I cheekily smiled then gave him a peace sign. Laging maingay sa GC ng broadcasting club kaya't muted na iyon sakin.


"Sila Jaz lang tsaka yung ibang first years,"


Pinag-usapan din namin ang tungkol sa nalalapit na welcoming ceremony ng university kung saan kaming dalawa ang hosts. Pati na rin ang tungkol sa live radio broadcast sa first day of classes kung saan isa rin ako sa naka-assign na DJ.


Saktong nagpapaalam na sakin si Raven nang makita kong tapos na rin si Ali.


"See you!" kaway ko.


Lumipat ang tingin ko sa papalapit na si Ali at naabutan ang mga mata niya na nakasunod kay Raven.


"Tara na ba?" aya ko sa kanya.


Naisip kong mainam siguro kung sa susunod ay i-tour ko naman sya. The campus is quite big and it would be really helpful if he gets familiar to the place even before the first day of classes.


Inaya ko sya sa madalas naming tinatambayan sa labas ng school. Doon ang safe haven ng mga naggu-groupwork, study, thesis, review pati na ng mga gusto lang mag-chill.


"This is the best cafe near the school," wika ko habang papasok kami roon.


Lumibot ang mata niya sa loob. Sa counter na muna kami dumiretso. Kinuha ko ang isang laminated menu roon at pinakita sa kaniya.


"Ito yung best seller nila.." turo ko. "Pero ito masarap din... Tsaka 'to,"


Hinayaan ko siyang pumili roon. Nang maramdaman ang presensya ng staff sa harap namin ay umangat ang tingin ko.


I eyed the familiar chinito guy who usually mans the counter here. Naging fling pa 'to nung isang friend ko sa Multimedia Arts kasi cute daw.


I smiled. "Hi! Isang Cookie Matcha Supreme. No pearls please. Tsaka.." gumala ang tingin ko sa list ng foods sa taas. "1 Taco nachos and New York Style Burger," ngiti ko.


Humarap ako kay Ali at naabutan siyang ngayon ay nakatingin na sakin.


"Sayo?" tanong ko.


Bahagyang tumagal ang titig niya. "Espresso. Cold."


I figured he won't order any snack so I'm glad I already did.


"There," harap ko sa lalaking barista. "Iced Espresso also," ngiti kong muli.


He repeated the order for us saka binigay ang resibo para makaupo na kami habang hinihintay na i-serve ang order.


Ramdam ko pa rin ang mata ni Ali maging nang pumihit na kami upang maghanap ng upuan.


"You talk like that to everyone.." rinig kong wika niya.


Hindi ko mawari kung kumento o tanong iyon dahil sa kakaibang tono.


"Hmm?" I mumbled while looking for a vacant chair.


Sinulyapan ko siya ngunit kaswal lamang na umiwas ang mata nya. Tumagos ang tingin ko palampas sa kanya at nakakita ng bakanteng lamesa kaya sa direksyong iyon na nagtungo.


"Ganun ka talaga makipag-usap sa iba?" his voice was light and so was his breathe. "You speak the same way with anyone.."


"Huh? What do you mean?" nakarating na kami sa mesa kaya't nilapag ko na ang sariling gamit.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon