Chapter 6

4.5K 111 0
                                    

"Samantha! Grabe, it's so nice to see you. Bakit ngayon ka lang? Sabi ni JD saken dapat kahapon pa kayo nandidito ni Fred." Tumayo si Liah upang salubungin si Samantha. Nung sila pa ni Damon, si Sam ang madalas na kahuntahan niya, magkaedad kasi sila. Damon's three years older than her.

"Yup, dapat nga kahapon pa, I still have last minute details na dapat kong asikasuhin sa office before ako pumunta dito. Alam mo naman ang trabaho at negosyo ko, a wedding planner and event coordinator, gosh! Wala sa hinuna ko na ganito pala kahirap at ka-hectic ang schedules." Napapalatak na himutok nito pagkatapos magbeso-beso sila ni Liah bilang pagbati sa isa't isa.

"Pero sa mga mata mo, alam kong nag-eenjoy ka at sa tingin ko, you're gonna plan your own wedding soon." Napapangiting komento ni Liah. Napatawa pa siya ng mahina ng makitang nagba-blush ito sa tinuran niya.

"Gosh, am I that obvious?" Natitilihang tanong nito.

"Yup. Obvious. Saw you kiss Fred." Kumento ni Nate na hindi naititnag sa kakabrowse nito sa kanyang laptop. Natawa pareho si Liah at Samantha sa tinuran ng bata. Lumapit si Samantha dito at hinalikan sa noo and playfully ruffledhNate's hair.

"Uhm... nice to see you too, auntie Sam." Sinabi pa nito sa walang kaemo-emosyong pananalita. Pero laking gulat nila ng biglang tumingin ito sa kanila at nag smile, saka ibinalik ang mga mata sa laptop. Parehong napapalatak ang dalawang dalaga. That's another development, sa isip ni Liah. In all, parang normal na bata talaga si Nate, walang problema o deperensiya. Hindi man niya aminin, napapalapit na ang loob niya sa bata.

"Wow! Mukhang ang dami nang improvement kay Nate ah."

"Kaya nga eh. He's something and a wonder." Proud na pagkakasabi ni Liah kay Samantha.

"You sound like you really like my nephew, o baka naman dahil sa trabaho at passion mo kaya ganun?" May paa-aalinlangnag tanong ni Samantha sa kaniya.

"It's more than a job Samantha, more than my passion. I don't know, parang may connection na kami agad ni Nate nung unang nakita ko siya sa school. He kind of reminds me of my brother."

"Your brother?"

"Yeah. I had a brother just like Nate. Bale kuya ko siya, unfortunately, maaga siyang kinuha sa amin. Unlike Nate, kuya Mahon has cerebral palsy." Malungkot na kuwento ni Liahona kay Sam.

"I-I'm sorry. You must miss him." Samantha said emphatically.

"Yeah, but I know that, kung saan man siya ngayon, he's a completely normal person, without ailments, without defeciencies. He's at peace."

"Kapag nga nakikita ko ang pamangkin ko, sobrang nagagalit ako sa ina niya. You should have seen kuya when..." Hindi na niya natapos ang sasabihin ng makita niya ang paparating na si Damon.

"Speaking of the devil..." Nanghihinayang na palatak ni Samantha. Kung naghihinayang man ito, ganun din ang nararamdaman ni Liah. Gusto niyang malaman ang lahat ng ugnayan ni Damon sa ina ng batang napapalapit nang husto sa kanya.

"Sam, hindi pa tapos ang usapang ito." May conviction na sabi ni Liah at hinawakan nito ang kamay ni Samantha at pinisil ng bahagya tanda ng pagpapahiwatig nito na gusto niyang malaman ang nakaraan. Tumango si Samantha.

"Okey, mag meet tayo mamaya after dinner. Eight o'clock sa patio." Inutukoy nito ay ang restaurant ng hotel na tinutuluyan nila. Tumango naman si Liah bilang pagsang-ayon nito.

"Hey ladies!" Si Damon na parang wala sa sarili na bati nito.

"Hey, yourself!" Sagot ni Nate sa kanya. Natatawa naman itong nilapitan ni Damon saka pabirong ginulo ang buhok nito at hinalikan sa noo.

"Hey, man. Looks like you've got burr on your pant's bottom."

"Nuh-uh!" Sagot nito na hindi pa din inaangat ang tingin nito sa laptop niya.

"Ha! Ha! Ha! Parang ikaw lang si Nate kuya ah. Tsk! Sobrang nakuha niya sa iyo ang ugaling yan na nakaiirita minsan sa iyo. But, in Nate's case, I find it... nice." Pang-aalaska nito sa kuya niya na ngayon ay magkasalubong na ang kilay sa tinuran ng kapatid, kaparehas ng kay Nate sa matinding concentration sa ginagawa naman nito.

"Oh, kitam?" Si Samantha.

"Hindi pa din kayo nagbabagong dalawa. Parati pa din kayong bangayan ng bangayan. Pero, gusto ko iyang relasyon ninyong dalawang magkapatid. Very close." Wala sa loob na sinabi ni Liah na alanganing ngumiti ng siya naman ngayon ang sentro ng tingin ni Damon.

If looks could kill indeed! Pero may saglit na ipinahihiwatig si Damon sa kanyang mga tingin na bigla na lang napalis, sa pakiramdam ni Liah tuloy ay guni-guni lang niya iyon. Hindi rin maialis ni Liah ang pagtitig sa mga mata niyang nanunuot na para bagang gusto nitong mabasa lahat ng kanyang iniisip.

"Ehem! Medyo mainit at maalinsangan ata ngayon dito ah." Pasaring na turan ni Samantha, na may pilyang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Alam mo bang itong si Fred, matagal ko nang sinundan sundan yan noong una. Akala ko wala ng gusto sa akin ang mokong, kaya tumigil ako sa pag stalk sa kanya. Ang kaso, naadik pala sa presensiya ko. Sala sa init, sala sa lamig."

"I don't get the connection Sam." Pasarkastikong saad ni Damon sa kapatid. Na siya naman ikinangiwi niya sa pagkadismaya.

"Hindi ko alam kung engot ka kuya o talagang engot ka lang. If you want it said plainly, you, my dearest brother, has still hot's for this lady here. Ayaw mo lang aminin sa sarili mo kasi iba ang sinasabi ng utak mong puro luga ang laman." Natatawa pa ito nang makita ang pagblush ng kuya niyang suplado.

"OMG! You really still do. You're freakin' blushing!"

"B-blushing?" Ulit naman ni Nate.

"Yeah, kid. The high and mighty father of yours is blushing." Si Sam na nag eenjoy sa pang-aalaska sa kapatid na hanggang ngayon ay napapalatak pa din at namumula ang mukha sa magkahalong asar at hiya.

"Weird." Si Nate, na kahit walang gatol na nag komento ito ay alam nitong napaka weird nga para sa mga nakakakilala kay Damon na makita isyang ganito. At para kay Liah, she finds it endearing. Napapamaang na nakatitig din siya sa nakikita niya kay Damon. Naalala niya na kapag nasusukol ito sa kanyang mga kapilyuhan noon, ganito din ang nagiging reaksiyon niya. Kung tutuusin hati sa maamo at suplado ang mukha nito, ang mga mata niya'y animo'y parating nangungusap na napapalibutan ng hitik at tuwid na mga mahahabang pilik mata, matangos ang ilong na bumagay sa maliit at bilugang mukha nito, at ang mga labi... Bigla siyang napatunghay sa mga labing iyon, tama nga si Franceska, mamula mula ito at para ngang labi ng isang anghel na kay sarap halikan. Napapitlag siya sa naisip at alam niyang namumula ang kanyang mukha. Nang mag-angat siya ng tingin, nasalubong niya ang mga mata ni Damon na nagungusap at bahagyang nakataas ang makakapal na kilay nito. Napalunok siya. Napangisi si Damon.

At si Sam... may sinasabi ito na hindi niya maintindihan. Pilit niyang inalis ang pagkakatitig niya sa mga mata ng binata at pinilit na inilipat ang tingin kay Samantha.

"Ano nga uli yung sinasabi mo? Di ko kasi naintindihan." Pagpapalusot niya. Ngumisi at umiling-iling si Damon na tinapunan naman niya ng masamang tingin.

"Sabi ko, come to think of it, when kuya had gotten so helpless...nung hini ka niya mahagilap para magpaliwanag...it took six years na magkita kayo ulit."

"Hindi ko maintindihan , Sam." Naguguluhang sinabi ni Liah.

"Ang ibig kong sabihin, technically, kayo pa din ni kuya. You see, wala naman kayong closure di ba? So technically, girlfriend ka pa rin ng bu-ang na yan." Nakangising sinabi nito.

Napamaang si Liah sa sinabi ni Samantha at natitilihang napatingin sa lalaking naging laman ng puso't isipan niya magpahanggang ngayon, at ang bu'ang, mukhang nag-eenjoy sa tinuran ng kapatid.

Liah's DamonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon