AUTUMN MEETS WINTER ( XL )

Start from the beginning
                                    

"Mamaya ka na magpaliwanag. Sa ngayon, kailangan nating makaalis dito habang abala pa yung dalawa."

"Abala? Sinong dalawa? At bakit pala nandito ka?" sunud-sunod kong tanong habang tunatakbo kaming magka hawak kamay kasama ang iilang tauhan niya.

Para kaming nasa action-romance genre na movie. Ang pinagkaiba lang, hindi ako babae.

"Nigel kidnapped you, didn't he? So I made my way here to save you. I was trying to have a calm negotiation with him but then, hot-headed Quilo came and ruined it all! Good thing is that, while the two of them are busy fighting each other, I made my way out to find where Nigel had put you in. But I didn't expect you to be naked when I found you." may halong inis ang pagkasabi nito sa huli dahil naramdaman kong dumiin ang pisil niya sa kamay ko.

Uh-oh. Mukhang hindi maganda ang naiisip nito dahil sa nakita niya kanina.

"M-mali ang naiisip mo, Nigel! Mukha namang wala siyang ginawang masama sa akin. Iyon nga lang mukhang pinatulog niya ako kanina ng magpaalam akong uuwi na sana sa amin."

"Are you crazy?! Uuwi ka pa sa inyo matapos ng ginawa sa iyo ng gagong Quilo na iyon sa event kanina?!"

I don't know why I'm hurt sa sinabi ni Enix when he is just stating the truth to my face pero, well, kuya ko pa rin naman kasi ang sinasabihan niya ng hindi maganda.

"Enix, please. ." ang tanging nasabi ko nalang.

"He don't deserve you. Now is the time para ilayo kita sa kanya. I'd been waiting for this too damn long already."

Just as he finish his sentence, nasalubong namin ang mga tauhan ni kuya habang nasa likuran naman namin humahabol ang kay Nigel.

Anak ng tokwa!

Naglalaro ba kami ng tag or it?!

Sino bang hinahabol nitong mga ito? Kami? Si Enix? O ako?!

Bigla akong napatago sa likuran ni Enix habang nakapalibot ang iilan niyang tauhan sa amin at nakikipag barilan sa mga humahabol at balak na humarang sa amin.

Oh shoot. 'Ni sa panaginip hindi ko inexpect na malalagay ako sa ganitong sitwasyon.

Kung sabagay, expected na dapat ito dahil parte ako ng pamilya na kabilang sa black organization pero, shit! Never ko pang na experience ito. Just tonight!

"ARISTA!" malakas at magkasabay na sigaw nina kuya at Nigel mula sa magkaibanh direksyon.

Aalis sana ako mula sa pagkakatago sa likuran ni Enix pero pinigilan ako nito.

"D'yan ka lang sa likod ko." saad nito at para bang inayos ang hawak niyang baril.

"Let us go. You don't need him and he has nothing to do with any of you two." saad ni Nigel habang ang bawat tauhan ng isa't-isa ay naka freeze sa kanilang mga pwesto at nagpapakiramdaman kung kailan dapat magsimula ulit sa pagpapatayan.

Sobrang nahihiya ako sa nangyayari ngayon. Imagine, hindi babae ang pinagaagawan kundi isang hamak na bakla. Este, lalaki at birth.

Sa mga oras na ito, bigla kong naisip na si kuya ay parang si satanas na naghihintay sa akin sa impyerno para pahirapan ako ng walang hanggan. Samantalang si Enix ay ang diyos na walang hinangad kundi ang ikabubuti ko na siyang hinihintay ako sa langit. And there's Nigel na hindi pa talaga malinaw sa akin ang motibo kaya sabihin nalang natin ang purgatoryo.

"Are you sure, Enix? That he has nothing to do with me when we had sex earlier before you two ruined it all?" nakangising sabi ni Nigel.

Agad akong pinamulahan ng mukha sa sinabi niya.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Where stories live. Discover now