245 =(

105 0 0
                                    

Takot! Takot ang nararamdaman ko sa tuwing may hahawak saken.. natatakot ako sa mga taong nakapaligid saken.. Kilala ko ba talaga sila? Bakit ang hirap na magtiwala? Bakit ganun? Sobrang saket…

Ako nga pala si Chloe Stephanie Hernandez… 4th yr highschool... start na ng klase at hindi ko alam kung paano ako haharap sa mga kaibigan ko. Pero syempre d naman pwedeng habang buhay ako dito, nagtatago… kaya, nung nakita ko na ang mga kabarkada ko. “JUST BE YOURSELF” biglang may bumulong saken… Si Claire, bestfriend ko. Alam niya kasi pinagdadaanan ko ngayon. Nag-smile na lng ako..

“Ui panget! Musta ka na? grabe! D ka man lang nagpaparamdam. Pag may gala d ka sumasama. Daya mo,” sabi ni Renz habang nakaakbay. Siya si Renz Garcia, ang nag-iisang lalaki kong bestfriend.. Mokong yan eh, tawagan namin PANGET.

Di ko mapigilang mailang sa akbay ni Renz kaya inalis ko sabay sabing, “Marami lang akong inaasikaso kaya ganun, tsaka sinasamahan ko rin si mama.sige una na ko.”

Simula noon, lage ko na silang iniiwasan kahit na namimiss ko na mga kaibigan ko. >,< saket kasi eh. Baket ba nangyari pa ung ganto saken? May part saken na nagsasabing “d naman nila yun gagawin sayo eh, mapagkakatiwalaan mo sila” pero may isa ring part sakin na kinokontra yung isa “baket? Ung TAO ngang yun, buong buhay mong nakasama tas ganun ginawa sayo eh. Pinagkatiwalaan mo yung TAO na yun tas ginanyan ka?”

D ako nakapagdesisyon ng maayos. Lumipas ang isang buwan, ayun, nakakapagbiruan na ko sa kanila dahil sa tulong ni Claire. Pero meron ding isang tumulong saken… si Joshua. Grabe kasi yang lalaking yan.. walang lumipas ang araw na hindi nya ako inaasar. Kaya minsan d ko na naaalala yung dala kong problema… dahil napapalitan ng pagkainis dyan sa Joshua na yan. Ewan ko ba dyan sa lalaking yan at simula grade 1 lage na akong inaasar. Nasanay na rin naman ako, pero minsan pag wala ako sa mood makipag asaran, iniiwan ko na lang siya o kaya naman sasabihan ko ng masaket na salita.. Ginalit nya ko eh.

Lumipas lang ang mga buwan nang ganun… dumaan ang JS Prom, alam niyo kung sino kapartner ko? Si Renz.. =P sya lang kasi ung pinagkakatiwalaan ko sa mga lalake sa ngayon… in fairness sa bestfriend ko.. ang POGI nya.. >/< pero syempre. Wala akong gusto sa kanya kahit na nagkacrush na ko sa mokong na ‘to.. SECRET lang yun ah…

Nakaupo lang ako noon sa seats namen kasama sila Claire at iba pa. ang saya kasi nung tugtog nung mga time na yun, eh ako nanaman ‘to wala sa mood. Ayoko kasi talaga mag gown at make up.. di ko pa ba nasasabi sa inyo? Tomboy kasi ako kung magsuot. Malalaking T shirt with round neck, mga short na di fitted at lagpas sa tuhod ang panggala ko o kaya magpapantalon ako na d fitted, ung straight lang, o kaya ung elephant type. Pero pag nasa bahay naman ako, since kame lang dalawa ni mama doon, nag-iisang anak kasi ako, nakasando lang akow at short. Ayoko kasi ng nababastos kaya pag lumalabas ganyan ayos ko.. sinong magkakamali saken? Eh mukha nga akong tomboy!

Ayun… badtrip ako, habang sila nagsasayawan na.. ang saya ng music… gusto ko sanang makisama, kaso ayoko ng suot ko! HELLO! Tube ung gown ko, baka maapakan ng kung sino at mahila.. wala na kinabukasan ko.. >//<

Maya maya na lang nag slow yung music, may biglang tumapat saken.

Lalake..

Sino?

..

….

.

.

Unti unti kong iniangat ang mukha ko…

SI RENZ!

“PWEDE MO BANG MASAYAW YUNG BESTFRIEND MONG PANGET?” sabi nya habang nakangiti saken sabay abot ng kamay nya.

“LOKO KA TALAGA!” sabi ko at napailing…

“UI! NAGIINTAY AKO” bigla nya ulit sabi.. >//< tanga ko.. tinatanong nya nga pla ako.. napatayo na ko at hinawakan na yung kamay nya..

“AYAN! FIRST DANCE MO KO THIS NIGHT! SANA AKO DIN LAST MO HA?” sabi nya bigla habang nilagay nya yung kamay nya sa waist ko.

O.O nabigla ako.. PWEDE PATANGGAL NG KAMAY MO SA WAIST KO? Pero slow dance ‘to STEPH! ANO PANG GUSTO MO? BUTI NGA HINDI DALAWANG KAMAY NYA NASA WAIST MO EH. HAWAK MO YUNG ISA NYANG KAMAY KAYA CHILL LANG.

“sorry,” bigla nyang sabi at tanggal nya ng kamay nya sa waist ko, napansin nya siguro na napaurong ako nung nilagay nya ung kamay nya sa waist ko..

ANO NANG GAGAWIN KO?

“dito na lng,” hinawakan nya ung tela ng gown ko sa bandang waist at un na lng ang hinawakan..

>//< NAHIHIYA NA KO SA BESTFRIEND KO!!

“cge ok lang,” tipid kong sabi.

“sigurado ka? Okay lang naman saken,” tanong nya saken. Eye to eye na kame mga pre…

“ok lang,” kinuha ko na yung kamay nya at ako na naglagay sa waist ko.

Ayoko na gawing big deal yun, kailangan ko nang kalimutan yun. Gusto ko nang makawala sa bangungot na yun.

“Favorite song mo ‘to diba?” bigla nyang tanong.

NOW PLAYING: FALLING by Tyler Ward ft. Alex G

Nag-nod lang ako.. baket ang awkward? HELLO! BESTFRIEND KO ‘TO, NI HINDI KO SIYA MATIGNAN SA MGA MATA.

“alam mo, simula nung naging bestfriend kita, sobrang saya ko na. ni hindi ko nga akalain na magiging bestfriends tayo eh.”

Napatingin ako sa kanya. Si renz ba to? Kasi di naman madrama ung bestfriend ko eh. Naging best friend ko nga lang yun kasi lage syang nasa tabi ko at laging maaasahan although lagi rin kameng nag-aasaran.

“CHLOE STEPHANIE HERNANDEZ, I LOVE YOU”

O.O totoo ba narinig ko? Or nabingi lang ako kasi di ako makapaniwala na naging seryoso sya kausap?

Steady lang kami. Walang nagsasalita, walang gumagalaw, wala ring humihinga. Lol. Edi patay na kame? 

EYE TO EYE. BIGLA SYANG NGUMITI.

SABIHIN MONG JOKE LANG YUN! PLEASE!

“I LOVE YOU MORE THAN THIS. KUNG AKALA MO MAHAL KITA AS BEST FRIEND… NAKAPAGDESISYON NA KO NA SABIHIN SAYO. I REALLY LOVE YOU.”

D pa rin ako gumagalaw. Nakatitig pa rin ako sa kanya.. anong sasabihin ko?

“dont worry… di ako naghahanap ng kapalit. Sa ngayon, gusto muna kitang bigyan ng time para makapag isip. Pero sana wag mo kong hadlangan na mahalin ka. At please… wag na wag mo kong iiwasan.. d ko kaya..” sabi nya saken hanggang sa d ko alam….

Niyakap nya na ko..

Tulala pa rin ako.. baket ba ganito ako? Anong problema ko? >//<

“LOKO KA! JOKE LANG YUN DIBA? SAPAKIN KITA DYAN EH.” Sabay suntok sa likod nya.. nakayakap pa rin kasi sya saken.

“I LOVE YOU! I REALLY DO.” Bulong nya saken.

245(SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon