Where does AndromedaDust go?

24 1 0
                                        

DISCLAIMER: Medyo maselan po itong nakapaloob sa Entry na toh. So, kung wala po kayong interes balik na lang po kayo sa Home ng Wattpad niyo. haha! pero kung gusto niyong mabasa then go! basa! pero ayaw ko pong may maririnig na kahit anong bash aa! Inuulit ko po masyado pong MASELAN ang pag uusapan natin dito.


HELLO WATTPAD WORLD! Ayun, andito na ulit ako. Ang nag-iisang AndromedaDust. Haha! Hmmm.... may ki-kwento ako. Secret lang natin toh aa! itong mga nakalipas na buwan kahit man lang sumilip sa wattpad di ko nagawa. Marami kasing nangyari sa akin, sa sarili ko. Pag binasa niyo itong Random Shiit at yung iba ko pang gawa siguro nasa isip niyo napaka-baliw kong tao. Oo, sobra kong makulit, pasaway ako. Sa aming magka-kaibigan ako ang Bad Girl. Actually, sa school takot sila sa akin. Dahil daw may aura akong nakakatakot. Mga kaibigan ko lang ang may lakas na makipag-kulitan sa akin. Pero may nangyari sa akin sa mga nakaraang buwan. I suffered from a deep depression and I also hurt myself. Yup, na-depress ako ng walang dahilan. Yun nga yung pinagtataka ko ee. Buo yung family ko, hindi sila nagku-kulang sa kahit ano financially, emotionally. Actually nga sobrang saya ng family ko kasi sa isang bahay lang kami nakatira. Friends? Sobrang ok sila sa akin at ganun din ako sa kanila. I have best friends at hindi pa kasama dun yung mga friends ko. Halos araw araw magkakasama kami pati sa FB lagi kaming magkaka-usap. Wala akong problema sa school dahil ok naman lahat ng grades ko. Pero di ko alam nangyari sa akin. One day, I just woke up feeling empty. As in! As in wala akong maramdaman that day--not literally. Para akong zombie. Yung araw na yun, tahimik lang ako sa school tapos bigla akong iiyak ng walang dahilan, di ko din alam kung bakit ako umiiyak tapos tatanungin nila ako kung anong problema pero wala naman akong masabing problema. Whole day ganun ako sa school hindi nga ako gumawa ng activities nung araw na yun then pag-uwi ko sa bahay hindi ako kumain o uminom ng tubig man lang diretso ako sa kama at umiyak ng walang dahilan. Sabi ko kaila Mama marami akong ginagawa. Then, pumasok ako sa CR dun ako umiyak ng umiyak. Tiningnan ko yung sarili ko, at alam kong hindi ako yun. Para akong ibang tao. Nakita ko na may blade sa sink ng CR namin. Then, dun na akong nagsimulang mag self-hurt. May history na ako ng self hurting nung bata pa lang pero this time mas malala siya. Wala akong pake kung malalim o mababaw, malapit sa pulso o hindi. Basta gusto ko lang makitang may dugong lumalabas sa akin, kasi natutuwa ako pag ganun. Yun yung panahon na habang tumutulo yung dugo ko sa flooring ng CR tuwang tuwa pa ako ee. Para akong baliw, o baliw na talaga ako? tapos iiyak ako tapos tatawa. Baliw lang diba! Tapos hanggat sa mapagod ako, ayun dun lang ako nag hilamos at hinugasan yung sugat ko dun ko lang na-realize na ang dami ko pa lang ginawang sugat sa sarili ko. Pag labas ko ng CR, it's already morning. Oo, umaga na nung nakalabas ako ng CR. Iniisip niyo kung pano hindi ako nahalata nila Mama? Lahat sila tulog at dahil sobrang kulob yung CR namin kahit sumigaw ka di ka maririnig. Lumabas ako ng parang walang nangyari at nahiga sa kama. Pero di pa rin ako nakatulog, hinintay ko lang yung tamang oras para magkunwaring bagong gising ako. Naligo ako, nag-ayos umalis ng bahay na parang walang nangyari. Tinakpan ko yung sugat ko gamit ang concealer tapos nagsuot ako ng kung anu-anong bracelet para matakpan yun kahit sobrang sariwa pa siya. Pumasok ako ng school pero tulala pa din ako, as in nga-nga. Then, ayun paulit ulit yang nangyari for several days. Pinipilit ko lang yung sarili kong bumangon. Wala talaga akong makitang dahilan para magkaganito ako. Hindi ako kumakain, ang dahilan ko. Busog ako sa school. Pag nasa bahay ginagawa ko lahat para matago lahat ng tinatago ko. But isang araw, di na nakatiis yung mga kaibigan ko at kinausap nila ako. Di ko na din tinago at sinabi ko lahat ng nararamdaman at ginagawa ko. Tinanggal nila yung mga bracelet sa braso ko and band aids then dun sila na-schock sa nakita nila. Puro sariwang sugat, yung iba peklat na. Di ko alam kung nagalit sila or naawa o kung ano pa man. Pero nung araw na din yun kahit gabi na yung uwian namin at kahit anong pigil ko sa kanila, pumunta pa din sila sa bahay. Pumunta silang lahat para sabihin kaila Mama yung nangyayari sa akin. Takot na takot ako kasi baka mamaya ilayo ako nila Mama o kaya magalit sila sa akin pero hindi. Nung umuwi na yung mga kaibigan ko, kinausap ako ng seryoso nila Mama . bakit daw ako ganun? May mali ba daw sa kanila? Bakit ko daw ginagawa yun sa sarili ko. Pero iisa lang yung sagot ko sa kanila. Hindi ko alam. Totoo naman ee, di ko alam kung anong nangyari sa akin. Masaya ako but then bigla akong nagka-ganun. Ilang araw akong hindi pinapasok nila Mama. Pinipilit nila akong pumunta sa Psychologist pero grabe yung pag tanggi ko. Ayaw kong magpa-check up sa kanila. Iniyakan ko sila para lang hindi ako magpacheck up. Pero gumawa ng proposal si Mama. Pag nakita daw niya na bumalik ako sa dati hindi na niya ko papa-check up sa doctor pero pag walang nagbago sa akin magpapa schedule na siya sa doctor. So, I challenge my self na bumalik sa dati. Pumasok ulit ako sa school, lagi akong may dalang rosary. Kahit mahirap pinilit ko na bumalik sa dating ako. Yung sobrang ingay, sobrang kulit, sobrang mataray. Buti na lang nandyan yung mga kaibigan ko lagi nila akong binabantayan, hindi nila ako iniiwan. Kahit mahirap pero nagawa ko naman kahit matagal yung recovery stage ko. At least naging successful with help of my Family, Friends and especially God. Nagpapasalamat din ako sa nangyari dahil dun mas tumibay yung Faith ko kay God at natuto akong magdasal ng Rosary at magdasal ng buong puso. Gusto kong kalimutan yung nangyari sa akin kahit nandito lahat ng peklat, ok lang. Sila yung magpapa-alala na minsan na akong nadapa pero bumangon ulit ako. Akala ko dati sa mga penikula lang yun nangyayari.Pag nakakakita ako ng ganun ang iniisip ko napaka-drama nila pero hindi pa pala. Dahil sa akin mismo nangyari yung mga bagay na yun. As of now, sobrang ok na ako! ako na ulit si AndromedaDust na makulit! haha! Ok na ok na ako! Di na din nila ino-open yung mga times na yun. So! ayun OK na OK na talaga ako! haha! Kaya nga bumalik na ako ee! Hahaha! Geh! Yun lang! Napapagod na ko mag-type! haha! ang haba na! Basta kung may pagsubok sa buhay laging nandyan si God para sa atin. Always remember that!


Ta-try kong mag post ng iba't ibang kalokohan dito. Hahaha! Then, kung gusto niyo check out my stories. Punta lang kayo sa Profile ko! hahaha! (nakuha ko pang mag endorse)


Love,


AndromedaDust



Random ShiitWhere stories live. Discover now