"Tagal ng bakasyon mo ah. Masaya ka ba?" noted the sarcasm. Ngumiti siya sa akin.

"Oo naman. Nag alala kasi ako kay lola kaya umuwi ako.Ikaw?" nag aayos na siya ngayon ng damit ko para mamaya.

"Mabuti naman. You missed two exams."

Natigil siya, tila ba may naalala.

"Babawi ako sa lunes. Emergency lang talaga ang pag uwi ko e."

Hindi ko na siya kinausap ko. Yung pakiramdam na gusto ko siyang paniwalaan pero may nag uudyok sa akin na hindi naman dapat dahil sa mga nakita ko.

The picture of her hugging Diego was still etch in my mind.

I sighed and rolled my eyes. Hindi nalang nagsalita pa.

"Senyora?"

"Yeah?" maarte kong sagot. Naglalagay na ng lotion sa aking katawan.

"Noong bata pa ba kayo wala kayong maalalang may kapatid ka?"

Natigil ako. Why the hell she asking me that?

Oo nga no. Wala naman akong kapatid. Si Diego ba ang ibig niyang sabihin?


"Diba matagala ka na dito? Ibig sahihin alam mo naman na hindi kami magkapatid ni Diego." tinaasan ko siya ng kilay. Huminga siya ng malalim at tumango. Tahimik na siyang nagsilbi sa akin kaya hindi na rin ako umimik.




"Baka hanapin ako mamaya ni Don Cleo ,mukhang gagabihin ako." malamig kong bigay paalam.

"Saan po ba kayo pupunta senyora?"

"Kay Felix. Sa Condo tower niya." nginisihan ko siya. Nakita kong nagulat siya at ni hindi ako sinagot.

Hm. Ano ba talagang gusto mo Addelyn? Si Diego o si Felix? Masyado ka palang uhaw sa mga lalaki. Hindi halata.


Nagsuot ako ng baby blue croptop and black jeans. Nagdala rin ako ng pouch na naglalaman ng cellphone at black card. Nung kelan nasabi sakin ni Felix kung saan ang condo niya. Pinaghinilaan niya pa ako na baka pupuntahan ko siya pero syempre..ngayon lang ako nagka oras na pupuntahan siya.

I'm bored sa bahay lalo na sa mga tao na naroroon. I am expecting din na sana hilahin ako o makita ko man lang si papa habang nasa labas ako. He gave me riddle na hindi nagpatulog sa akin kung ano ba talaga iyon.

Driver at dalawang body guards ang kasama ko. Gusto kong magtanong kung nasaan nga ba si Diego ng lumabas ako dahil wala na siya doon. Wala na rin si Addelyn but.. bitter pa rin ako sa mga hinala ko.



Ngumuso ako dahil nakita ko na'tong condominium noon. It's expensive. Bakit pa kaya pinagtitiisan ni Felix maging teacher ko ang yaman yaman naman nila?

Isang sabi ko lang ng pangalan ko ay pinapasok na agad ako. At, nandito siya! Hindi siya mahigpit sa mga pumupunta sa kanya!


Nang nasa tamang palapag na ako ay pinindot ko ang buzzer ng kanyang pintuan. Ngumisi ako sa peephole nito at hindi nagtagal ay bumukas ito. He sighed heavily at halos umirap ng titigan ako.

"Bakit?" lumapad ang ngisi ko. He closed our distance and hold my waist, pulling me inside his unit.



Pawisan siya, kakagaling lamang sa work out. Napalibot naman ang tingin ko sa malalaking frame.



"I was called by the front desk. Hindi ka ba papagalitan ni Diego?"


Ngumiwi ako kaya tumawa siya at inakbayan ako.

"Uy! Ang lagkit mo!" reklamo ko at halos itulak siya pero siniksik niya pa rin ako sa bandang kili kili niya.

"Yuck! Ano ba Felix!" reklamo ko ulit.

"Patingin nga ng leeg mo. Dagdagan ko pa yan mamaya e."

Pinalo ko siya sa braso at sabay kaming tumawang dalawa. Hindi pa nga ako nakakapasok sa kusina niya ng may nag buzz na naman sa pintuan niya.

Felix grabbed his hair and licked his lips. Nagkatinginan kaming dalawa. I just shrugged my shoulder at pumwesto sa upuan niya. May mga pagkain nga doon.


Ang tahimik ng umalis si Felix hanggang sa makarinig ako ng isang bagay na tila ba nasapak o ano. Tumayo ako para lapitan iyon pero hindi pako nakakalayo sa pintuan ng kusina ay pumasok na si Diego na ikinalaki ng mata ko.


"W-What are you doing here?!" nalipat ang tingin ko kay Felix na may pasa ang gilid ng labi. Shit!

"Ano?" naghahamon ang boses ni Diego sa akin. "Uuwi ka o bubugbugin ko pa yan lalo?"  turo nito kay Felix na minura naman siya.


Gigil kong nilapitan si Diego. Kagabi pa ako naiinis sa isang to e. Nananahimik nga ako sa pambababae niya, kung makaasta parang walang kasalanan! Ako pa yung mali?!

Hinila ko ang necktie niya. "Tang ina mo ka.." tsaka ko padarag na binitawan iyon at nagmartsa palabas.

Blood of Roses (Mafia Series 3)Where stories live. Discover now