Chapter 2

203 149 75
                                    

Sayote

“Pasensya na, kanina ka pa ba?”

Agad na umiling siya kay Maggie na habol pa ang hinininga at bakas ang pagod na sumalampak sa sofa sa loob ng club room nila.

“Kararating ko lang din naman.” aniya.

“Tse. Wag ka ngang sinungaling.”

Tinaas nito ang braso at tiningnan ang pambisig na relo.

“Ten minutes. Late ako ng ten minutes.”

“Saan ka ba kasi galing? Kanina pa yang si Kate dito.” sagot ni Shalom na busy sa papel.

“Yung recorder kasi biglang nawala sa bag ko. Akala ko nasa locker pero nung balikan ko wala naman dun, yun pala tinago nung ungas na Rico na yun!”

Pareho silang napabungisngis ni Shalom. Tatlo lang silang nandoon may klase pa ata ang iba.

“Ba’t di mo na lang kasi sagutin yun.” tukso niya.

“Hoy, pasmado yang bunganga mo. Anong pinagsasabi mo diyan, baliw.”

Inirapan sila nito saka tinungo ang locker at kinuha ang notebook at ilang gamit na kailangan nito sa interview.

“Sus. Alam naman kasi nating lahat na kaya nagpapapansin yang si Rico kasi may gusto nga sayo.”

Malakas na sinara nito ang locker.

“Pwes hindi ko siya gusto no!”

“O, sa kaniya mo yan sabihin ng magkaalaman na.”

“Hindi ko siya kakausapin! Asa siya.”

“Uy, ayaw komprontahin. Gustong gusto mo din ata ang binibigay na atensyon-hmp!”

Tinakpan nito ang bibig niya at hinigit papalabas. Kita niya ang pamumula ng pisngi nito sa sinabi niya.

“Shut up! Alis na nga tayo. Bye Shalom!”

Hindi na siya nakalingon pa sa babae para magpaalam dahil tinulak na siya ni Maggie palabas. Natawa siya ng kaunti. Buti na lamang at hawak na niya ang camera kanina habang nag-uusap kaya di na niya kailangang bumalik. Yun lang din naman ang kelangan niya.

“Ikaw talaga. Pasmado yang bunganga mo.”

Napatalon siya nung kinurot siya nito sa tagiliran habang papasok na ng gymnasium. Tunog ng spike ng mga sapatos at takbuhan ang bumungad sa kanila.

“What? Totoo naman a. Ikaw tong manhid para hindi mapa—aray!”

Nasapo niya ang ulo ng may tumama sa kaniyang matigas na bagay. Agad na dumalo sa kaniya ang kaibigan.

“Kate! Okay ka lang ba?”
Umalingawngaw ang pito sa loob.

“Eliseo! Anong klaseng pasa yun!?”

May narinig siyang pagtakbo papunta sa kanilang pwesto.

“Miss, okay ka lang ba?”

“Sorry Coach. Napalakas lang.”

Isang tinig na pamilyar sa kaniya ang nagtulak sa kaniya para iangat ang nasaktang ulo. Nilagpasan niya ng tingin ang isang player nasa harap niya at dumiretso ang tingin sa tangang may gawa nun sa kaniya na walang iba kundi yung Sayote kahapon.

Nang magtama ang tingin nila ay kulang na lang patayin niya ito sa sama ng tingin na pinupukol dito. Mas lalo pang uminit ang ulo niya ng nginisihan pa siya nito imbes na humingi ng pasensya.

“Sige na. Fifteen minutes break muna kayo. Clavius!” kita niya ang pagsenyas ng Coach ng mga ito kay Clavius at tinuro sila ni Maggie. Tumango lamang ang lalake.

Lovebug AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon