Sanctum 1

41.8K 29 0
                                        


Sa mundong ibabaw, hinde natin maiisip na lahat ng bagay ay kaya nating unawain, na lahat ng bagay ay kaya nating ipaliwanag. Minsan, may mga bagay talagang hinde na kailangan ng kasagutan. Ang kailangan lamang ay ang pag unawa at respeto.

Nagsimula ang lahat sa isang krimen.

Natagpuang isa nang malamig na bangkay ang binatang si Arnold sa kanyang silid matapos marinig ng kanyang mga magulang ang kanyang nakakatindig balahibong mga daing at sigaw. Nang mabuksan nila ang pinto ng silid ay napakalamig sa loob na animo'y nasa loob ka ng refrigerator. May lumalabas pang usok sa mga bibig nila nang pasukin ang madilim na silid. Binuksan nila ang ilaw pero hinde ito gumana at nang gamitin ang kanilang cellphone ay tumambad ang nakakakilabot na itsura ng binata. Nakanganga ito at kunot ang expression ng mukha na parang nakakita ng nakakakilabot na bagay. Wala na itong mga mata at ang dila nya ay hinila.

(Please read Sex Scandal short story for further info about what happened.)

Nang dumating ang mga pulis at detectives, hinde nila maipaliwanag ang kanilang nakita. Kinakausap ng kapulisan ang mga magulang ng bata at napapa iling nalang si Detective Aguila. Dumakot ito ng sigarilyo at nagsinde. Sa edad na 45, marami nang nakitang nakakatakot na mga bagay si Det. Randy Aguila. Mga bagay na gawa ng tao.

"Anong problema Randy? " lumapit ang partner nitong si Detective Orly Bernabe, edad 47 at matagal nang partner ni Randy.

"Alam mo pre, ang dami ko nang nakitang mga bagay na hinde makakayanan ng sikmura ng sino mang may normal na pag iisip. Pero ito? Kakaiba ito sa lahat."

"Paanong kakaiba? " kumuha din ng sigarilyo si Orly at nakisinde kay Randy.

"Isipin mo nga, kitang kita kung anong nangyari sa bata. Pero bakit ni isang bakas ng taong pumasok ay wala tayong makita."

"eh baka magaling maglinis ng prints ang pumatay."

"Orly, sino ba namang tarantado ang papatay ng batang yan kung ang skills ng pumatay eh pang professional."

"nasa initial phase palang naman tayo ng imbestigasyon pre. Bigyan mo ng kaunting panahon, may makukuha din tayong leads."

"ayokong maging cold case ito pare."

"wag ka mag alala, gagawin naman natin ang makakaya natin." Tinapik ni Orly ang balikat ng kaibigan. Nakita naman ni Randy ang isang babaeng patrol officer na hawak ang laptop ni Arnold. Nilapitan nya ito.

"Ako na iha." Wika ni Randy.

"ah sige po sir." Inabot ng babae ang laptop na nakalagay sa isang silyadong supot.

"Ano gagawin mo dyan? " tanong ni Orly.

"Ano pa, edi ibibigay ko sa computer wiz natin. Baka may makita tayong clues dito." Nilapitan ni Randy ang mga magulang ni Arnold.

"mam, ser, may password ho ba ang laptop ng anak nyo? "

"meron po kaso di po namin alam." Sagot naman ng ina.

"ser, tulungan nyo po kaming ma solve ang nangyari sa anak namin." Mangiyak-ngiyak naman ang ama ng biktima. Tumango lang si Randy at tinapik ang balikat ng ama ng bata. Nagkatinginan si Randy at Orly at sabay pumasok sa silid.

Siniyasat ulit ni Orly ng maayos ang silid. May ilan nang mga crime scene tags sa lugar pero nag double check ulit ang imbestigador.

"Orly, ramdam mo ba ang lamig dito? "

"Oo pre. Ang lakas naman magpa aircon ng batang yan."

"Yun nga Orly eh. Walang aircon dito."

Natigilan si Orly at ginamit ang flashlight para maghanap ng aircon pero walang makita. Sinubukang buksan ni Randy ang ilaw pero di parin gumagana.

TOTOTDonde viven las historias. Descúbrelo ahora