Tuwing lumalapit si Eleven sakin at nag-uusap kami, bigla lamang magriring ang cellphone niya at si Brooks na naman ang tumatawag o tumetext. Kung ganyan naman pala ay sana sa bahay na lang ni Brooks nakikitira ang lalakeng ito! Ugh.

*****

"Athalia?" Napasinghap ako nang biglang may narinig akong boses mula sa labas ng pinto ng aking kwarto. Mabilis kong sinara ang aking laptop pagkatapos kong umalis mula sa profile ni Brooks.

"Oo Kuya?" Bumukas ang pinto at pumasok nito ang kapatid ko. Nilingon ko siya.

"Eleven came home early tonight. Nandoon na siya sa kusina. I have a report to finish and maybe he needs some help in the kitchen." aniya.

Napabuntong-hininga ako. "Lalabas din ako."

Tumango si kuya at umalis na rin kaagad. I took my time. Ang totoo ay ayokong tulungan si Eleven sa kusina. Ano naman ang silbi na nandoon ako? He'll just be texting his Brooks all the time. Baka nga ay hindi niya pa mapapansin na nandoon ako dahil titig na titig pa siya sa kanyang cellphone! 

Gayumpaman ay sinuklayan ko ang aking buhok bago lumabas ng kwarto upang magtungo na ng kusina.

Pero paglabas ko ng aking kwarto ay halos mapatalon ako nang bumungad sa akin si Eleven na nakatayo sa harap ko.

"E-Eleven!" Napasinghap ako. "Akala ko nasa kusina ka? Papunta na ako doon para tulungan ka. Pasalamat ka mabait akong kapatid kaya pumapayag akong tulungan ka dahil inutos sa akin ni Jahziel."

"You don't need to help me anymore. Tapos na akong magluto. I think you spent too much time combing your hair." Aniya. Nakapamulsa at gumuguhit na naman ang smirk niya. Napaawang ang aking bibig. Ganun ba siya kabilis magprepara ng hapunan? Damn. Tumikhim na lamang ako at nag-ekis ng kamay.

"Bakit ka nandito sa tapat ng kwarto ko?" Tanong ko.

"Ihahatid kita sa dining room. Ano pa nga ba?" Ngumisi siya.

"Hindi ako pilay Eleven, kaya kong maglakad mag-isa. Atsaka nababaliw ka na ba? Ang lapit ng kusina rito." 

"Ang sungit mo talaga, kaya kita nagustuhan eh." Nanlaki ang mga mata ko nang pinisil niya ang isang pisngi ko. "Your feistiness makes you look sexier."

"Aray! Ano ba?" Tsaka anong sabi niya?

"Can't help it." Nagkibit balikat siya at lalo akong nainis dahil inakbayan niya ako upang sabay kaming maglakad. "Come on."

"Sexy mong mukha mo! Dun ka nga sa Brooks mo!" Sabi ko, agad na tumatakas mula sa mga braso niya. Naglakad ako sa unahan.

"What? Hey..." Nahagip niya ang kamay ko at napaharap ako sa kanya. "Anong Brooks?"

Nagtama ang aming mga mata.

"Brooks mo." Sabi ko, umiiwas ng tingin. "Yung childhood friend mo slash textmate mo. Alam mo naman iyan di ba? Kaya siya ang guluhin mo at hindi ako."

"Athalia." 

Tumingin ako sa kanya at napabutong hininga ako nang nakita ko ang seryoso niyang mukha.

"Punta na nga tayo sa kusina." Tumalikod na ako para magtungo na doon, pero hindi ko nagawa dahil hawak pa rin ni Eleven ang kamay ko.

"Athalia. Hey..." Hindi niya ako binitawan. Nilingon ko siya.

"Don't tell me you're jealous?"

Napaawang ang bibig ko.

"I.. I'm not!"

"Then why are you talking about Brooks like that?"

"Sino ba kasi yan si Brooks, okay? Bakit ang close niyo?" 

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon