"Your room is pleasant, Zoren..."

He smirked and shrugged. "You can just stay here if you want."

Naupo ako sa kanyang kama habang nakaharap sa kanya. He's serious.

"I didn't know they were here..."

Tumango ako kahit medyo gulat na nagsisimula na siyang mag-explain.

"I know..."

Kumunot ang noo niya. "Paano?"

I chuckled. "You were obvious! Hindi na kailangang tanungin pa para malaman ko..."

Tumango siya at naglakad palapit sa akin. Kinabahan ako kahit iyon naman ang gusto ko kanina pa. He stopped in front of me and he pulled a chair near him. Nakaupo siya sa aking harap.

"Are you jealous again?"

Mabagal akong umiling. "Dapat ba akong magselos?" I asked him.

Hindi naman ako nagseselos. Zoren has nothing to do with them being present here. His parents seem to like me. Sa tingin ko ay wala namang dahilan para magselos ako.

Umiling siya. "You shouldn't be."

Tumango ako at ngumiti. "I know you're mine, so I'm not bothered about them..."

Nabigla nga rin ako dahil wala akong naramdaman na galit. I was nervous, yes, but no wrath was with me when I was facing them. I think I was confident that Zoren is kinda really mine. Na kahit nandoon sila at sumubok na manira, sa tingin ko ay hindi sila magwawagi dahil hindi rin papayag si Zoren gaya ko.

Ngumiti siya at nanlaki ang aking mga mata. The smile was different from others I'd already seen. It was genuine, and it was like he was proud or something.

"You can look around my room if you want."

Tumango ako at iyon nga ang plano ko. Pero pilyo ko siyang tinignan.

"You sure you don't want just to kiss here?" I joked, and he hissed.

"I'm afraid I might do something beyond kissing, so no, Kesian. You're in my room, so behave."

I laughed so loud and tapped his face slowly before standing up and roaming around. Binalikan ko kaagad ang kanyang sinabi. He must be talking about sex. Hindi pa rin naman ako handa roon. Just kissing for now. Saka na iyon...

He has various certificates and some trophies. May nakita akong tatlong trophies na kung saan ay most valuable player siya. I also saw some medals hidden in the glass cabinet near his open library. I'm looking for something, and I couldn't find one.

Nakasandal na siya sa kanyang headboard ngayon at ang mga paa ay nanatili sa carpet. He's just watching me. Magtatanong sana ako nang may kumatok at nasundan ng mahinahon na boses.

"Gray, your father is calling you downstairs..." her Mom.

Naglakad ako pabalik kay Zoren at tumayo naman siya.

"She probably wants to know you, so she's making a way..."

Nakuha ko kaagad iyon. "Hindi naman na ako sobrang kabado. Your mother seems fine and approachable..."

He smirked. "That's what you think. She's only kind to her favorites."

I gasped and suddenly felt stiff. Nginisian ako ni Zoren at binuksan na ang pinto. His Mom looked for me in an instant.

"You go to your dad while I'd be with your girl."

Tumango si Zoren at nilingon ako. His eyes were teasingly smiling at me when he closed the door. Ang ina niya naman ay naglakad palapit sa akin.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon