"Explain Angelo"
"Ma'am naman eh. Tawagin mo akong Kurtz. Ang ewan kapag Angelo"
*PAK*
Hinapo nya yung ulo nya na pinalo ko ng libro.
Ala. Nasa school nga pala kami. Buti na lang walang teacher na iba dito.
"Ninang nama----mmmph (X_X)"
Ayan dapat sayo bata ka. Mas maganda kung lalagyan ng packing tape.
Sinabi nang hindi pwedeng malaman ng school eh.
Yep. Inaanak ko siya kasi kaibigan ko yung tatay nya. At yung tatay nya na yun ay may kapatid at yung si kapatid na yun ay ang lalaking mahal na mahal ko dati kaso hindi ako ang bida sa storyang ito eh. Ang naging role ko lang naman ay EPAL.
Mamaya na nga yan. Simula pa lang drama na agad. ~_~
[Ringing: Any song you want]
Kay Angelo ata.
"Hello sino to?"
Wala talagang galang kahit sa pagsagot lang man ng phone.
[Uhm hi Kurtz. Tita Alzea mo to]
Nakaloudspeaker pa ang loko. Saka tama ba naririnig ko? Si Alzea.
Siya lang naman ang naging ONLY ONE sa puso ng lalaking nagustuhan ko noon.
Oy. Noon yun ah. Tama na nga! Feeling bagets ako. Bata pa naman ang 25 di ba?
"Ganda talaga ni Tita Alzea. Boses pa lang anghel na" tapos pumalumbaba siya at napunta na sa dream land.
"Makapuri ka kay Alzea ha. Tapos kung laitin mo si Aisaka Rui Uchida grabe lang"
"Makabuo lang ng pangalan grabe lang" nagkamot sya ng ulo na para talagang nayayamot na sya. "Saka pwede ba. Ano konek ni nerd sa maganda kong tita?"
Kung sapukin ko kaya ulit to. Di porket ako taga alaga nya nung bata sya. Di kaya kanais nais na maging ninang at the age of 11.
Kinuha ko yung wallet ko at inilabas yung palagi kong tinatago para asarin si Alzea.
Pinakita ko yung before and after ni Alzea sa die hard fan nya at ito naman ang muka nya.
----------- <(©)x(©)> ------------
"Uso edit nu ninang?"
Pesteng bata to. Akala ko naniwala na. Sabagay mahirap talaga maniwala sa fairytale na nangyayari sa totoong buhay.
"Gusto mo malaman ang nangyari kay Tito Xiel at Tita Zea mo?"
Mukhang nakuha ko na atensyon nito. Masikreto kasi yung dalawa kaya ayaw ipakwento.
Pero sorry sa kanila kasi feel ko kailangan ng mayabang na to ng bonggang lesson.
This time I'm going to be the fairygodmother. But as I have said, THIS IS NOT MY STORY. A helping character maybe?
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
-----------------------------------------------------------------------
Copyright © 2012 ONLINECHOCO STORIES™, All Rights Reserved
The Return of a Nerd
Start from the beginning
