ever had.





























Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon