Chapter Thirty-Two (First Trimester)

Start from the beginning
                                    

"Wala," 'yon lang at umalis na ito.

Napapalatak na lang si Philcan. Bumaling ito sa kanya.

"Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita," nakangiti ito sa kanya.

"Pansit Luglog,"

Kumunot ang noo nito, "Ano 'yon?"

"Basta, kunin mo lahat ng ingredients na sasabihin ko,"

"Omega!" sigaw nito. Tinakpan niya ang tainga.

"Hinaan mo naman ang boses mo,"

"Sorry," dumating ang tinawag nitong omega. "Dalhin mo sa'kin lahat ng ingredients na sasabihin ng Apolectus Unum,"

"Opo,"

Kala pa naman niya ito ang kukuha, 'yon pala iuutos din. Ano pa nga bang aasahan niya sa mahal niyang philetor. Sinabi niya na lang lahat ng ingredients.

Pagkakuha ng mga ingredients na sinabi niya, hindi niya inaasahang ito ang gagawa ng sinasabi niyang pansit luglog. Nakaupo lang siya at mataman itong tinitingnan sa pagluluto. Pinakikinggan lang nito lahat ng instructions niya. Ang sexy talaga nito. Grabe lang.

"Alam kong sexy ako," ay shit. Narinig ba nito ang naisip niya, "Ano nang next?"

"Ihalo mo na itong shrimp juice, at ang kapal talaga ng mukha mo, sexy daw!"

Ngumisi ito, sinunod nito ang sinabi niya, "Kung hindi ka lang buntis,"

"Ano?"

"Wala, tanong ko nga si Avunculus kung..,"

Pinutol niya ang sasabihin nito, "Hindi p'wede, nabasa ko na hindi p'wede," pagsisinungaling niya dahil alam niya naman ang totoo.

"Weh? Di nga?"

"Yong niluluto mo, 'yan ang pagtuunan mo ng pansin hindi kung anu-ano,"

"Yes kleinos!"

Nang matapos si Philcan sa pagluluto tinikman agad nito ang niluto. Nakita niya ang pag-iba ng mukha nito hindi maitimpla iyon. May palagay siyang pangit ang naging lasa ng niluto nito.

"Mukhang may nakalimutan akong ingredients, ulitin ko na lang, h'wag mo ng tikman ito,"

"Hindi, titikman ko, akin na, ang dami ng niluto mo oh, masasayang lang,"

"Okay lang, baka mas lalong bumaliktad ang sikmura mo, itatapon ko na lang,"

"H'wag! akin na nga," nagsandok na siya, "mukhang okay naman ah," napangiwi ito ng tikman niya. "Masarap naman ah," sumubo ulit siya.

"Sure ka? kung napipilitan ka lang, maiintindihan ko naman,"

"Hindi 'no, masarap talaga," sunod-sunod na ang ginawa niyang pagsubo.

Nagtataka si Philcan dahil sarap na sarap siya. Mukhang bumalik na ang appetite niya dahil sa luto nito. Luto lang pala nito ang makakapagpabalik sa gana niya sa pagkain.

"Kumain ka rin," yaya niya.

"Ah, no, I'm good, busog pa ako,"

"No, kumain ka," siya ang sumandok ng kakainin nito.

"Tama na 'yan, okay na 'yan," pigil nito sa pagsasandok niya.

"Okay sige, go! kain na," nakita niyang kumain ito ng konti at mabilis na nilunok at mabilis ding uminom ng napakaraming tubig.

Hinayaan niya na lang ito sa kung anong trip nito. Nagpatuloy na rin siya sa pagkain.

Habang panay ang kain niya dumating si Cerus, ikalawang sandok niya na iyon, si Philcan naman ay hindi pa nangangalahati ang pagkain nito pero ubos na ang tubig sa pitsel na hawak nito.

"Hello! Lovebirds! Narito na 'yong magchecheck kay Abby, naghihintay siya sa may living room. Uy.. Ano 'yang kinakain niyo? Mukhang masarap,"

"Pansit luglog, luto ni Philcan, teka kain ka," nagsandok rin siya para kay Cerus.

"Nagluluto ka pare? hindi halata,"

"Ngayon lang," tipid na sagot nito.

"Ang sarap nga eh, tikman mo," inilagay niya ang plato sa harap nito.

"Kinacareer talaga ang buhay may asawa," sumubo ito pero nagulat siya ng bigla na lang iluwa nito ang pagkain,"Pwee..ano 'to lason?"

Binatukan niya ito, "Lason ka r'yan kung ayaw mong kainin, eh di h'wag, ako ang kakain niyan," pinupunasan pa talaga nito ang dila at uminom ng napakaraming tubig.

"Sorry, Abby, pero..," tiningnan nito si Philcan, kung nakamamatay man ang tingin deadbol na itong si Cerus sa mga titig ni Philcan.

"Mamaya kakain ulit ako pagkatapos ng check-up ko, ipatago mo na lang muna," tumango na lang si Philcan, binalingan niya si Cerus, "Ikaw h'wag ka na ulit kakain dito,"

Nagmartsa na siya palabas ng kusina.

"Nakain niya 'to pare?!"

"Oo,"

"Sa susunod pare na gagawa ka ng lason abisuhan mo ako,"

"Gago!"

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now