𝐏𝐚𝐧𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚

13 2 0
                                        

"Guys laro naman tayo ang boring eh." suhestiyon ni Miyuki.

Sumang-ayon naman sila sa suhestiyon ni Miyuki. Nagtitipon ang magkakaibigan sa gitna at doon may nilagay siya'ng bote na walang laman.

"Anong laro ba 'to?" tanong ng nabuburyo'ng si Khai.

"Truth or Dare. Hindi ba halata?" halatang nami-milosopong sagot ni Miyuki.

"Hindi!" sabay sabay na sigaw nila kay Miyuki, maliban sa tahimik na si Skye.

"Oy, 'wag niyo nga'ng sigawan si Denize." singit ni Skye na ngayon lang nagsalita.

Naupo nalang sila at 'di pinansin si Skye na naupo nalang din sa tabi ni Miyuki/Denize.

Nagsimula silang maglaro, unang tumapat ang bote Kay Skye.

"Truth or dare?" excited na tanong ni Miyuki.

"Truth."

Dismayadong napayuko sa maikling sagot ni Skye si Miyuki.

"Ang boring naman ng truth!" reklamo pa niya.

"Ako na magtatanong." biglang sulpot ng ating tahimik na bida'ng si Sheniah.

Doon nagsimula ang tension ng kanilang laro. Hanggang sa tumapat ang bote sa direksyon ni Khai.

Nakakalokong ngiti ang makikita sa mga mukha ng magka-kaibigan, maliban sa lutang na si Sheniah at sa walang kaalam alam na si Khai, sa kalokohang naiisip nila.

"Is it a truth or a dare?" pangunguna ni Vienn.

"Dare." walang alinlangang sagot ni Khai.

"Okay." maikling sagot ni Vienn, pero sa kaloob-looban nagdidiwang na sila.

Bigla namang nanlamig si Sheniah, na para bang may mangyayaring hindi niya inaasahan.

"Parang masama ang kutob ko dito ah." mahina pero rinig nilang sabi ni Sheniah.

"Don't worry Sheniah babes, hindi masama 'to." tugon ni Sharry sa kanya.

"Here. I dare you to play a Falling Game with Sheniah." Vienn said directly.

*Silence*

*Silence*

*Silence*

"WHAT?!"

"ANO?!"

***

"Please, don't make me fall in love—" mahina man ngunit rinig na rinig pa rin ni Sheniah ang bulong ng nakainom at lasing na si Khai.

"Ano?" naguguluhang ani ni Sheniah.

"...so bad." mahinang dugtong pa ni Khai, bago mawalan ng malay.

"Hey Khai, gumising ka. Khai? Khai!" panggigising niya, pero hindi ito tumugon.

Wala siya'ng choice kundi ang iuwi ito. Kahit na naguguluhan pa rin siya mga salitang binigkas ni Khai.

***

"Why would I?"

"Because that's what I want you to do."

"Bakit nga?! Bakit? Ganon na ba kadali sabihin ang mga salitang 'yan?" maluha-luhang napasigaw si Sheniah dahil sa inis at sakit na nararamdaman.

"Siguro." maikling sagot ni Khai, pero tagos sa puso ni Sheniah.


~

Alisha_Raine

A FALLING GAMEWhere stories live. Discover now