Chapter 1

1.6K 48 2
                                    

01

Future Husband

"Kuya! Umupo ka nga muna. Baka hindi ko mapigilan at maibato ko sa 'yo si Browny." Huminga ako nang malalim tsaka sumandal sa upuan naming gawa sa kahoy. Mabuti nalang at wala naman akong natamong seryosong sugat kaya nakauwi na rin ako kaninang umaga.

Matapos ang konting gulong nangyari sa hospital kahapon ay basta-basta na lamang kami iniwan ng mag-asawang Alejo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa deal na in-offer sa amin. Seryoso ba talaga siyang ipapakasal niya sa akin ang anak niya para lang mabayaran ang utang namin?

Nahihibang na talaga ang matanda ng 'yon.

Well, hindi pa naman talaga siya matanda. Siguro mga 69+ lang hehe.

"Hoy Carina, huwag na huwag kang papayag sa deal na 'yon ha?" Magmula nang makauwi kami ay halos hindi ako tinigilan ni kuya sa kaka sermon. As if namang uto-uto ako 'no.

"Eh paano kung 'yon nalang ang tanging paraan para makabayad sa utang natin? Lalo na't si Carina pa ang nakabangga sa anak nila," malungkot at tila bang hindi mapakaling saad ni mama.

Nilapitan ko siya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Ganito parati ang ginagawa ko kapag may problema sa pamilya namin. May high blood kase si mama at ito ang paraan ko upang mapakalma ko siya kahit papaano.

"Ma naman, maghahanap pa ako ng ibang trabaho para lang mabayaran ang utang natin." Ramdam kong nag-aalala nang husto sa 'kin si kuya kaya ganito nalang ang reaksyon niya.

Kung ako ang tatanungin ay nagdadalawang-isip din ako. Gusto ko tuloy makausap nang masinsinan si Mrs. Alejo tungkol sa deal na sinabi niya. Kase naman baka niloloko lang kami no'n.

Kinabukasan ay day off ko kaya tinanghali na rin ako ng gising. Maaga ring pumasok sa trabaho si papa para magtanim na naman sa bukid ng uncle ko. Si kuya naman ay isang construction worker. Si mama ay hindi na nagtratrabaho dahil sa hindi magandang kalusugan niya kaya kaming dalawa lang ang naiwan sa bahay.

"Magandang umaga, anak. May naiwan pang itlog tsaka tuyo sa lamesa. Kumain ka na." Ngumiti ako sa kanya saka dumiretso sa kusina.

Kinuha ko ang Hello Kitty kong tasa na regalo pa sa 'kin ni Papa no'ng 10th Birthday ko. Hindi ako pwedeng magkape kung hindi ito ang gamit ko dahil simula no'n ay ito na ang naging favorite ko sa lahat ng regalong natatanggap ko. Hindi man kami mayaman pero lahat ginagawa namin para mabigyan ng kahit mumunting regalo ang isa't isa sa tuwing may okasyon.

"Ma! Ubos na pala ang asukal natin."

"Oo nga pala. Pwede bang bumili ka sa tindahan ni Aling Puding?" sigaw ni mama na kasalukuyang naglilinis ng bahay.

"Sige po!" Naglakad agad ako patungo sa kwarto ko upang kumuha ng perang pambayad. Ngunit agad ding nanlumo nang makitang isang daan nalang ang laman nito. Pera ko kase ang pinambayad sa hospital na galing pa sa sweldo ko. Ayaw ko kasing gumasto pa sina mama.

"May pera ako diyan sa wallet, 'nak! Kunin mo nalang."

"Huwag na po. May pera naman ako."

Tumakbo ako palabas ng bahay at sinalubong ang napakainit na sinag ng araw. At dahil hindi ko naman nadala ang payong ko dahil sa pagmamadali, ginawa ko nalang panangga ang kanang palad ko.

"Carina! Ganda natin ngayon ah." Sinalubong ko ng fist bump ang kababata kong si Arielle.

"Ganda ka diyan. Hindi pa nga ako naliligo. OA mo talaga, siguro may kailangan ka 'no?" Tumawa naman siya sa tinuran ko. Nagawa pa akong kurutin ng gaga.

Met By Accident Where stories live. Discover now