Shot! Shot! Shot!
Sigaw ng mga kasama sa karaoke room. Natatawa namang aabutin ni Seulgi ang shot ng alak pero may kamay na pumigil sa kanya at inagaw ang shot glass na nasa kamay at dineretsong inom ang laman nito, si Jinyoung.
Katabi nya ang binata habang nakapaikot silang upo halos nasa sampu sila sa tingin nya na kasali sa larong sinimulan ni Jackson, walang kamatayan na spin the bottle at truth or dare. Syempre pag hindi nakasagot o hindi nagawa ang dare makakaisang shot ka.
Alam ng mga kaibigan na nahihilo na sya, dahil hindi nya rin alam bakit napaaga ang simula ng inuman sesh nya, kaya’t ang binigay sa kanya na dare ay balansehin ang baso na may lamang tubig habang diretsong naglalakad na hindi nya nagawa.
Napatingin sya kay Jinyoung at ramdam ang madilim na aura na bumabalot dito. May problema ba sya? Bakit nya kasi ininom yung para sakin? Tss.
Lumingon pabalik sa kanya ang lalaki at binigyan nalang ito ni Seulgi ng ngiti. Nakatanggap naman sya ng kurot sa pisngi pabalik.
Jinyoung: Sinabi kong tama na sa pag-inom.
Seulgi: Pero hindi pa naman ako lashing.
Jinyoung: Lashing ha. Lasing ka na nga.
Seulgi: Hehe, ikaw ata yung lashing ang touchy mo. Ganun ba ako ka-cute.
Seulgi places both of her hands on her chin copying a flower pose which made Jinyoung smiles. Iniwas nya ang tingin sa dalaga dahil baka hindi nya mapigilan na kurutin muli ang pisngi nito. Dumiretso ang tingin ng binata sa pintuan kung saan papasok si JB.
Jinyoung: JB!
Pagtawag nya ng pansin sa kaibigan. Lumapit din naman agad ito sa pwesto nya at umupo sa kanan nya habang si Seulgi naman ay nasa kaliwa. Almost everyone in that circle’s attention is at Jaebeom’s. Jinyoung’s certain JB is drunk, he reeks alcohol.
Jackson: Uy sakto! Kakatapos lang ni Seul errr- Jinyoung mag shot. Okay, start na ulit.
Pinaikot na muli ni Jackson ang bote.
Seulgi: Pag ako ulit ‘yan napaka swerte ko naman ngayon gabi hehe
Bulong ni Seulgi pero narinig ito ni Jinyoung na nakapagpatawa sa kanya, Seulgi’s becoming cuter when she’s drunk. He’s enjoys looking at her at this state, pero hangga’t maaari ay ayaw nya na ito painumin. Tumigil ang bote sa harap ni Joy. Napabuntong hininga si Seulgi.
Jackson: Oy nice! Sooyoung! Truth or Dare?
Joy: Truth! Nahihilo na ako gumalaw. Please.
Jackson: Sino magtatanong?
Agad agad namang nagtaas ng kamay si Seulgi na akala mo’y nasa recitation.
Seulgi: Ako! Ako! Joooooy haha isipin natin na wala kang gusto sa kuya ko ha kunwari lang wala kang gusto...
Namula ang mukha ni Joy. Seulgi! Ang daldal mo talagang babae ka pag nalalasing. Kelangan ba ilantad ang impormasyon na yun?
Seulgi: Sa loob ng kwartong ‘to. Sino yung jowable? Yung sa tingin mo magugustuhan mo kung nagkataon lang na di mo gusto si kuya ngayon ha hehe
YOU ARE READING
Aeipathy: Restricted Chapters
Romanceᴀᴇɪᴘᴀᴛʜʏ Aeipathy is the prequel for my first Jaegi AU on twitter, Serendipity. Training, that's what Seulgi wakes up to everyday. To be an idol is what she's working hard for years. Take a glimpse of her life, the relationships and everything in be...
