WALANG KWENTANG KAIBIGAN!

311 8 3
                                    

Kaibigang walang kwenta!
Iyan dapat ang itawag sa kanila!
Kilala ka 'pag may kailangan sila,
Pero kapag wala na..sino ka na nga?

Sa pagsusulit,paulit-ulit ka nilang iistorbohin,hanggang sa sagot mo'y tuluyan mo ng sabihin .
Paulit-ulit ka nilang kukulitin,tutuksuhin at aasarin.
Ni wala manlang paki,kung nakakasakit na ng damdamin.

Palagi kang hihingian,
Kahit bulsa mo'y wala ng laman.
Sila yung mahilig mamburaot,
Pag dimo nabigyan,sila pa nakasimangot.

Akala mo kung sinong matalino
Kung magyabang kala mo walang zero.
Pero kapag may pagsusulit
Asahan mo, maya't maya yan kakalabit.

Sila kapag nasasaktan,
Andyan ka para sila'damayan .
Handa kang mabasa ng luha,
Gumaan Lang pakiramdam nila .

Handa kang makinig,
Handa kang umintindi,
Handa kang magbigay ng payo,
Kahit alam na sariling, hindi nila gagawin 'to.

Minsan nakikita mo ang sarili bilang anino.
Para kang buntot ,na laging nakasunod.
Na andyan ka palagi, para samahan sila,
Kahit pa hindi nila nakikita na mayroon ka ring halaga.

Nung minsang ikaw ang nasa pighati, palagi kang nasa tabi.
Palagi kang nag-aantay kung meron bang tatabi..
Umaasa na sana may makasama
Na kahit papano'y may mapagsabihan ng nadarama.

Pero.. wala ni isa.

Akala mo nandyan rin sila para saiyo..
Na handa ka ring damayan, pag nag-iisa ka na.
Pero mali,dahil nandyan lang sila ,pag kailangan ka na nila..at hindi kung kailangan mo na sila.

*******
#selenopoem
Date made; April 19,2020

SelenoPoems | Book Of Poems #1[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon