Pero syempre, para sakin lang naman yun. Sa kanya, hindi. Ibang usapan na kapag side nya naman ang pinag-usapan.


Ganun pa rin naman kasi sya. Kunot ang noo tuwing bigla akong sumusulpot sa gate nila nang walang pasabi.


"I didn't bring any food today. Let's just make something out of your kitchen!"


Hindi pa rin sya sang-ayon tuwing inaaya kong gumawa ng bagay na labas sa napag-kasunduan namin.


"Wala ka bang yakult? Paubos na rin ang ibang stocks mo oh! Let's fill up your fridge. Tara sa grocery!"


Kung makikisama man sya sa panghihila ko kung saan, labag pa sa loob. Imbes na mainis ay halos gusto kong matawa tuwing nakikita ang napipilitang disposisyon nya.


Pakiramdam ko nga kung hindi nya lang talaga 'ko kailangan sa pagtulog ay baka hindi nya na ko pinapatuloy sa kanila tuwing pumupunta ko.


In all fairness though, I'm amazed that my voice really works effectively in helping him sleep.


"Hangout with Milli again." wika ko habang naglilipat ng channel sa TV nila.


Panibagong araw na naman kung saan bigla akong tumawid dito para tumambay. He's on his phone while I'm watching.


"No. I'm busy." he sternly said.


Nung nakaraan ay napag-alaman kong nag-aadvance reading sya para sa darating na pasukan. Well, I'm not sure if that's how he considers it. Basta nagbabasa siya ng mga tungkol sa structures at dynamics.


"Really? No more slumber readings then," wika ko bago inadjust ang volume ng pinapanood.


I saw his fingers stopped from scrolling. Gayundin ang mata niyang huminto sa pagbabasa.


Sa gilid ng paningin ko'y batid ko ang pag-angat ng ulo nya. Ramdam din ang pagdapo ng nanlilisik nyang tingin. I just raised my brow innocently while focused on the TV.


"So?" hamon ko.


Pasimple ko siyang sinulyapan at nasaktuhan pa ang pagtiim ng bagang niya bago magsalita.


"Huling beses na 'to." halos mapapikit ako sa ginhawa nang pumayag sya.


Hindi ko kinumpirma ang sinabi nya at bagkus ay nagkibit balikat lang.


"Great! Pwede ka bukas?"


"Hindi."


"Kung ganon, kelan ka libre?"


He vaxedly exhaled. "Sa Linggo na lang,"


Tumango ako.


"Alright. That's sounds good,"


Binalik ko ang atensyon sa TV at pinahinaan ang tunog noon.


"Ba't hindi ka available bukas?" sulyap ko sa kanya. "May lakad ka?"


Kita ko sa gilid ng mata ang tipid niyang pagtango. "School,"


Kulang-kulang siya sumagot palagi. Kailangan pa talaga ay tanungin mo ang bawat detalye. He won't give it unless you asked. Kung anong tanong ay siya lang din mismong sasagutin niya.


"For?" dagdag ko.


"The follow-up sched,"


I turned to him abruptly. "Bukas na 'yon? They emailed you already?"


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon