Pinky -Dave Part 1

252 5 0
                                        

“ Ano ang pagkakaiba ng iyak pag iniwan ka ng taong mahal mo at nang iyak pag namatayan ka?”

Ito ang tanong na nabuo sa aking isipan noong namatay ang aking lola ida taong 2012,

 Laging ako ang nakabantay sa kanyang kabaong, lagi lang ako sa kanyang tabi, kaya’t bilang ko ang mga taong umiyak sakanya. Tatlo lang, Sila ay si lola Cecille, Lola Flora at ang misteryosong matandang lalaki na di nmin kakilala at lalong di nmin kamag anak, Lumapit sya sakin at nag paalam pa kung pwede daw ba syang dumungaw para makita sa huling sandali ang aking lola.

Sila Lola Cecile at Lola Flora ay Kapatid ni Lola Ida kaya normal lang na sila ay umiyak sa pagkamatay ng kanilang kapatid, ngunit ang matandang lalaki ay tahimik na umiyak, at sa kanyang paghikbi ay ramdam kong malalim ang pinaghuhugutan ng sakit na kanyang nararamdaman!

Si lola Ida ay diko tunay na lola sya ay matandang dalaga at ang kanyang tanging libangan ay ang tumao sa kanyang tindahan malapit sa aming bahay sa pangasinan, ginugol ni lola ida ang pagpapalaki sa aking papa kayat hindi na sya nakapag asawa, sya ang kinilala ng aking papa na kanyang ina kaya tunay na apo na rin ang turing nya saakin. Hindi ko nakitang umiyak si papa nong namatay si lola ida kaya hindi na nadagdagan pa ang bilang ko, pero imposibleng hindi sya umiyak, maaring itinago nya lang, imposibleng hindi nya iyakan ang babaeng halos gumanap bilang ina nya.

Ako.., Hindi ako umiyak sa burol, dahil bawat oras na nakikita ko sya sa kanyang kabaong ay para bang napaka payapa lang ng kanyang tulog, at bahagya pa ngang nakangiti, bakit ko nga ba sya iiyakan eh nakangiti. 😊😊😊

12 Years Age Gap ( Pinky - Dave Story)Stories to obsess over. Discover now