"LUMISAN NA PAG-IBIG"

54 8 0
                                    


Tanda ko pa ang nakaraang pagsasama.
Masasabi ko na tayo nama'y lumigaya.
Pero hinayaan puso mo'y mahulog sa iba.
Nagtatanong, bakit mo ito sa'kin nagawa?

Tanong ko lang sa'yo, ayaw mo na ba?
Sabihin mo sa akin ng diretso't harapan sinta.
Sabihin mo ng nakatingin ka sa'king mga mata.
Matatanggap ko kahit na ito'y napakasakit pa.

'wag mo nang itago ang iyong nararamdam.
Sa'yong pagbabago ng ugali, 'wag mong idaan.
Hindi naman ako manhid para 'di ko maramdaman.
Alam ko pag-ibig mo sa akin ay tuluyan ng lumisan.

Ang sakit ng pakiramdam na ako'y nagtangatangahan.
Kunwari walang napansin na pagbabago sa'yo mahal.
Kunwari itong relasyon natin tulad pa rin ng nakaraan.
Nagbabakasakali mabalik ang dating pagmamahalan.

Anong bang mayroon sa kan'ya na wala sa'kin?
Anong bang kaya niya na hindi ko kayang gawin?
Hindi pa ba sapat sa'yo ang lahat aking pagtitiis?
Wala na nga ako nagawa kung hindi magtangis.

Pero 'di ko na kaya, 'di ko na kayang magkunwari pa.
'Di ko na kayang itago sa loob ang aking nakikita.
Lalong ayaw ko na ring maging pabigat sa'yo sinta.
Ayaw kong maging pabigat sa tunay mong ligaya.

Kahit ilang beses mo pa itong pagkaila.
Kinukubli mo man ito sa mga huwad mong tawa.
nakikita ko pa rin sa'yong mata na wala ng saya,
bawat minuto na ako ang iyong kasama.

Tanong ko ulit sayo, kulang pa ba ako?
Kulang pa ba ang pag-sintang binigay sayo?
Hindi pa ba sapat na minahal kita ng totoo?
May mali ba para iparamdam mo ang mga ito.

Iiwan kita para hindi na ako masaktan.
Dahil alam kong puso mo may ibang laman.
Ilihim man kusa pa rin itong nararamdaman.
Kaya ngayon bibigyan na kita ng kalayaan.

Napakasakit na ako ay iyong pinagtaksilan.
Marahil nga hindi ako sapat na kasintahan.
Siguro nga kailangan na kitang pakawalan.
Dahil nakatirik sa'king puso iyong kamalian.

Matatanggap ko kung ikaw ay mawala sa akin.
Kaysa ako ngang iyong kasama pero ibang iniisip.
Magpapaubaya kung siyang nagbibigay sayong aliw.
Tandaan minahal kita higit sa aking buhay, giliw.

POETRY: IT'S ABOUT US AND OUR HEARTS Where stories live. Discover now