Chapter 32: Sports Festival

Start from the beginning
                                    

Makalipas ang pagpapakilala sa iba pang guest ay sinimulan na din ang laro.


Hindi naman boring ang isang oras kong nakaupo habang pinapanood ang mga estudyante sa field, halos lahat ng participants ay mahuhuyas, walang napag-iwanan sa kanila kaya halos dikit ang laban ng bawat paaralan. Sa 15 universities dalawa ang nakaagaw ng atensyon ko, ang lalaking nasa number seven at ang babaeng nasa number 12, pareho silang mahusay mula sa simula hanggang sa last run kung saan tabla ang laban. Kanina ko pa pinagmamasdan ang kanilang kabayo na pareho ang kulay.


"Mukhang gusto mong subukan ang horseback riding, ready ka na ba?"


"Po?"


"Sa last day ng festival ay kailangan mong sumakay sa kabayo bilang paggalang at bilang bagong pinuno ng bansang ito."


"Pero your grace---


"Don't worry Princess hindi naman kailangan tumakbo ng kabayo."

"Pero hindi po ako maalam sumakay sa kabayo." Pabulong kong sambit, dahil kapag narinig ako ng isa sa mga Duke na kasama namin ay ma-issue na naman ako. Kanina nga pagdating ko may issue agad na kumalat tungkol sa akin ngunit binalewala ko lang iyon dahil mai-stress lang ako sa kanilang ginawang issue tungkol sa akin.


"I'll handle your schedule about it, trust me okay?" Nakangiting sambit ni Duchess Eve.

Napabuntong hininga na lang akong nakatingin sa field sa mga sandaling iyon. Kailangan kong magtiwala sa kanya, sa lahat  ng ginagawa niya para sa akin.

.

.

.

Pagkatapos ng unang araw ay bumalik na din ako sa palasyo ngunit hindi agad ako nakabalik sa office ko dahil sinalubong ako ni Gene sa gate. Excited pa naman akong ikwento kay Shaine at Jeyya ang tungkol sa naganap na equestrian kanina maging si June na abala naman sa pag-aasikaso ng iba kong practical test para sa magaganap na coronation. Abala kasi silang tatlo kaya hindi ko nakausap o nakasalubong man lang sa arena.


"Cousin namiss kita, hays pasensya na hindi ako napunta sa arena."


"Ayos lang po."


"Hays kasalanan 'to ng lalaking 'yon. Sa dinami dami ng araw na pepwede ngayon pa talaga."



"Sino po?"



"Ah wala haha. Oo nga pala pwede mo ba akong samahan magdinner ngayon?"
Nilingon ko si Mr. Yong at si Hanz na nasa likuran lang namin ni Gene.



"You have a dinner meeting with Duchess Eve in seven in the evening."



"Ganun ba? Sayang naman, ahm let see ano pa ba ang gagawin ko?" Tiningnan ko ang screen ng phone ko. Nakakapagtaka dahil wala kahit isang message or email akong natanggap ngayong araw mula sa Pilipinas maging kay Jeyya na secretary ko.




"Alam ko na! Samahan mo na lang ako sa estate ni Mama tutal seven pa naman ang dinner meeting mo with her. What do you think?"



"You have no appointment right now your highness."


"Yes, finally masosolo ulit kita hays." Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Kung noong nakaraang araw nagpaschedule siya ng dinner with me exact seven ngayon naman gusto na naman niya akong kasama.



Hindi ko alam kung anak ba talaga siya ng Tita ko o hindi, ibang iba kasi ang ugali ni Gene sa Duchess. Kakakilala lang namin noong nakaraang araw pero sobrang close na agad niya sa akin, panatag naman ang loob ko kasi may anak si Duchess Eve na katulad ni Gene na parang si Shaine lang din. In fairness maalam din siya magtagalog, mas magaling pa siya kaysa kay Shaine at kay Krish, halos alam niya ang mga slang words na nasasambit ko kadalasan kaya hindi ko na kailangan magpaliwanag pa at hindi ako mano nosebleed sa kanya.



.

.

.

Isang oras naming nilibot ang estate nina Duchess Eve dito sa Riandorr, halos kasing laki ito ng mansion ni Shaine sa Cratemia. Hindi ko na kailangan pang magtaka dahil noble sila dahil sa asawa ng Duchess na si Duke Vergel.

"Alam mo bang matagal na kitang gusto masolo. Ito kasing si June at Shaine ayaw akong bigyan ng appointment sa'yo, lalo na si Papa."


"Bakit naman po gusto mo akong masolo?"


"Kasi ang sabi ni Shaine mahirap ka daw pakisamahan kaya gusto kong malaman kung totoo ba 'yon."


"Ano po?"


"Teka huwag ka ngang gumalang sa akin. Mas matanda ka pa sa akin ng isang taon, kaya hindi mo na kailangan mag po at opo, okay?"



"Okay, pero anong sabi mo kanina? Mahirap ako pakisamahan?"



"Oops haha, sorry."


"Is it true?" Seryoso kong tanong sa kanya.


"Sorry, but yes its true. Sinabi ni Shaine ang bagay na 'yun. I think that time nasa Amanpulo kayo, and she mean it but she's happy ng sabihin niya 'yon."


"Bakit naman?"


"Kasi akala niya, isang mahiyain, inosente at easy going kang tao. Ayaw niya kasi ng ganung pinsan, kaya tingnan mo ako walang hiya hahaha." Natawa na lang ako sa sinabi niya.



"But seriously I'm happy that you're hard headed too like me. Pero inosente ka pa sa ngayon."


"What do you mean by that?"


"Sa pamilya kasi natin walang mahina, what I mean is nasa dugo natin ang matapang, matalino, madiskarte, matigas ang ulo, may solusyon sa bawat problema at hindi emosyonal na tao."




.

.

.

Nakangiti akong bumalik sa palasyo kasama si Mr. Yong at si Hanz, ang dami kong nalaman at natutunan kay Gene ngayong araw.

Matigas din pala ang ulo ng babaitang 'yon haha.


"Miss Bautista alam kong nag-aalala ka din, lalo na kapag nalaman ito ng Prinsesa." Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ang boses na iyon.



"Hindi po ba talaga natin sasabihin sa kanya ang tungkol sa Mama niya sa Pilipinas?"



"Not now Miss Bautista, she need to focus for the incoming coronation. Ayaw kong maging selfish but this is for her own good."


"Okay po, masusunod po your grace."



"Thank you, ako mismo ang magsasabi sa kanya tungkol sa bagay na ito."



"Masusunod po."



"Sige na, bumalik ka sa kuwarto mo. Pabalik na din ang Prinsesa mamaya."

I was just standing in the hallway when I heard those things, I knew the owner of those two voices. I stepped back on my feet to get away from the hallway and exit the palace.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now