Chapter 5 - Seed of Ultimate Life

53 2 4
                                    

"Eto ang malaking pagkakaiba sa mundo natin."

Napalunok si Eksdi sabay punas ng kanyang pawis sa noo. Parang normal nalang sa binatang kausap niya ang ganoong pangyayari. Di na siya nagpaligoy ligoy pa, tinanung niya agad ang binata.

"Ano yung ginawa mo kanina? Normal lang ba yun dito? Dali-daling tanong ni Eksdi.

"Oo, normal lang yun sa mga matagal tagal na dito," mabilis na sagot ng binata, "ako nga pala si Jaypee. Magtatatlong linggo na rin ako dito."

Tumango na lang si Eksdi. Marami pa siyang gustong malaman tungkol sa bagong mundo niya kaya inaya niya agad si Jaypee na kumaen na muna sila dahil talagang gutom na rin siya!

"Sana may kainan na malapit dito para habang kumakain kami, tatanungin ko siya ng mga kailangan kong malaman tungkol sa mundong ito." sabi nito sa sarili.

Pumayag naman si Jaypee dahil daw gutom na rin siya.

"Kailangan ko na rin kumain dahil mahina pa masyado ang katawan ko para gamitin ang kapangyarihan na ito," sagot ni Jaypee.

.

..

...

Di nagtagal, biglang napaisip si Eksdi, wala nga pala siyang pera! Siya pa nagyayang kumain tapos siya pa ang walang pera!

"Ah eh ano nga pala Jaypee, paano pala magkakapera dito? XD" nahihiyang tanong ni Eksdi.

"Hahahaha, mamaya ko nalang sasabihin. Ako na muna ang manlilibre ngayon tutal ikaw naman ang unang tao dito na nagyaya sakin na kumaen."

"Ganun ba? Sige salamat. Hayaan mo sa susunod, lilibre din kita."

"Haha okay lang yun." Sagot ni Jaypee.

Sa isip-isip ni Eksdi, masiyahin pala itong si Jaypee, tawa ng tawa tsaka mabait din siya.

.

..

...

.....

......

Nakahanap ng makakainan sila Eksdi. Kumain sila ng kumain hanggang nabusog sila. Pagkatapos nun, tinanung agad ni Eksdi si Jaypee.

"Jaypee, paano mo nagawa yung kanina? Yung kinontrol mo yang bola na dala-dala mo para atakihin yung mga ugok na yun?"

"Yung mga tao dito, ang tawag nila doon ay Seed of Ultimate Life o SOUL. Diba bago ka pinadaan ng mga guard kanina patungo dito sa pangalawang tuloy, may pinainom sila sayong capsule. Yun yung SOUL."

Napanganga si Eksdi. Ngayon naging malinaw na kay Eksdi kung ano yung pinainom sa kanya nung guard na si Juanito.

Biglang nagsalita si Jaypee at pinagpatuloy ang kinikwento.

"Sa ngayon, meron daw three types of SOUL sa mundong ito. Ang Superhuman, Animal Force at ang Legendary SOUL. Ang tawag sa SOUL ko ay Manipulation Technique at ito ay isang superhuman SOUL."

"Saan mo nalaman ang mga ito?" - Eksdi

"Naaalala mo yung mga mokong na bumato sakin kanina? Kinuha nila yung binili kong libro tungkol sa mundong ito. Pinagbibintangan nila akong ninakaw ko pabalik sa akin yung libro ko dahil nawala daw." -Jaypee

"Hayaan mo, sabihin mo na lang sa akin kung paano ako magkakapera dito at bibili nalang ako ng isa pang ganoong libro para bayad na ko sa paglibre mo sakin ng pagkain." -Eksdi

"Hahaha okay lang pero kung gusto mong magkapera, sasamahan kita. May pupuntahan tayong lugar kung saan ipagpapalit mo ang impormasyon tungkol sa SOUL mo sa pera dito. Karamihan sa mga bago dito, ganon ang ginawa para malaman na rin nila kung anung SOUL ang nakuha nila. Ganoon ang ginawa ko. Pebos (PB, ex. PB 10,000 / Ten thousand pebos) nga pala ang tawag sa pera dito." -Jaypee

"Wala naman sigurong mawawala kung ibigay ko sa kanila ang impormasyon tungkol sa SOUL ko. Gusto ko na ring malaman ang SOUL ko." - Eksdi

Umalis na sila sa pinagkainan nila at tumungo na sa sinasabi ni Jaypee na lugar. Hindi naman medyo kalayuan ang lugar at natunton din nila ito kaagad.

Napakamot sa ulo si Eksdi dahil kailangan nanaman niyang pumili. Nakita niya sa taas ang pangalan ng lugar, S.O.U.L Trader.

.

..

...

Sandali nalang at siya na ang susunod na kikilatisin.

===TO BE CONTINUED===

EKSDI Afterlife AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon