Chapter Four - The Graymail Tactic

Начните с самого начала
                                    

Umikot ang mga mata ng kasama saka nagbayad sa kahera. Pagkatapos, dumerecho ito sa isang mesang nasa sulok at pasalampak na naupo.

Namumula ang mga pisngi ni Tori siguro dahil pa rin sa galit. Tahimik siyang naupo sa katapat nitong silya habang pinapanood ang tila pagliliyab ng mga mata ng babae.

If he thought she's a beauty when smiling, God, she's searing hot when angry. Parang naramdaman niyang nabuhay ang kung ano sa loob niya dahil sa anyo nito.

Nag-iinit din ang mukha ni Kiel. Hindi siya magugulat kung makikita niyang namumula iyon hanggang sa kanyang leeg.

"Sus, kung mang-aakit ako, siguradong hindi siya ang tatarget-in ko, 'noh! Ang kapal! Eww, ang askad kaya ng mukha niya! Puwede nga siyang goon sa pelikula ni Lito Lapid."

Dumaan sa isip niya ang hitsura ng lalaking nambastos dito. Hindi nga pino ang features ng mukha niyon pero siguro, huling-huli niyang maiisip ang salitang 'askad' para ilarawan ito. Parang masyadong—ahm... haragan?—ang salitang iyon para bumagay sa delicate lips ni Tori.

Hindi niya napigilan ang pag-alpas ng ngiti sa mga labi.

"Buti nga sa kanya. Nabasag sana ang itlog niya at nang wala nang magmana ng kamanyakan niya, buwisit siya."

Nagkatunog ang ngiti ni Kiel. "I'm sure he'd learned his lesson."

Itinaas ng babae ang tingin sa kanya at bahagyang lumambot ang ekspresyon sa mukha. "Salamat nga pala, ah."

Naramdaman niyang nag-init muli ang mga pisngi niya. "Oh. Wala naman akong ginawa. You knocked him off."

Natawa na ang babae. "Oh, yeah, I did."

Sa loob ng ilang sandali, nagsalo sila sa masarap na tawanan. Pumuno sa loob ng mesa nila ang tunog niyon at lalo siyang natawa dahil sa sarap niyon sa pakiramdam.

Nang mamatay ang tawanan, nanatili pa rin ang titig niya sa mukha ng kaharap.

Ngumiti ang babae na parang naa-amuse sa kanya. "Maniwala ka na, ako talaga si Tori na tutee mo. Ako rin iyon."

He chuckled. "Ano ba'ng nangyari?" usisa niya.

Noon naman dumating ang waitress dala ang order nila. Agad iyong inatake ng kasama. Pinanood niyang palamanan ni Tori ng pansit ang isang monay saka inabot sa kanya.

"Kain. Masarap 'yan, especialty ni Nanay Mely ang pancit," anito, nalimutan na ang tanong niya.

"Thanks." Tinanggap ni Kiel ang tinapay at kumagat. "Masarap nga."

"S'abi ko sa 'yo, eh. Ano? Io-order na rin kita ng sa 'yo?" nakangiting anito.

"Next time na lang. Okay na sa 'kin ito, titikman ko lang. Busog talaga ako," sabi ni Kiel kahit ang totoo ay ayaw lang niyang gumastos. Lampas na nga sa budget niya iyong binili niya kaninang frappe sa café.

Kung nalaman lang niya kaagad itong karinderyang ito, dito na lang sana siya tumambay kanina. Nakatipid sana siya ng—mabilis na nag-compute ang utak niya—seventy-four pesos.

Nagkibit ito ng balikat. "Masarap din 'yung barbecue nila dito. Pancit palabok naman iyon masarap iterno d'un."

Tumango siya. Inubos niya ang tinapay at saka uminom ng complimentary tubig.

Pagkatapos, saka niya sinabi: "So sasabihin mo na ba kung sino 'yung higanteng admirer mo at kung bakit ganyan ang suot mo ngayon?"

****

Dahil sa tanong na iyon ni Kiel, bumalik ang ngitngit ni Tori. Binitawan niya ang mga kubyertos at tuluyang tinapos ang kinakain.

Lintsak talaga, buwisit ang letcheng Max na 'yun! Dahil sa kanya, nanganganib nang matapos ang maliligayang araw niya! BWIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIISIT!

The Dork Knight (Published by Bookware Pink&Purple)Место, где живут истории. Откройте их для себя