Chapter 1.

8 0 0
                                    

Hi ^_^! I’m Katherine Chua or simply Kate. Half – chinese, half – Filipino ^_^

Ang Mommy Jane ko ang Filipina at ang Daddy Yui ko naman ang Chinese.

Meron akong big at younger brother, si Kuya Nate (Nathaniel) at Clare (Clarence) ^_^

Masaya na sana ang buhay ko kundi lang sa monster Grandfa ko. Haaay… Feeling ko tuloy ako ang makabagong Cinderella :(((

Napakarami nyang planong paninira sa buhay ko!

Una! Dapat daw magpakasal ako kay Brix! ~_~

Pangalawa! Mag-anak ng baby boy! -______-

My God di ba?!

Ang bata ko pa para sa fixed marriage na yan! 22 pa lang ako at nasa lime light ng pagdadalaga! Hindi ba nya yun maintindihan??? Haiiiisst!

Ayos lang naman sana kung prince charming ang pakakasalan ko eh! Ang kaso, anak ng palakang may kulugo! Mukhang kapatid ni Chaka doll yun ah!!

At ang mas kahindik hindik sa lahat, gusto pa nya kong magkaanak agad?! At may requirements din sa pag-aanak. Dapat baby boy! Anak ng ita! Paano mo naman sasabihing hey baby dapat boy ka ha, kundi ibabalik ka sa tyan ko ni Lolo!

Diyos ba ko?! Diyos ba?!

Kaya alam ko! Hindi talaga ko mahal ni Lolo! Huhuhu help me God :’(((((

I don’t like this nightmare! :((((

Hindi ko maintindihan eh, ang yaman yaman naman na ng mga Chua para ibenta pa ko sa mga ‘yon!

At dahil pasaway ako, bwahahahahaha, meron akong evil plan *evil grin.

Hinding hindi ako papayag na mamanipulahin ninuman ang buhay ko!

At dahil sang-ayon sina Mommy sa plano ko, bwahahaha mamatay na mapahiya mamayang gabi!

Mamamanhikan na daw kasi ang mga frog family mamaya. Bwahahahaha!!!!

Dudurugin ko ang lalaking ‘yon sa magaganda kong kamay!

Hanggang sa sya na ang kusang sumuko at kalimutan ang malaking delubyong magaganap kung sakali!

‘BWAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!’

“Knock knock!”

‘Sino ba ‘yang asungot na yan? ~-~

“Come in”, mahinhin kong sagot sa kung sino mang nasa labas.

Kailangang mag Miss prim and proper para walang sablay ang plano. Bwahahahaha!!!!!

Pumasok si Kuya Nate at naupo sa dulo ng kama ko.

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa pagsusulat ng mga plano sa tinawag kong “OPLAN FROG CONTROL” bwahahaha ang henyo ko mag-isip.

Masusi nya kong pinagmasdan at maya-maya ay sumisilip na sa ginagawa ko.

Mabilis ko naman ‘yong iniwas at itinago sa likod.

Hindi nya pa yun pwedeng malaman dahil kampi ang isang ito kay Lolo! :3

“Ano ‘yang sinusulat mo?”, takang tanong nya ng iniwas ko ang papel.

“Last will”, simpleng sagot ko na ikinalaki ng mata nya.

Pinigil ko ang tawa ko at seryosong tumingin sa mga mata nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Dreamer's FairytaleWhere stories live. Discover now