"Seya, nakatingin sayo si Sir. Ayos mukha,"


"Hayaan mo siya. Pake ko sa nararamdaman niya,"


"Damn, you're insane!" bulong ko. "Nagjo-joke siya, we have to smile!"


"Tss. Ba't ko sya bibigyan ng isang pilit at pekeng ngiti kung pwede ko naman siyang simangutan nang bukal sa loob ko,"


Confirmed. She's out of her mind.


Tinawag siya ng guro at binato ng mahirap na tanong. I'm guessing he's aiming to shame Seya in front of the class. Kaso nga lang ay nasagot iyon ni Seya nang hindi man lang pinagpapawisan. Tumabang ang ekspresyon ng propesor matapos iyon.


Akala namin ay doon na iyon nagwawakas pero nagpa-groupwork pa ang prof. Talaga namang sinulit ni sir ang isa't kalahating oras namin sa kanya.


Panay tuloy ang mura ni Seya nang sa wakas ay umalis na ito. Ako nama'y pabagsak na bumalik sa upuan mula sa small groups namin.


"Noon-fucking-break at last!" Seya groaned.


Nakapikit pa ang mga mata ko habang pahigang nakasandal sa upuan. Can't believe the first half of my day is this tiring! Parang gusto ko na lang munang matulog.


"Ate.." natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses ng kapatid.


Dahang-dahang dumilat ang mata ko at agad itong tumama sa seryosong mukha ni Aki. He was impatiently standing in front of me.


"Lunch." he demanded.


Matamlay na bumagsak ang talukap ng mata ko. Kumunot din ang noo. Hindi naman kasi kami madalas kumain nang sabay sa school.


"Why?"


Imbes na sumagot ay iba ang sinabi niya. 


"Sit properly." he sternly said.


Kusang napaayos ang binti ko dahil sa striktong tinig niya. Dumilat ako at nahuli pa ang iritadong tingin niya roon. Tignan mo 'to. Kung makaasta ay parang siya pa ang mas matanda saming dalawa!


"Bakit nga?" tanong ko ulit.


"Pinapasundo ka ni Ate Dea. She wants to have lunch with everyone,"


Natigilan ako. Dinampot ko ang phone na 4% na lang ang battery life at nakitang may mga mensahe nga sa group chat. I shot my brother a look and he just gave me his usual arrogant expression.


Niligpit ko na ang mga gamit at agad na rin kaming umalis pagkatapos. Hindi na ko nakapagpaalam kay Seya dahil wala na siya sa upuan niya. That girl disappears whenever she feels like. Such a busybody.


Malayo pa lang kami ay natanaw ko na si Adea sa isang lamesa ng cafeteria. Isa pa lang ang kasama niya roon.


"Elcid?" my lips mumbled. "He's here?" lingon ko sa katabi.


Aki just shrugged sluggishly at me.


Binalik ko ang tingin sa lamesa at nagtama na ang tingin namin ni Adea. My face lit up and rushed towards them.


"We ordered already. May class ako ng 1PM,"


Tumango ako at pumwesto sa bakanteng upuang katabi ng kay Elcid. Aki sat in front of me.


Binalingan ko ang katabi at inusisa ang tungkol sa mga papeles na nakitang dala niya.


"I took care of my records. Nag-file na rin ako ng leave of absence good for one sem," aniya.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon