Chapter 2 - Liah's Past

9.3K 132 0
                                    

"Buti na lang biyernes ngayon." Sabi ni Franceska. Sa tinig ng isang lalaki. Napapangiti sila Yani at Liah sa kanya ng magsalita ito.

"Oh, ano nanamang kademonyohan yang naglalaro sa isip niyo ha?" Bahagyang pumiyok ang boses nito nang magkomento siya sa itsura nilang dalawa ni Yani at nagkatawanan na nga nang pumiyok siya.

"Ha! Ha! Ha! Grabe, pigilan pa kasi ang totoong kulay eh, ilabas na kasi yan. Wala naman tayo sa classrooms natin Francisco." Buska ni Yani kay Franceska.

"Tse! Haliparot na vaklush towh. Mamaya ka lang, wala kang libreng SMB saken. Chura nito. Hmp!?" Turan ni Fraceska na nakataas ang inahit na kilay nito, nanlalaki ang ilong at umirap pa.

"Oo, na... sorry na. Ang sensitive mo ngayon ah, meron ka ba?" Asar na binato ni Franceska ng blackboard eraser si Yani at natatawa na din.

"Teka lang, bakit ba ang saya niyo at biyernes ngayon? Nga pala Yani, etong bayad ko sa Pizza last week." Sabat niya sa dalawang  nag-aasaran na kaibigan niya.

"Ooops! Hindi yan ang gusto kong bayad. Alam mo  namang Friday ngayon eh. Gets mo?" Sasagot sana siya pero naunahan na siya nang pumasok na si Angel, isang co-teacher at kaibigan din nila. Sa kanilang magkakaibigan ito ang may mukha at height na pang modelo. Kahawig nito si G Toengie. Ewan ba nila kung bakit din a lang ito nagmodelo eh sa dami nang mga talent scout na gusto siyang kunin.  Rason nito, wala daw sa dugo niya ang maglakad lakad sa stage na halos wala nang saplot. May pagkamanang kasi ito sa taste ng pananamit.  Kaya madalas itong buskahin ni Franceska.

"Alam ko na kung anong ibig sabihin ni Yani. Lalabas tayo mamaya. Yes!" Sabi ni Angel.

"Abah! Nabuhay ang atique sa baul." Buska ni Franceska.

"Naman! Gusto kong sumama ngayon sa inyo."

"At why naman aber?" Yani.

"Gusto ko lang magcelebrate."

"Celebrate what Angel? Malayo pa birthday mo ah, sa isang taon pa. Mag o-octubre pa lang." Saad naman ni Liah.

Sumeryoso itong si Angel bago nagsalita.

"Let's just say, it's time na iwanan ko na ang lumang Angel. So, are we goin' out or what?"

"uhmmm..." Nag-iisip siya ng isasagot sa mga ito.

"May pasok pa ako eh, alam niyo naming last day ko na para sa defense, kaya dapat sulitin ko na ito di ba?"

"Sus! Pwede namang after ng klase mo eh." Komento ni Yani.

"Hoy, luka-luka! Alas otso pa labas nang lola mo. Pasara na ang mall, halllleeerrrrr...." Iiling-iling na sabi ni Franceska sa kanila.

"Eh, walang problema, mall lang ang nagsasara. Ang ibang kainan diyan sa haba ng ortigas, malate, at kung saang kalye ng buong Manila, bukas pa. Sunduin na lang natin siya after ng klase niya, para celebration na din ng kanyang tagumpay sa kanyang thesis na sa wakas eh matatapos na." Si Angel.

"Nga naman. Sabi nga, "Party's just starting at 10" di vah?" Si Franceska.

Nasa faculty room ang mga ito, at nag-aayos na ng kanilang mga gamit bago sila lumisan ng Eskwelahan. Sila na lang ang taitira sa office na iyon kaya ganun na alng sila ka-ingay. Kapag kasi lahat ng mga co-teachhers nila ay nandoroon, puro lahat sila ay pormal, manaka-naka lang silang nakikipagbiruan kasi nga'y mas senior sa kanila ang ilan doon, pero kapag si baklang Franceska na ang bumanat, napapangiti na ang mga ito. Inaasar na lang nila ito,  na kaya magaan ang loob sa kanya ng mga matatandang teachers ay dahil naka program na sa mga isipng mga ito na isa siya sa mga special children na tinuturuan nila. Kapag sinasabi nila yun, asahan mong nanlalaki na ang ilong nito sa asar.

Liah's DamonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon