Kabanata 1

140 50 2
                                    

Kabanata 1

"Hija masama pa ba ang pakiramdam mo? Magpahinga ka na muna,"nag-aalalang wika ni manang beth nang makabangon ako mula sa sofa?

Bakit sa sofa ako natulog?

Hinay hinay akong tumayo habang nakahawak sa noo ko, para akong nasagasaan sa sobrang bigat ng katawan ko, para akong problemado sa sobrang sakit ng ulo ko.

"Ah pasensya na hija hindi kasi kita mabuhat patungong kwarto, alam mo namang matanda na ako,"paumanhin niya.

"Si Gian po? Hindi niya po ba ako kinarga, nakauwi naman siguro siya kagabi diba po ?"ang naaalala ko ay nakita ko si Gian na umakyat sa hagdanan at yun lang ang naaalala ko.

"Kinatok ko siya sa kwarto niya upang mabuhat ka niya papasok sa kwarto mo, pero hindi niya naman ako pinagbuksan baka tulog na,"napayuko si manang beth.

Kahit naman gising si Gian ay hindi niya rin magagawa 'yun, para akong isang mabigat na problema na ayaw niyang solbahin. Ganun naman ako lagi simula nang magkasama na kami sa isang bahay.

Kulang nalang ay kuhanin na niya ang lahat ng gamit niya dahil palaging wala siya rito, wala naman ako sa posisyon para pagbawalan siya dahil kahit asawa niya ako, hindi naman maipagkakaila na hindi niya ako mahal, asawa lang ako sa papel at negosyo pero hinding hindi ako maging mahalaga sa puso niya.

***

"Gusto mo ba ng adobo?"nakangiti kong wika habang nilalagyan ng adobo ang plato niya.

Tahimik lang siyang kumakain, animoy parang siya lang ang kumakain at walang kasama. Gusto kong maibsan ang katahimikan kaya nilalagyan ko ng pagkain ang plato niyang malapit ng maubos ang pagkain,isa pa gawain iyon ng asawa...ang pabusogin at alagaan ang kaniyang kabiyak.

"Gusto mo ba ng tubig? Ikukuha kita,"aniya at tumayo sa upuan ko upang magtungo sa kusina, naabutan ko duon si manang beth na naghuhugas ng lababo.

"Anong kukunin mo? Sana tinawag mo na lang ako,"

"Ako na po manang, atsaka nag papa goodshot ako kay Gian,"kindat ko sakanya, napangiti naman siya at inabutan ako ng mababasaging baso.

"Hay naku ikaw talaga, kaya gustong gusto kita e, ganiyan nga hija paamuhin mo si Gian upang mapagtanto niyang dapat ka ngang pahalagahan,"wika ni manang beth, napangiti ako roon.

Nilagyan ko na ng tubig ang baso at bumalik sa hapag, nang makitang wala na doon si Gian ay labis akong nasaktan, hindi niya kinain ang nilagay kong adobo sa plato niya, hindi niya nga iyon ginalaw,walang nagbago simula nang umalis ako ang kaibahan lang ay wala nang kumakain roon.

"Goodmorning Ms. fajardo,"bati saakin ng isang empleyado sa kompanya.

"Goodmorning din,"

"Goodmorning Maam eli,"

"Goodmorning Maam Celina,"

Sunod sunod na bati ang natanggap ko, sinuklian ko lang sila ng tango at ngiti, binabati na rin pabalik. Maganda ang trato ko sa mga empleyado dahil kung wala sila hindi lalago ang kompanya, malaki ang naitulong nila, at maswerte kami dahil hindi lang sila matiyaga, magagaling pa.

Pasarado na ang elevator ng may kamay na pumagitna dahilan upang magbukas ulit ang elevator, pumasok duon si Nicole malaki ang ngiting binigay niya sakin.

Isa rin siyang empleyado sa kompanya,kaya lang ay mas mataas ang posisyon niya sa iba, kahit hindi siya secretary ay siya yung palagi kong nakikita sa office ng asawa ko, nag-aabang sa kung ano mang inuutos.

The Unloved WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon