CHAPTER 1

39 6 0
                                    

CASSANDRA POV

HINDI ko alam kung bakit ginaganito ako ng mundo. Ang malas ko nga talaga. Paano ko sasabihin kay Mama na nasesante ako sa trabaho siguradong mag-aalala yun at siya ang maghahanap ng trabaho. Haiist!

Nakaupo ako ngayon habang nag-aantay ng taxi.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at dinial ang number ni Yrozz. Ang aking boyfriend.

'The number you dialed is out of coverage area please try again later..."

The number you dialed is out of coverage area please try again later..."

The number you dialed is out of coverage area please try again later..."

Bat di niya sinasagot ang phone? Hmm, baka busy.

Dalawang taon ko ng Boyfriend si Yrozz kaya sobrang mahal ko siya. Mayaman ang pamilya nito at kilala ang kanilang kompanya sa isa sa mga sikat na kompanya sa buong mundo, pero hindi ko siya nagustuhan dahil mayaman siya, lagi ako nitong binibilhan ng material na bagay pero inaayawan ko ito. Ayokong isipin niyang pineperahan ko lang siya at isa pa hinfi ako materailistic na tao. Oo, minsan nag-aaway kami because of misunderstanding pero kahit papaano naayos parin namin. Malaki ang tiwala ko sakanya at sa mga pangako niyang ako lang ang babaeng mamahalin niya.

'siguradong dipa nagbreakfast yun.

Sakto namang pagtayo ko ay may dumaan na taxi agad nakong sumakay doon upang pumunta sa company nila. Naalala kong may binake akong cookies para sakanya at sigurado akong matutuwa yun pag nakita ako.

Ilang minuto pa at nakarating narin ako sa kompanya nila. Napakalaki nito at lahat ng tao roon ang gaganda ng mga suot. Sana makapagtrabaho rin ako sa ganitong kompanya. Gusto ko ring makasuot ng tulad ng suot nila.

Nagpakawala muna ako ng buntong-hininga bago pumasok at sakto namang nakita ko si Bryan. Kaibigan ni Yrozz na nagtatrabaho rin sa kompanya.

"O Cassandra?!" nakangiting salubong nito sakin.

"A--Ahm si Yrozz nandyan ba? Diko kase siya macontact..."

"A--Ahh i--don't know...tingnan mo nalang siya sa office niya."

"Okay salamat..." sabi ko rito.

"Cassandra?" biglang tawag nito sakin.

"Oh?"

"W--wag ka ng tumuloy..." mahinang sambit nito.

"Baket?"

"A-aaahm, i mean busy si Yrozz dami niyang aasikasuhing papeles you know." parang di mapakaling sabi nito.

"Hmm, ganun ba sige sandali lang ako ibibigay ko lang 'to sakanya..." sabi ko at mabilis na nagtungo sa office ni Yrozz.

Bago pa man ako pumasok sa loob ay inayos ko na muna ang sarili ko. Ayokong makita ako nitong matamlay siguradong magtatanong yun. Nakangiti kong binuksan ang pinto at ganun nalang ang gulat ko ng makita ang nasa loob.

"Y--Yrozz?"

"Mi--Miles??"

Nalaglag ang panga ko sa nakita ko.
Nakapatong si Miles sa kay Yrozz at naghahalikan sila. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Parang sinasaksak ang puso ko, sobrang sakit. Ang sakit-sakit. Bumagsak ang mga balikat ko at nangilid narin ang luha ko.

"C--Cass...." gulat na gulat na sambit ng aking boyfiend. Agad nitong tinulak si Miles at inayos nito ang kanyang sarili.

"K--Kailan pa?" hindi makapaniwalang tanong ko at agad itong lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko.

CURIOUS LOVE: Cassandra AmonteWhere stories live. Discover now