Bea: Naku po! Gusto ng magsolo. (Pang aasar nya sa akin.)

~

Kanina ko pa napupuna na tingin ng tingin si Den sa kamay namin na nakaposas.

Pumayag nga sya na maglakad lakad kami pero parang hindi naman sya mapakali.

Aly: Gusto mo bang ipatanggal na natin yung posas?.

Den: HINDI! (Mabilis nyang sagot.) Ah... I....mean... Wala akong budget.

Aly: Uhm... Ako ng bahala sa bayad. (Alok ko sa kanya.)

Den: Wag na. We can spend the whole day with each other naman, unless....

Aly: Unless... ano?

Den: Unless ayaw mo akong kasama dahil mas gusto mong kasama si Laura.

Aly: Of course not! 

Den: Of course yes!

Aly: No!

Den: Yes!

Inilapit ko yung mukha ko sa mukha nya, at nakita ko naman na natigilan sya dahil sa ginawa ko.

Aly: Hindi.

Inilayo nya sa akin yung mukha nya.

Den: Kung totoo yan, patunayan mo nga.

Aly: Huh?! Paano?!

Tumingin sya sa bandang likuran ko kaya napalingon ako para malaman kung anung tinitingnan nya. At nakita ko yung wedding booth.

Den: Marry me? 

Agad akong humarap sa kanya nung sabihin nya yun.

Aly: HA?!

Den: Ano?! Ayaw mo?! Sabi na nga ba, ayaw mo akong kasama.

Aly: Hindi naman sa ganon, pero...

Den: Pero ano?

Aly: Sige na nga.

Den: Bakit parang napipilitan ka lang?

Aly: Hindi ah! (Mabilis kong sagot.)

Pinaglakip nya yung mga kamay namin na nakaposas tapos ay hinila na nga ako papunta sa wedding booth, wala na akong nagawa kaya nagpahila nalang ako.

Hindi naman sa ayaw ko syang pakasalan, kung legal nga lang ang same sex marriage dito sa pinas. Sa simbahan ko sya dadalhin at hindi sa wedding booth. Sa tuwing naaalala ko kasi yung pagsuntok nya sa akin noon, feeling ko ayaw nya sa akin.

Rex: Oh, bat nandito kayo? (Tanong nya nung makarating kami ni Den sa wedding booth.)

Den: Magpapakasal kami.

Rex: HUH?!

Den: Bingi kaba?!

Rex: Hindi... Pero... seryoso kayo?...

Den: Oo nga!. Ang kulit!.

Rex: Okay... one hundred. (Sabay lahad nya ng kamay nya.)

Kinuha naman ni Dennise yung wallet nya mula sa bag nya saka inabutan ng one hundred si Rex.

Aly: Bakit yung wedding booth?, ang mura. Samantalang sa blue chain, doble yung presyo.

Rex: Itanong mo kay Laura, org. nila yung nakaisip nun eh... Sige na, lumuhod na kayo sa altar.

Halos pigilan ko ang pagtawa ko nung lumuhod kami sa altar at nang makita ko kung sino yung priest. Si Kiefer kasi yung pari na magkakasal at naka suot sya ng puting abito.

Kiefer: At bakit ka natatawa? (asar na tanong nya sa akin.)

Aly: Hindi kasi bagay sayo yang itsura mo.

I LOVED YOU FIRST by ColtWhere stories live. Discover now