Part 1-A

489 17 5
                                    

Part 1-A

3 pm

Charissa's POV

My way to school, night class kasi ako e, commute ako everyday. Ayoko lang kasi magboard, tiis kahit medyo malayo. E di naman kasi ako independent masyado. Wala akong alam na trabaho sa bahay kaya heto commuter ako.

3 times ako sasakay ng jeep at nasa second terminal nako.

Nung magbabayad ako sa collector...

"Kuya heto po bayad ko"

mmm...

mmm...

Owwww... Ang bango naman nun.  Amoy LACOSTE. Grabe nakakaadik naman, parang drugs lang e!

Titingin sana ako sa may likuran ko, dun kasi galing yung amoy  pero..

"Ms sukli mo..." tsss badtrip si kuya! pabitin!

Pero sa bagay nakakahiya naman kung titingnan ko pa sya. Akalain pakong baliw di ba?

Sumakay nako sa jeep. Syempre sa may dulo ako. Buti na nga lang wala pang sakay tong jeep nato. Kakaalis lang kasi nung isa. Favorite place ko kasi sa bandang pintuan sa likod ng jeep para agad agad baba. Pwera pag rainy day gigitna ako ayoko mabasa e.

Pagkaupo, nilabas ko yung isang note ko. Review mode muna kasi may long quiz kami later.

AWWW!

Nadidistract ako! Yung amoy na yun nanaman? Hmm umakyat na din kasi yung taong may smell na ganun. Gosh! umupo sya sa tabi ko! Bababa din siguro ito agad nu? Yun lang naman ang palagay ko.

Ihhy nakakaadik naman talaga yung smell niya. Di ako makapagreview haaaaayyyyyyyy...

Hindi ko padin sya tiningnan, busy ako sa pagrereview ko. Basta alam ko lang lalaki yung katabi ko. Sobrang nadidistract ako sa amoy niya talaga hindi ako makapagfocus. Patay na!

Review...

Smell...

Review....

Smell...

Baka puro SMELL LACOSTE nalang masagot ko later neto ah?

 "18.19.20 okay puno na" sabi nung jeepney barker ba yun...

Grabe ang bilis napuno. Hindi ko man lang napansin sa sobrang busy ko kaka amoy este kakareview...

Sandali lang nga, nakabukas yung bintana ng jeep sa tapat ko. Arg! Ayoko kasi ng ganito. Magiging bruha ako pag di naisara to, lakas kaya ng hangin baka magkasabit yung buhok ko pag nagkataon. But how can i close that? Nakaharang si Kuyang amoy Lacoste... 

Hmmm huhuhu ayoko magkasabit buhok ko! Sayang yung creamsilk ko daaaay!

Ihyy bahala na nga! Umandar na pamo tong jeep!

"Ehemmm. Kuya excuse lang po" i said.

Pagkaharap ni kuya...

Shocks!

O.^

Naamazed ako!

Ang kinis nang mukha niya! kakainggit...

Ang tangos ng ilong! kakainggit...

Red lips! kakainggit...

All and all...

GWAPINGS!

Si kuyang smell lacoste saksakan pala ng gwapo! Di ko kasi agad napansin pero kung agad ko lang nakita malamang di nako totally nakapagreview ...

I Found Love Inside the Jeepney [Short Story by parts]Where stories live. Discover now