"Uhm," umiling ako. "Pero pupun—"


Naputol ang sinasabi ko nang may matanaw sa labas. Natigilan din maging ang mga binti ko kaya't napahinto ako sa paghakbang.


"Bakit?" takang tanong ni Seya saka sinundan ang linya ng tingin ko.


"Oh.. yung bago niyong kapitbahay na 10/10," she mumbled.


Prenteng naka-abang sa hallway si Ali habang sukbit ang bag. Nakahawak sa strap ang isang kamay at ang isa'y nakapamulsa. Hindi siya abala sa phone o sa ibang bagay. Nakatutok lang ang mata niya sa kawalan. He looks so focus even just by doing that.


Kitang-kita ko ang maraming matang palihim na sumusulyap sa kanya. Partikular na ng mga babae. Nahiya pa silang lantarang tumitig eh halatang-halata naman na.


Hindi ko alam kung bakit tila naiinis ako ngayong nakabalandra siya sa daan at pinagpipiyestahan ng maraming mata. Naiirita ko habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. I badly want to roll my eyes at the masculine veins on his harms down to his hands. It was effortlessly being flaunted.


He's not even trying but he stands out so much. Dammit.


Napigil ang paghinga ko nang umangat ang tingin niya.


May kung anong dumaan sa mata niya bago siya umayos ng tayo. Humigpit ang kapit ko sa bag nang aktong lalapit siya ngunit may lalaking tumawag sa kaniya mula sa kabilang silid.


It was Fred, an Engineering major also. Naging kagrupo ko iyon sa isang GE class dati. Ethics, if I remember it correctly.


Humugot ako ng hininga nang makitang kinakausap siya nito. Agad akong bumaling kay Seya at inangkla ang braso sa kanya.


"Let's go," mabilis na sabi ko saka dali-dali siyang kiladkad palayo.


I was just about to sigh in relief when I felt a firm grip on my wrist. My heart raced.


I cleared my throat as I turn around to face him. Nahagip ko pa ang unti-unti na ngayong umaangat na kilay ni Seya.


"H-hey," I greeted in a lively tone.


Seryoso ang mukha niya. I think I even caught a glimpse of his jaw subtly clenching.


"Why are you acting like you didn't see me?" he asked in a monotone.


Muntikan na kong mapanganga kung hindi ko lang napigilan.


"Huh? W-what do you mean? Ngayon lang kita n-napansin.." maang-maangan ko.


There was no humor on his face. Para kong pinagpapawisan nang malamig! I feel like he can see through me.


Bakit ba kasi siya nandito? Ako ba ang sadya niya? Malamang, Einj! Hindi pa ba halata?! Napapikit ako nang mariin sa sariling iniisip.


He habitually licked his lip. Bahagyang bumuka ang bibig, tila may sasabihin, ngunit sumara lang muli.


Hindi ko mapigilang mapaisip kung anong ipinunta niya rito. Napakalayo pa naman ng College of Engineering sa College of Arts. Kaya.. bakit? Para ba... ayain akong mag-lunch? No way! Imposible!


Ako ang laging nag-aaya sa kaniya. It was never the other way around. Now that I realized, mas lalo lang akong nilamon ng hiya.


Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Tuluyan niya nang natutop ang labi. Hindi na natuloy kung ano man ang sasabihin kanina.


Tumikhim siya.


"Tungkol sa air purifier.." he randomly said. "You told me you're free to get them with me this weekend.."


Unti-unting umawang ang labi ko. Pinipigilan ang paglaki ng mata nang mapagtanto ang tinutukoy niya.


"Linggo bukas," aniya na tila wala kaming kalendaryo sa bahay.


"A-ah, titignan ko!" I cleared my throat. "May biglaang lakad kasi kami ni Seya bukas—"


"Huh? Wala naman ah?"


The bitch won't even cooperate! Hindi ko alam kung nananadya ba siya o ano!


Siniko ko siya nang palihim sa tagiliran.


Nanlamig ako nang makitang bumagsak doon ang tingin ni Ali. Fuck. Napansin niya pa ata!


Hindi ko na alam ang mararamdaman! Gustong-gusto ko na lang makaalis sa sitwasyong 'to!


"Uhm, s-sige! Basta titignan ko. Sasabihan na lang kita. I'll text you!"


Umangat ang tingin niya. I felt a hollow space in my stomach when our gazes met. May kung ano sa mata niya. Parang biglang gusto ko na lang bawiin ang lahat.


The gloom in his eyes is making me feel... guilty.


Suminghap ako at nag-iwas ng tingin. Humigpit ang kapit sa katabi.


"Una na kami. Ingat k-ka," wala na kong ibang nasabi bago tumalikod at hinila si Seya paalis.













Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon