Chapter 1

8 0 0
                                    

Belle's POV

Andito ako ngayon sa tinatawag kong tambayan. Isa itong tree house na gawa namin ng uncle ko. Pumupunta ako dito whenever I'm feeling lonely, sad, happy, or kaya naman may malalim na iniisip. Super relaxing kasi ng view dito kaya nakakalimutan ko lahat ng mga problema na iniisip ko. Ineenjoy ko ngayon ang magandang tanawin nang mahagip ng mga mata ko yung lalaking nabangga ko. He's sitting at the bench malapit sa tree house. Nakayuko pa rin siya and I know na umiiyak pa rin siya dahil kapansin-pansin ang paggalaw ng shoulders niya. Umiiyak kaya siya dahil nabangga ko siya?


Σ( ° △ °|||)???


Ang OA naman niya kung ganuon nga. Humiga muna ako sa sofa dito sa tambayan dahil nakaramdam ako ng pagod kahit wala naman akong masiyadong ginawa today.Maybe I'm just tired of thinking about things. I gradually closed my eyes and fell asleep.

Nagising ako bigla when I heard my phone ringing. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago ko tignan kung sino ang tumatawag.

~~~mommy calling~~~

"Hello mommy" I said while yawning.

"Baby asan ka na? Kanina pa kita tinatawagan but you're not answering your phone. I'm worried."

"Sorry po. Nakatulog po kasi ako dito sa tambayan. Don't worry mommy uuwi na po ako."

"Okay. I'll wait for you. Ingat sa pag-uwi. Ipinagluto nga pala kita ng favorite mo kaya dalian mo na at baka lumamig pa ito."

I smiled when I heard na ipinagluto ako ni mommy ng favorite ko.

"Yes mommy! Bibilisan ko na pong umuwi. Bye na po!"

I hang up the phone at nagmamadaling umuwi. Hindi ko na nakita si kuyang nabangga ko, for sure umuwi na yun. Hapon na pala ako nagising . Nang makarating na ako sa bahay, sinalubong ako ni mama. Maid namin siya but I prefer to call her mama dahil siya ang nag-alaga at nagpalaki sa akin kasama ni mommy.

"Hi mama!" bati ko sabay yakap sa kaniya.

"Saan ka ba nag-sususuot bata ka! Kanina pa kami alalang-alala sayo. Susmaryosep akala namin kung napaano ka na."

"Sorry na po ma. Nakatulog po kasi ako doon sa tree house eh. Promise po hindi na mauulit." malambing na sabi ko

"Ikaw talagang bata ka---"

"Kumain na po ba kayo?"pag-iiba ko sa usapan dahil for sure sesermonan na naman niya 'ko.

"Aba'y hindi pa nga dahil inaantay ka namin ng mommy mo. Halika na't pumaroon na tayo sa kusina para kumain. Kanina pa nag-aantay sa iyo dun ang mommy mo."

Pagkarating namin sa kusina, agad akong humalik kay mommy.

"Good evening mommy,tara kain na tayo!"masayang sabi ko.

Pagkatapos mag-dinner, nag-paalam si mommy na may important meeting daw siya. Hinugasan ko muna ang mga pinag-kainan namin bago ako umakyat sa room ko. Kahit may maid kami, pinipili ko pa ring tumulong sa bahay kapag wala namang masiyadong gawain sa school. Pagkarating ko sa kuwarto, sinalubong ako ng alaga kong pusa. Napulot lang namin siya ni mommy sa daan so I decided na ampunin nalang siya.

"Hi Kumori!" bati ko sa alaga kong pusa.

Pinakain ko siya atsaka nagsimulang mag-kuwento.

"I met a guy earlier. I don't know why but I could feel na may mabigat siyang pinagdadaanan"

"..."

"Sobrang lungkot ng mga mata niya and hindi matigil ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Ano kaya sa tingin mo ang nangyari sa kaniya?"

"..."

"Haaay! Bakit nga ba sayo ako nagtatanong eh malamang hindi mo rin naman alam kung bakit hahaha."

Nag-shower muna ako atsaka natulog katabi si Kumori.

Zzzzzzz~~~

KINABUKASAN


Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. Nag-pray muna ako bago bumangon. Tamad akong tumayo at inayos ang bed ko tsaka inayos ang mga gamit ko sa school. After kong maligo bumaba na ko para kumain ng breakfast.

"Good morning mommy" bati ko sabay kiss sa cheek niya.

"Good morning baby. Kumain ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo."

"Okay po." I said tsaka ngumiti sa kaniya.

"How's your sleep?" tanong ni mommy bago kumuha ng bread at bacon.

"Okay naman po"

"Gagabihin ako ng uwi baby. Madami kasi akong kailangan asikasuhin sa company natin. I'm sorry talaga kung masiyado akong busy lately." paalam ni mommy

"Okay lang po mommy. I understand" sinsero kong sabi.

"Thanks baby! Babawi ako next time. Promise yan."

I just smiled at her and pinagpatuloy na ang pagkain. After kong kumain nag-paalam na ko kay mommy at mama na papasok na ko. Pagkarating ko sa school agad akong pumunta sa room ko at naupo sa unahan. Wala akong friends sa university pero kuntento na ko sa ganun. Hindi naman dahil sa hindi ako friendly sadiyang may malalim lang akong reason. Binabati ko din naman ang mga schoolmates ko pero kapag sila lang ang naunang bumati sa akin. Nagsitahimik ang lahat at alam ko na kung bakit. Dahil nandito na ang prof namin kaya naman nagsitayo na kami.

"Good morning everyone." bati ng prof namin.

"Good morning Ms. Sandoval."

"You may now take your seat"

Nagsiupuan na ang lahat at tsaka nagpatuloy ang prof. namin sa pagsasalita.

"Listen everyone! May bago kayong classmate sa subject ko. Treat him nicely."

"Yes miss!" we said.

"Iho, please come in" anyaya ni Ms. Sandoval habang nakatingin sa front door.

Dahan dahang pumasok ng room yung new classmate namin. Natigilan ako nang makilala ko kung sino ang bago naming classmate.


Siya yung nabangga ko!!!

"Hello everyone! I'm Kavin Abraham V. Nicolas. Nice meeting you all."

~~~~~~~~~~~

Author's Note:

Pasensiya na po sa mga grammatical errors hehe!!!

Love You UnexpectedlyWhere stories live. Discover now