Chapter 21

223 10 8
                                    

Kaya napalingon ako kay Reina kung bakit niya ako tinitingnan, nakita 'kong mga nagsisimula na 'yung ibang blockmates namin at 'yung iba pa nga ay gumuguhit na. "Wala po prof!" palusot ni Reina at ibinalik ang tingin sa kaniyang ginagawa.

Tatanungin ko sana si Hannah na malapit sa'kin kaso baka mahalata na naman ako at sabihing nakikipag daldalan pa. Kaya walang pasabing kinulbit ko ng marahan si Reina. 

"Rei" bulong ko.

She smiled at me, "Yes, Ash?" mahinahon niyang tanong. Feeling ko ay hindi niya ako binabarumbado sa mga sagot niya ngayon sa'kin ah, feeling ko sinapian siya ng kabaitan ngayon. 

"Anong gagawin...K-kasi-" 

Sinabi niya sa akin kung ano ang gagawin dahil kanina pa ako lutang. Nag pasalamat na lang ako sa kaniya. Nang natapos na ang klase buong mag hapon ay buti naman ay wala ang prof namin ng panghapon kaya maaga kaming natapos. 

Kinuha ko ang bag ko at isinakbit 'yon sa braso ko. Nagpaalam sa akin si Reina dahil uuwi na daw siya sa dorm niya. Papalabas na ako ng pinto ng hinigit ako ni Dwyane sa palapulsuhan ko. "What?" I asked in a monotone voice. Seryosong nakatingin sa mga mata niya.

He sighed. "Uwi kana?" 

Hindi ko siya pinansin dahil naiinis ako sa kaniya ng walang dahilan. Naalala ko lamang na gusto kaming ipagkasundong dalawa alam ko sa sarili ko na dapat hindi ko siya sinusungitan ng ganito dahil wala naman siyang ginagawang masama sa akin.

Pero hindi ko parin malimutan baka maluha lang ako dito at pagtinginan ang ng mga tao, ayaw kong gumawa ng eskandalo, 'no!

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at nagbadyang umalis. Hindi ko siya nilingon ng kahit isang beses man lang. Wala akong pakialam kung ano mang isipin ni Dwyane ngayon. Lalo lang akong nagagalit sa ama ko.

Umuwi ako sa condo ko ng nakasimangot. Nag pahinga ako saglit at pagkatapos noon I took a quick shower, nagbihis lang ako ng white oversized shirt at panjama. Maaga akong natapos sa pag aayos ng sarili kaya ala siete ay nag luto na ako ng makakain.

After kong kumain ay umupo ako sa sofa tumingin ako sa orasan at nakita na alas ocho na. Napasinghap ako ng malalim at ibinuga 'yon ng dahan dahan. It's bothering me always, I can't help it but to always think more and more. 

Lumipas ang mahigit isang oras ay naka receive ako ng message kay Callix. 

@callixrmrz: What are you doing right now, Love?

Napatitig lang ako sa screen ng aking phone. I smiled out of nowhere. Lagi niya talaga ako kinakamusta maya't maya kahit na ako'y nagkakaganito ay napapangiti ako. This man!

@ashalvarez: I'm fine, hbu? 

Nag-reply siya ka agad sa akin at nag paalam na daw dahil may kailangan daw siyang tapusin. Give and take lang 'yan, e. Hinahayaan ko siya sa mga bagay na mas kailangan tulad ng pag-aaral dahil mabuti 'yon para sa kaniya at kapag ako naman ang busy ay hindi niya ako inaabala.

He's such a understandable person I know. Just be open-minded in such kind of things. When I started to love him, I realized that I have never loved anyone like this before in my whole entire life. It gives me strange feelings, I can't even explain the fact that you are so crazy in love.

Relationships get stronger when both of you is willing to understand and I'm agreed with it.

Nang napagod kakaisip ay nagtungo ako sa kwarto ko at natulog. 

Kinabukasan ganon lang as usual ang nangyari naligo ako at nagbihis ng uniform namin, kumain ako ng breakfast. Pancake at ice tea lang ang kinain ko. Dumaretso ako sa university namin at hinanap ang daan patungo sa buliding namin. 

Pathway to Success (Chasing Series #1)Where stories live. Discover now