Sinisilip ko ang gc habang kumakain. Na kina Adea na nga ang lahat maliban sakin. Even Elcid was there. We've been hearing improvements with Tita Grace's condition lately and I couldn't be any happier!


Isa ang bahay nila Adea sa paborito kong tambayan dahil maraming halaman. It feels so refreshing whenever we're here.


Nakasalubong ko pa sa hagdan si Rae na pababa sa kitchen habang paakyat naman ako sa ikalawang palapag.


"Guest room sila, Ate."


Tumango ako. Doon kami madalas tumambay kapag nandito dahil may dalawang king-sized beds na pwedeng pagdikitin para magkasya kaming walo.


Pagbukas ko ng pinto sa kwarto ay naabutan kong may seryosong pinag-uusapan ang boys sa kama.


"Isa nga lang, gago."


"Hindi, men eh. Pwede rin kasing masabi na dalawa,"


Adea's already setting up the TV. Si Davion ay naglalaro sa phone ngunit nakikisali pa rin sa sinasabi ni Cal. Si Aki ay may suot pang baseball cap na takip hanggang mata habang nakahiga sa kabilang dulo, tila natutulog. Aysen just got out of the bathroom. Si Elcid naman ay kasabay nang bumalik ni Rae habang may mga dalang pagkain.


"Ano 'yun?" sumingit ako sa pagitan ni Cal at Davion saka dumampot ng nachos.


Kyuryoso akong bumaling sa kanila habang ngumunguya, sabik malaman kung ano ang seryosong pinag-uusapan nila mula pa kanina.


"Great, you're here Einj. Ikaw na ang tumapos ng usapan." bwelo ni Cal.


Inangat ko ang parehong kilay, nag-aabang. He then opened his mouth to speak.


"Our butt... is it a pair or just one?"


Halos mabuga ko ang laman ng bibig. Agad akong inabutan ni Aysen ng inumin matapos masamid. I drank once after a series of coughing.


"What?" gusot na ang mukha ko nang ilapag ang baso.


Si Davion ay nakangisi na habang naglalaro. Cal shrugged.


"Do we have one butt or two butts? Kasi diba—"


"Isa nga lang," sabat ni Davion.


"Sige nga ilan mata mo?" hamon ni Cal.


"Dalawa,"


"Ilan cheeks mo?"


"Chicks? Marami,"


"Gago, cheeks. Pisngi!"


"Ah, dalawa."


"Oh, edi dapat dalawa rin pwet mo—"


"Calcifer! Shut up!" saway ko.


Goodness! Akala ko pa naman ay kung anong malaking problema ang pinagtatalunan nila kanina! Sobrang masinsinan pa ng pag-uusap nila! Tapos yun lang pala? What the hell?


"Ugh! I can't with you guys— Sa lahat ng pwedeng pag-usapan, yun pa talaga?" my cringe intensifies. "Ang boring siguro ng buhay niyong mga lalaki. How do you even entertain yourselves?"


Hindi ko alam kung bakit imbes na ma-offend ay tila nagpigil pa ng tawa si Cal.


"How do you entertain yourselves daw?" siko niya kay Davion, bahagya pang napapanguso.


Kumunot ang noo ko. Even Davion was suppresing a boyish grin. Lumipat ang mata ko kay Aysen ngunit tumikhim lang ito at umiwas ng tingin. Si Elcid naman ay may bakas ng pamumula ang mukha. Maging si Aki na gising pala ay hindi makatingin sakin at pumaling pa sa kabilang side ng kama nang lingunin ko. Teka, pati siya? What was that?


I stared at them suspiciously. Takang-taka pa rin ako kahit nang magsimula na ang movie ngunit wala naman ni isa sa kanila ang sumagot sa tanong ko.


"Friends na lang panoorin natin," I requested.


"Wag na... Ayan na nasimulan eh," panunuya ni Cal.


I pouted. He chuckled.


"Alam mo kung ba't trip ka nila lagi, Einj?" Adea muttered. "Coz they know you never really get angry. Magalit ka naman kasi minsan. Sunod agad yang mga 'yan, tignan mo."


Hindi ko alam kung iyon nga ang dahilan pero totoong mahilig nga sila Cal na asarin ako. They enjoy teasing and making fun of me! It's true that I don't get mad though. I don't think there's a need to. Mababaw lang naman lagi.


"Ge magphone na lang kayo maghapon. Bonding ba 'to o ano?" sarkastikong wika ni Adea nang makitang wala sa pinapanood ang atensyon ng karamihan.


"Guys sige na please, keep away your phones and let's just enjoy the movie. Ngayon na lang ulit 'to oh." nguso ko.


Kahit anong parinig ni Adea ay hindi pa rin sumunod ang iba kaya't nagsawa na rin siya. She ended up getting up from the bed and just attending her plants in the balcony.


Napabuntong-hininga ako nang tuluyan na ring mawalan ng ganang ituon ang atensyon sa pelikula. Binagsak ko ang ulo sa unan at nag-check ng phone. I just found myself browsing on social media.


I was just randomly scrolling on Twitter when I stumbled upon a tweet from Milli.


someone's extra sweet n caring today :'< my heart!!


Natigilan ako.


Tila may sariling utak ang mga kamay ko na nagtipa ng text kay Millicent.


Einj:

Hey Milli, may I ask kung natuloy ka ba sa pagsama kay Ali ngayon?


Namuti ang mata ko kakahintay ng reply. It left me with no choice but to think of... things. Kung saan-saan na naman tuloy nakarating ang lipad ng isip ko. Sa kung ano ang pinagkakaabalahan nila ngayon at bakit ang tagal sumagot ni Milli.


Milli:

Opo, Ate! :)


Muli akong natigilan. I bit my lip.


Einj:

Really? How's everything so far—


Suminghap ako at agad na binura ang mensahe.


Tinaob ko ang phone at pinilit ipikit ang mata. Suddenly, I just want to sleep and not think of anything else. My chest is kinda feeling heavy so... maybe I just need some rest.

























Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon