"How was your sleep?" Tanong ni Eleven nang nilapag niya sa mesa ang kanyang niluto na pagkain. 

"Okay lang." tipid kong sagot, nakatingin na sa pagkain. Ang sarap ng amoy! Parang nawala kaagad ang antok ko. "Cooking again, huh?"

Ngumiti lang siya sakin at bumaling siya sa kanyang ginagawa sa kitchen table. "Eat well. Para sa'yo itong niluto ko."

"Talaga ah? Wala kang gayuma na nilagay dito?" Unti-unti akong umupo sa dining table.

"Guys like me don't need magic to catch a girl's heart, Athalia."

Napailing-iling na lamang ako. Bumalot sa amin ang katahimikan ng umaga. Tumingin ako sa kanya at pinagmasdan ko siya. Gabing gabi na siya umuuwi, pero nagawan pa rin niyang mas maaga gumising kaysa sa akin para paglutuan ako ng agahan. He doesn't even look tired. Tumingin ako sa baba at kinagat ko ang labi ko.

Siya kaya? Nakakatulog na rin kaya siya ng maayos?

"Um, Eleven?" Tanong ko.

"Hm?"

"Ikaw? How was your sleep?"

Nagulat ako sa tanong ko. Lalo na siya. Napahinto siya sa ginagawa niya at tumingin siya sa akin. Oh damn!

"H-Hindi sa curious ako okay? Ibig kong sabihin ay.. well.. kulang pa ang tulog mo dahil sa part time job mo tapos ang aga aga mo pang gumising kaya nag-aalala lang ako dahil baka napapagod ka na o ano. Iyon lang naman." paliwanag ko at umiwas ako ng tingin. "Patikim na nga ng pagkain! Nagugutom na ako."

Kumuha ako ng kutsara na nakalapag na sa lamesa at agad ko narin tinikman ang niluto ni Eleven. Kung sana'y pangit ang lasa nito ay malalait ko siya, pero hindi. Mas lalong namumula ang mga pisngi ko nang tumingin ako ulit sa kanya at nakita kong unti-unti siyang ngumiti.

"So.." Iniwan niya ang kanyang ginagawa at kinabahan ako nang naglakad siya patungo sa akin hanggang sa huminto siya sa gilid ko, umupo siya sa gilid ng table ng aking inuupuan.

"Nag-aalala ka na pala sa akin Athalia?" yumuko siya habang naka-smirk at nag-ekis ng kanyang kamay. Nagsikap ako na panatilihing matigas ang ekspresyon ng aking mukha.

"Hindi naman ako bato para hindi mag-alala sa iyo minsan." Mahina ang aking boses. "You have to take care of yourself sometimes, you know?"

Lalong lumapad ang ngiti ni Eleven at kinilabutan ako sa aking naramdaman. Tumingin siya sandali sa baba. He bit his lip and licked it. He looked at me again, still smiling to hell. Wala siyang masabi.

"Ganyan ba ang reaksyon mo kapag mag-aalala ako sa iyo? It's not a big deal, Eleven. Alis nga!" Tinulak ko siya ng bahagya pero hindi ko siya napaalis mula sa dulo ng lamesa. He unfolded his arms, and put them in his pockets.

"It's a big deal for me." Aniya, nakatingin sa aking mga mata.

Sa sandaling iyon ay pakiramdam ko'y nawala na ang kusina at ang lamesa at ang lahat ng mga bagay sa mundo at ang nanatili ay kami lamang dalawa ni Eleven. Natakot ako sa aking pakiramdam. 

Ring! Ring!

Tumunog bigla ang kanyang cellphone at sa wakas ay bumalik ako sa akin huwisyo. Kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa at tiningnan niya ito.

"Um" Tumikhim ako. "Sino yan?" Tanong ko.

"It's Brooks. Wait a sec, Ath." aniya at kumunot ang noo ko nang umalis siya mula sa dulo ng lamesa at naglakad palayo upang sagutin si Brooks.

And that was it. Araw-araw ay ganyan na. Laging nagtetext sa kanya si Brooks, at lagi naman niya itong nirereplyan na parang obligasyon na niyang gawin iyon. Alam ko namang magkaibigan sila. Childhood friends. Pero kailangan ba talagang araw-araw, minu-minuto ay nagtetext sa isa't isa ang mag "childhood friends" lang? 

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon