Chapter Thirty-One (A grand adventure is about to begin)

Start from the beginning
                                    

"Salamat," iniwan na ulit siya nito.

"English," sabi niya. Siguro naman alam ng eye glasses na ito ang english. Kapag nagkataon wala itong silbi.

Sure ka 'te?

Oo, ba't ka ba nangingialam?

Concern lang ako sa'yo. Baka kasi magka internal hemorrhage ka.

Kaya ko 'to. Go away, you're getting into my nerve!

Wow. Ulitin mo nga.

You're ahm  ..Pass!. Umalis ka na nga.

Nang tingnan niya muli ang mga e-books. Naka-english version na ang mga ito. Grabe, bilib na talaga siya sa kakayahan ng mga Xygus.

Try niya nga 'yong language ni Daenerys Targaryen sa Game of Thrones. "Valyrian," ay shocks galing naman kahit fiction lang 'yon. "Yong language na ginagamit ng mga elves nga, Elvish," ay naniniwala na talaga siya. Dahil sa hindi niya naman  maintindihan, "English na nga ulit,"

Marami siyang nakitang mga interesting na babasahin tungkol sa pagbubuntis. Iniscan-scan niya ang mga ito. Ang iba ay may mga picture pa na parang totoo talaga. Shocks. Gumagalaw. Harry Potter ba ito? Naloloka na talaga siya. Ang may mga instruction ay nagkakaroon ng maliit na hologram kapag pinindot mo ang play button. Ah basta! high tech mahirap i-explain.

Bakit parang lahat ng may hologram ang pinili mo?

Ah basta mahirap i-explain!

Weh? Playing safe ka na naman, gusto mo lang n'yan kasi kapag hindi mo magets titingnan mo na lang 'yong video. Para kunyari naintindihan mo.

How dare you!

"Ay! Anak ng tinapa!" nagulat siya ng may bigla na lang may humapit sa baywang niya.

"Philcan?! H'wag ka ngang manggulat diyan! Alam mo namang bun..uhmm..wait..ahmm.mada..um.ming...naka.umm.tingin," hindi niya na matapos tapos ang sasabihin dahil panay na ang halik nito.

Hindi talaga nagpapigil ang loko-loko. Pulang-pula na tuloy siya.

"You look good with your glasses," sabi nito. "I missed you, uuwi na sana ako kaso wala ka nga raw d'on,"

"Sa susunod nga h'wag kang manghahalik na lang basta basta, nakakahiya, saka sa susunod h'wag mo na ulit akong gugulatin, alam mo namang buntis ako," eehh. Hindi talaga siya sanay na tinatawag na buntis. Nagmumukha tuloy siyang babaeng babae. Ew. Hahaha.

"Opo,"

'Yon lang, ang dami niyang sinabi ah. Binatukan niya ito.

"Aray!" ngayon ay nasasaktan na talaga ito sa batok niya simula ng mag-undergo siya ng training.

"Why did you do that?"

"Wala lang,"

"Lagot ka talaga sa akin, alam mo bang maraming nakakita sa'yo at alam mo bang ikaw lang ang nakakagawa no'n sa Alpha nila,"

Bigla siyang nagpalinga-linga, mga beta nito lang naman ang naroon kasama ng mga beta na nagbabantay sa kanya. Nagtitingin din kunwari ng mga babasahin. Nand'on rin pala ang mga babaeng nagbabantay sa book store.

"Sorry," sabi niya na lang.

"Just kiss me and you will be forgiven,"

"Eh..," nahiya na naman tuloy siya. Wala na siyang nagawa ng halikan na naman siya nito. Hay naku.

"Gross! Pati ba naman dito Philtot, sersly? Buntis na kinakana pa! Get a room!" alam niya na kung sino ang istorbong iyon.

Nagbitiw na siya sa pagkakayakap ni Philcan. Nakita niya ang nakangising si Cerus katabi nito si Zion.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now