Chapter Twenty-Nine (The Mated Alpha)

Start from the beginning
                                    

"What do you mean?"

"Naku naman Philcan, mag-aral ka nga, kaya parating high-blood Patrem mo sa'yo eh, nagiging blue ang mata ng mga Alpha kapag mated na sila. That's the sign of unity of 'destined soul' ," paliwanag nito.

"Okay lang ba siya niyan? Babalik pa ba sa dati ang kulay ng mata niya?" sunod-sunod na tanong dito ni Abby.

"Oo naman, pero mga ilang araw pa babalik na 'yan sa dati, kaya ang payo ko sayo Abby, lumayo layo ka muna kay Philcan dahil hanggat hindi bumabalik sa dati ang mata niyan, sinasabi ko sayo, aaraw-arawin ka niyan, grabe ang sexual desire na nararamdaman niyan sa'yo ngayon,"

"Gan'on ba? Sige sa bahay mo muna ako matutulog pansamantala," narinig niyang sabi ng kanyang kleinos.

"NO!" tutol niya agad. Naiisip niya pa lang na hindi niya ito katabi sa pagtulog. Parang masisiraan na siya ng ulo.

"Told yah. Sige. Bye na nga, goodluck Abby!" nawala na ang hologram nito.

"Narinig mo naman siguro ang sabi ng Avunculus mo, h'wag ka munang lalapit sa akin,"

"No, please don't do this to me my kleinos,  you're killing me slowly," nagmakaawa talaga siya. Ngayon pang alam na niya ang nararamdaman.

Tumawa ito.

"What?!"

"Nothing, look at you, hindi ginagawa ng Alpha 'yan, tingnan mo si errr..Patrem.. err, hindi ako sanay," kagabi kasi ng kumakain sila ay nag-anunsiyo ang kanyang ama na parte na si Abby ng pamilya ng mga Alpha. Iyon pala ang pinag-uusapan ng konseho. Ito na ngayon ang Primo Domina ng succeeding Alpha, walang iba kundi. Ahem. Kailangan pa bang ipaalam. Ayaw niyang maging mayabang.

"'Yon nga, kahit putulan mo ng dila, hindi magmamakaawa iyon, h'wag naman sana akong marinig..uy! Philcan! nakikinig ka ba?"

"Huh?"

"Huwag ka ngang masyadong mag-isip! hindi naman ako aalis,"

"Talaga?" naexcite na naman siya.

Tumango ito.

"Kung gan'on tara na, sabay na tayong maligo," ngumisi siya. Hindi niya na makontrol ang mga naiisip niyang gawin sa loob ng bathroom kasama ito.

"Pass!" sigaw nito. "Juice colored. Napaka-olala pala ng mga alien," hindi niya na ito pinakinggan kinarga niya na ito. Walang kahirap-hirap niyang pinatong ang katawan nito sa kanyang balikat.

"Philcan! ibaba mo ako!" sigaw nito.

Hindi niya na alam kung ilang panahon na silang nagtagal sa bathroom. Basta ang alam niya ay masayang masaya siya dahil all out performance na naman ang ginawa nila. Siya na ngayon ang may kontrol ng performance nilang iyon.

"Philcan,"

"Hmmm," nasa ibabaw na ito ng sink at hinahalikan niya ang leeg nito.

"Pagpahingahin mo naman ako," nakatapis na ito ng malambot na kayo dahil katatapos lang nilang maligo. "Wala ka bang kapaguran, napakahilig pala ng mga alien ngayon ko lang nalaman iyon, hindi pa alam iyon ng mga taga-earth,"

"Sayo lang naman,"

Hindi niya rin kayang kontrolin iyon. Masarap pala.

"Manyak!" narinig ba nito ang kanyang naisip.

"Sayo lang nga," ngumisi siya. Nakatingala siya dito dahil nakatayo at nakaipit ang kanyang baywang sa mga binti nito.

"Alam mo bang ibig sabihin n'on?"

"Hindi,"

"Bakit ka sagot ng sagot na 'sayo lang'?"

"I dunno, I just feel it was the proper way to response,"

"You're so naive," ipinatong nito ang dalawang braso sa balikat niya.

"I'll take that as a compliment, pakiss nga ulit,"

"Mamaya na, nagugutom na ako,"

"Bakit ngayon mo lang sinabi, bumaba ka na r'yan," kinarga niya ito para tulungang makababa.

"Ako pa talaga sisisihin mo, ikaw itong wild animal na nakawala sa hawla tapos kung makasunggab ka para akong isang prey, oh sinong hindi magugutom sa pinaggagagawa mo,"

"Natin," pagtatama niya.

"Whatever!" nagmartsa na ito palabas ng bathroom.

"My kleinos, mamaya ulit after nating kumain!" sigaw niya.

"No!"

"Please!"

"I said no!"

Nagkamot siya sa ulo. Pa'no ba 'to. Bahala na nga. Kaya niya pa namang kontrolin sa ngayon. Tumingin siya sa salamin at nakita niya ang kanyang blue na mga mata.

"Bakit ang gwapo mo ngayon Philcan?" kausap niya sa sarili.

Password accepted.

Bigla na lang namatay lahat ng mga ilaw.

Ay shit. Password niya nga pala 'yon. Tanga lang. Naglakad na lang siya palabas ng bathroom.

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now