Nang matapos ako roon ay babalik na sana ako sa loob nang makita ko si Render na nasa may papasok ng gubat. Mabilis akong lumapit sa kaniya.

"What are you doing?"

Tanong ko.

Halatang nagulat si Render at saka mabilis na inilagay ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang likuran. Mas nagtaka ako dahil doon. Nangunot ang aking noo at sisilipin sana ang kung ano mang itinatago niya pero mabilis siyang umiwas.

"Ano 'yan, Ren?" seryoso kong tanong.

Nanlalaki ang mata niya na umiling. Umatras pa siya ng bahagya. Umabante naman ako at s'ya naman ay umiling ulit.

"W-wala ito!" depensa niya at muling umiling.

Saglit ko pa siyang pinakatitigan bago sinulyapan ang bulaklak na kanina pa niyang pilit na itinatago. Tumango ako kalaunan at saka lumingon sa bahay.

"Anong mayroon? Bakit sila narito?"

Pag iiba ko na lang ng usapan at saka ako naupo sa malaking bato na nasa gilid. Mabilis naman na sumunod sa akin si Render at tumayo sa aking harapan. Nakatago pa rin ang bulaklak sa likuran.

Binata na si Render.

"Ah. Ang alam ko ay araw daw ng mga puso kaya rito naisipan na mag date ng mga mag aasawa," he replied and nodded. Trying to convince me more. Mas itinago ang bulaklak.

Tumango na lang din ako dahil hindi ko naman alam na may pakielam pa pala ang mga tao sa araw ng mga puso. Add the fact that we're old for that already.

Or its just me.

I'm turning twenty nine and yes I think I'm too old for that already.

Pinanood ko ang mga bata na nagtatakbuhan ngayon sa bakuran. May dalawang babae at tatlong lalake roon.  Ang isang babae na mukhang amerikana ay tahimik na nakaupo at mahinhin na nakikitawa sa mga kalaro. Halatang mas maedad ang... isang pares ng kambal.

Dalawa kasi ang kambal sa mga bata. Ang isang kambal ay kapwa lalake habang ang isa naman ay babae at lalake. Halatang iba ang magulang noong isang babae. Lahat sila ay kakaiba ang mga hitsura at mga mukhang mayayaman.

Hindi ko alam na mahilig pala sila sa kambal. Kahit kasi si Kuya ay kambal din ang anak.

Kung ako ay mas pipiliin ko na lang ang walang anak kaysa idamay pa sa problema ko. Mas ayos na aking mag isa sa buhay para wala na akong maulila pa kung mamatay na ako.

Kung tutuusin ay swerte na ako dahil ilang taon na akong confirmed na may sakit pero buhay pa rin ako. Karaniwan daw kasi ay hindi nagtatagal ang tulad ko na may sakit na Alzheimer's.

Mas ayos na nga sa akin ang narito sa MeiLo. Malayo ako sa mga mahal ko sa buhay. Less grieve, less burden.

Matapos ang saglit ko pang pananatili sa harapan ni Render ay umalis na rin ako dahil baka tuluyan nang nagkagulo ang dalawang bata sa kusina. Baka pati maudlot pa ang pagdiskarte niya sa kung sino mang pagbibigyan ni Render ng bulaklak. Ako pa ang masisi.

Dala ang basket ng basura ay dumaan ako sa likuran ng mga batang naglalaro. Lalagpasan ko sana iyon kung hindi lang ako tinawag noong isang babae na bata.

"Hi, Tita Shawny!"

Bati niya sa akin at saka pumunta sa aking harapan. Nagulat pa ako nang magmano ito sa akin.

"I'm Ree po. Anak po nila Papa Astrid at Papa Reego. Inaanak n'yo po ako," she smiled at me.

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko at saka tumango. Nag iwas ako ng tingin. Nakita ko na palapit na rin sa amin ang iba pang bata. Sila Payton naman ay nakatingin na sa amin.

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDWhere stories live. Discover now