Sweetest Revenge [Romance-Comedy]

230 1 0
                                    

Introduction: 

FRANCE'S POV

Oh my! Excited na ako para bukas! May sasabihin daw sakin si Keith. And because of that, kelangan kong maghanda ng isang magandang outfit para sa confrontation nya bukas! 

I went to the mall para bumili ng isang polka-dress na may matching belt pa. It's so pretty! Syempre kelangan ko ng sandals diba? That's why I bought 5-inch stiletto heels. Matangkad kasi si Keith, kaya dapat pag ikikiss nya ko bukas, edi ready na ako! Hindi nya na kelangan pang lumuhod! Di ako maliit, average lang height ko. Pero siya, he's so kapre!

3 years na kami ni Keith. I know it's really unbelievable, pero ganun nya 'ko kamahal! Kaya nga sinusuportahan ko pa ang family and siblings niya eh. Ako nagbabayad ng kuryente, nagpapaaral sa kanya. I even hired him to my dad's company, driver lang naman, pero syempre he badly needs a job. Siguro nga, siya na ang pinakaswerteng lalaking nabubuhay ngayon eh! Of course, he has me, and I have him. 

Nag pa handa pa 'ko ng maraming pagkain, syempre kasi I know na magp-propose sya sakin! I even brought my closest friends para sumuporta at magcheer sakin! 

And BOOM! Here comes the special day. Nandito na ako sa correct location kung saan kami magkikita. Grabe ha, inabot pa ata ako ng ilang dekada bago ako makapunta dito! Kalurky! 

"Terrence! Asan na yung cake? Dapat nandito siya sa center table para maganda ang view!" galit na sabi ko kay Terrence

"Ano ba Girl, naloloka ka na ba? Paano naman natin ilalagay yan sa center table? Eh kinakain na ni Luke! Tingnan mo oh!" turo sakin ni Terrence

"Luke! Ano ba! Patay gutom ka ba? Pati cake ko inubos mo na! Ang chocolate nyan imported! Patchi! Tapos imported din ang mga creme diyan!" sabi ko

"Eh sorry naman France Joseph Velasquez! Eh pano ba naman kasi halos magutom na kaming apat sa kakaantay dyan sa Keith na yan!" sagot ni Luke

"Hay! Stop calling me France! My name is Franchezka Josephine Velasquez! Kuha mo?! At sagot sagot ka pa eh! Hindi kita pasweldo-hin dyan eh!'' 

"Nako chill ka lang girl. Mamaya di natin alam na nandyan na si Papa Keith mo! Saka teka, may point naman talaga si Luke eh, gutom na gutom na kami at ang tagal naman nyang Keith na 'yan! At teka, bakit ba sa lahat ng cake na bibilhin mo eh yung Wedding Cake pa ang naisip mong bilhin!? Ang ambisosya mo talaga." sabi ni Terrence

Inirapan ko nalang sila at hinintay si Keith. Then now he comes walking to the table. Naka shirt lang siya pero ang gwapo nya parin! 

"Ah.. Grabe naman, ba't ka pa naghanda nitong mga to?.. Sayang lang.. Saka may sasabihin sana ako sayo.. Importante." sabi niya

Excited na talaga ako! Syempre automatic YES naman ang sasabihin ko noh! Sayang lang ang mga pinahanda kong food kung di ko naman siya sasagutin. Wala akong paki kahit yung singsing lang na bibigay niya is yung takip ng coke. Okay lang sakin, basta yayain nya lang ako. 

"Syempre naman noh, pinaghandaan ko talaga 'tong araw na to. Special nga eh, kaya nga bumili pa ako ng high stiletto heels at naghanda pa ko ng outfit ko." natatawang sabi ko

"Ahhh.. Actually ano eh.." he moved his face closely to my ears then started whispering "Pwede bang.." 

"Pwede bang..?" I repeated. I was like Oh my Ghaaad! Packingshet, baka naman Pwede bang PAKISS ang sasabihin niya.. O di kaya, Pwede bang.. MAGPROPOSE? Oh my gosh. 

"Pwede bang .. palayuin mo muna sila? Kasi masyado nang nawawala ang privacy eh." natatawa nyang binulong. Sa isip - isip ko naman, Oh my gosh, ano kayang gagawin namin kaya kelangan pa namin ng privacy?..

Tiningnan ko nang masama yung apat na bakla na yun. Yung bang lumayas-kayong-mga-hayop-look. 

"Ah, yung sasabihin ko pala.. Gusto ko sanang sabihing.. Thank you. Thank you for everything, sa lahat ng saya na binibigay mo sa'kin, yung pagtulong mo sa financial needs namin, yung unconditional love na binibigay mo sa'min. Salamat." he kindly said

I wonder why he is saying this all. Siguro kailangan munang mag thank you bago magpropose? I understand naman, but grabe ha, I super can't wait.

"Sorry din, kung di ko kayang maisoli lahat ng binigay mo sa'min. Sorry kasi hindi ako gan'on kayaman kaya hanggang dito lang ako. Sorry kasi dahil sorry lang masasabi ko."

Hay ang tagal ha. Ano bang meron? 

"France, I'm sorry. I'm sorry kasi I'm breaking up with you." he said those quickly. Hindi pa rin mag sink in sa utak ko kung bakit. Kung bakit siya makikipag break sakin. 

"W-why? May mali ba sakin? Dahil ba sa pangit akong bakla? Dahil ba maarte ako? Dahil hindi mo mabayaran mga utang mo? K-keith, okay lang. Okay lang kahit hindi mo ibigay lahat ng naibigay ko sa'yo. Just please, don't leave me." dahan dahang pumatak ang luha ko.

"No, I love you and I will always will." he started to slow down. I answered, "Kung mahal mo talaga ako eh bakit ka makikipag break sakin?" 

"France, sobrang nahihiya na ako sa'yo. Ang rami mo nang naitulong sa pamilya ko, pati na rin sa akin. Yes, mahal kita. Mahal na mahal. Pero bilang isang malapit na kaibigan lang. Di ko naman akalain na aabot tayo sa ganito, at wala akong balak na saktan ka." 

"In addition, nagborn again na ko. Sa religion namin, hindi pwede ang isang lalaki sa lalaki. France, kung babae ka lang talaga, hindi na kita pinakawalan. Kaso, ayokong magsinungaling sa Diyos. Sorry talaga." he quickly stood up 

"Thank you France. For everything." sabi niya tapos lumakad na siya paalis

Hindi ko matanggap. Why did he do this to me?! Tanggap ko naman na para sa Diyos to eh. Kaso ako, pinagpalit nya sa pagiging born again niya? Bakit ba siya nag born again? Bakit ngayon pa? Di ba pwedeng sa sunod na dekada nalang? Pag patay na ako? 

Lumakas ng lumakas ang pag iyak ko. Tapos biglang umulan. Pesteng ulan nananadya!?!

Humanda ka Keith Angelo Villegas for my SWEETEST REVENGE. Sweeter than ever. Mas sweet pa sa mga punyetang mag bf at gf na nagsasaya ngayon! 

A/N: Si France po sa right ------------> 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweetest Revenge [Romance-Comedy]Where stories live. Discover now